
Limang taong gulang lamang si Kristel nang lisanin nila ng kanyang ina ang bayan ng San Antonio. Hindi man mawari ng kanyang murang isipan kung bakit kailangan nilang iwan ang lahat ay tuloy pa rin ang buhay.
---
Ni wala sa ginagap niya na babalik pa siya sa lugar na iyon, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana- sapagkat lulan ng pampasaherong bus ay tanaw na niya ang arko na nagsisilbing palatandaan niya na narating na nga niya ang San Antonio.
---
"Hindi ka pwedeng magpakita sa kanila!" Makailang-ulit na bilin ng kaniyang ina habang magkausap sila sa telepono.
"Ma, babalik din ako agad. Huwag kang mag-alala. Hindi nila malalamang nandito ako." sagot ni Kristel upang pakalmahin ang inang naghihisterikal. Mula nang magdesisyon silang manirahan sa Subic ay napakalaki nang ipinagbago ng kanyang ina. Naging maiinitin ang ulo at lagi na lamang niya itong nahuhuling tulala. Alam niyang may kinalaman ito sa desisyon niyang umalis eight years ago at desidido siyang alamain kung ano ito. Sa kanyang muling pagbabalik, malaman niya kaya ang mga katotohanang pilit ikinukubli sa kanya? Matanggap kaya niya ang mga ito o mas pipiliin na lamang niyang kalimutan ang lahat sapagkat mayroong mga lihim na dapat pinapanatili na lamang na lihim.

