Saglit na natigil ang pagbabasa ko nang nagdadabog na pumasok si Kenshane at umupo sa harap ko.
"Nakakainis," rinig kong sabi nito.
"Anong problema mo bukod sa pagmumukha mo?" pabirong usisa ko naman.
Nakanguso lang ito habang nagsalpukan ang mga kilay. Mukhang maling pinansin ko pa ito.
Sa kamalas-malasan ay ako lang ang masusumbungan nito ng kaniyang hinain ngayon dahil may session sina Gab. Wala nga pala talaga itong best friend. Kung sino ang available sa amin, iyon ang magiging sumbungan niya.
Si Marci naman, nandito nga pero tutok din sa libro kaya walang sino man ang pwedeng mang-abala dahil baka mahampas niya nang wala sa oras.
Tsk.
"Sarap niyang upakan, zsss. Ang landi talaga. At ito namang si Faller, ang bulag. Mas maganda naman ako sa babaeng iyon, ah? Bakit hindi na lang ako? Geez, bakit hindi na lang ako?"
"Kenshane?" untag ko sa rito.
"Ano!" mataray pang asik nito.
"Slow down, baby girl. Maraming nakikinig sa bunganga mo," paalala ko pa. Baka mamaya ay may magsumbong pa kay Eliza na nilalait-lait niya ito. "Haduf ka. Ikaw pa nagtataray diyan, eh ikaw na nga itong nang-iistorbo! Can't you see? Nag-aaral ako."
"Eh di mag-aral ka nang mag-aral hanggang sa manuyo ang brain cells mo. Nag-aaksaya ka lang ng oras," pambabara nito sa akin .
"Excuse me? Learning is a continuous process. Paano na lang ang knowledge na ibabahagi natin sa mga kabataan na pag-asa ng bayan sabi nga ni Rizal?"
"Sus! Ang daming kaartehan. Isa pa 'yang Rizal na 'yan. Bayani raw? Bakit hindi niya nailigtas ang sarili niya, ha? Tangang bayani pa nga."
Nagkatitigan pa kami sabay napahagalpak ng tawa. Ito rin ang nakakatuwang ugali ng pinsan ko kapag badtrip, maraming nadadamay kahit mga santo.
"Haduf ka! Mag-sorry ka kaya, 'di hamak na mas matalino iyon sa atin," saway ko pa.
"Sorry pero opinyon ko 'yon kaya totoo naman. Walang mali sa opinyon."
"Paano ngang ililigtas ang sarili eh nakatalikod nga, 'di ba? Ikaw kayang barilin nang nakatalikod, tingnan natin kung makakapalag ka pa," bwelta ko naman.
Bakit nga biglang si Rizal ang naging subject namin? Tsk. Ang random talaga ng usapan kapag itong babaitang ito ang kausap ko.
"Ha? Nakatalikod ba si Rizal no'n? Talaga ba?" parang naguguluhan niya pang tanong sa akin. Saglit naman akong nag-isip.
"Eh? Bakit? Hindi ba?" Mas naguluhan pa yata ako.
"Parang hindi eh, nakatihaya yata."
"Gags! Nang nabaril na siya, baka pa."
"Oo nga, ano ba sinabi ko, nang buhay pa siya?"
"Ha? Eh? Iyon yata ang sinabi mo, eh."
"Hala ka! Wala akong sinabi, Neng."
"Bakit may sinabi ba akong may sinasabi ka?" Inihampas ko sa kaniya ang libro na PD na nasa tabi ko lang din. Manipis lang naman ito at mahina lang din ang panghahampas ko.
"Aray! Lahat na lang kayo, sinasaktan ako. Makaalis na nga."
Sakto ring pumasok si Faller at Eliza. Kaya naman pala nagmamaktol na naman ang haduf na Kenshane.
One day, Faller, mare-realize mo rin kung sino ang binabalewala mo, mark my words.
Masyadong clingy si Shane sa taong nagugustuhan niya pero kapag nagsawa na siya, 'yong naisagad na ang pasensiya niya, baka ni siring ng tingin ay hindi niya na maibigay sa isang tao. Gano'n ang personality ng pinsan kong babaita.
"Wait..." pigil ko sa kay Kenshane.
"Ano?"
"Halika, may ibubulong ako." Lumapit naman ito. "Mamahalin ka ni Faller basta ba'y bawasan mo ang kaharutan at ka-clingy-han mo sa kaniya."
Namilog naman ang mata niya sa ibinulong ko at walang sabing dinampot ang Science book na halatang si Gabriella ang may-ari at ipinukpok sa ulo ko sabay takbo. Tila ba nakakita ako ng buhay na mga star.
Haduf. Science book pa? Parang nauga ang panga ko, ha?
"Haduf ka, Kenshane Guieco!" sigaw ko na ikinagulat ng lahat. Kemeng ngumiti ako habang nararamdaman ko pa rin ang hilo.
Wait, gulat sila sa akin pero nasa pinto ang tingin nila?
Napadako ang tingin ko roon.
Stranger.
Napalunok naman ako. Hilong-hilong tumayo at nakisabayan sa pag-bow sa kaniya at umupo agad dahil para bang kakagaling ko lang sumakay ng Ferris wheel.
Haduf ka talaga, Kenshane. Mamaya ka lang. Sinabi ko iyon sa isip ko habang nakatingin sa pinsan ko na kay Faller at Eliza ang tingin.
Tsk, selos na selos ang gaga.
"Good morning, Chairman Mhinn!" Sa wakas ay nakapa rin nila ang kanilang mga dila.
Napabuga ako ng hangin dahil naalala kong hindi ako nakapunta ng DM Bar dahil biglaang nagyaya ng get together si Marciella, wala ni isa sa amin ang makatanggi. Once in a blue moon lang din kasi magyaya kaya palaging pinagbibigyan namin.
Curious ako kung naghintay ba talaga ito sa akin doon o baka chinacharot lang ako ng lalaking ito. Tumayo naman ako at binitbit ang librong inihampas sa akin ng haduf kong pinsan at naglakad palabas ng FR..
"Good morning, just checking if many are absent today. Maging responsibleng teachers kayo, okay?"
Checking? Sinong niloloko nito? Hello? Naka-systematize ang attendance namin sa office ng Dean, ha?
"Yes, Chairman!" sagot ng lahat maliban sa akin.
"Wala naman pong absent, Chairman Mhinn," pa-cute pang saad ni Jeannie. Napailing na lang ako.
Bago ko pa marating ang pinto kung saan nakatayo si Dailann Mhinn ay nilingon ko pa muna ang mga babaita kong co-lecturer na kilig na kilig dahil sa presensiya ng lalaki.
Naiiling na naglakad ulit ako at nang matapat ako kay Chairman Dailann ay bahagya akong huminto. Napatitig naman ito sa akin.
"Good morning, Chairman Dailann Mhinn," tipid kong bati.
"Good to know that your morning is good," tugon nito sa halip na batiin din ako. Pinigilan ko namang taasan ito ng kilay.
"Hindi na po pala good dahil nakita kita," pabirong sabi ko.
"You're annoying me, Miss Kenya," nakangiti ngunit halata ngang naaasar ito sa akin.
"Oh? What a shame," dagdag ko pa at ginawang kaasar-asar ang facial expression ko.
Pinigilan kong matawa nang mapansing nakatiim-bagang na ito. Sinisiguro ko lang naman na hindi na ito babalik dito sa FR namin sa gano'ng malamyang alibi. Nagmumukha lang itong tanga sa harap ng mga lecturer, eh.
Puwede naman kasing umamin na gusto niya lang akong makita... Hindi pala. Hindi puwede.
Nagsimula na akong maglakad. Naramdaman ko naman ang mga yapak nito na nakasunod sa akin.
"Masakit ba?" tanong pa nito. Napahinto ako sa paglalakad.
"Ang alin? Puso ko? Oo, masakit pa rin, zsss!"
Kailangan niya pa bang itanong iyon? Wala ba siyang common sense sa ganito kaaga?
"Silly. Ang ulo mo na pinukpok ng libro ng pinsan mo," aniya saka ginulo pa ang buhok ko.
Nagpalinga-linga naman ako. Mabuti at class hour ngayon. Walang makakakita sa eksena namin.
"Tinatanong pa ba 'yan, Chairman? Eh, halos narating ko na nga ang Pluto dahil sa hilo, eh."
"Ano ba kasing sinabi mo sa kaniya para ganonin ka?" Nakita niya pala talaga ang eksena namin ng maharot kong pinsan.
"Na bawasan niya ang kaharutan niya."
Napapalatak naman siya. "Kung ako ang sinabihan mo ng gano'n, hindi lang pukpok ang aabutin mo."
"Eh, ano? Papatayin mo ako?"
"Uhm, harsh," aniya pa sa cute na boses pero masama naman ang titig.
Napanganga naman ako habang tinatanong kung ilang personality ang meron ang lalaking ito. "What are you doing..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya na lang akong hinila sa tagong parte ng school at sinandal sa pader sabay binakuran ng kaniyang mga braso.
"Chairman Dailann, ha? SPG ito, baka may makakita sa atin na mga bata. Hindi ko pa gustong ma-kick-out sa paaralang ito."
"Bakit hindi ka sumipot? Bakit?" tanong niya habang dalawang pulgada na lang ang agwat ng mukha namin.
Sa halip na magpadala sa kaba na nararamdaman ko ay prente akong sumandal at humalukipkip.
"Naaalala ko ngang niyaya mo ako sa DM Bar pero malinaw din sa akin na sinabi mong okay lang kung hindi ako pumunta. Kaya hindi ko lang maintindihan kung bakit nagagalit ka na hindi kita sinipot. Ipinanganak ka bang nauna ang paa kaysa sa ulo, Chairman Dailann Mhinn?"
Pekeng ngiti naman ang kaniyang iginanti at kusang lumayo sa akin. Halatang napagtanto niyang may punto ako at hinding-hindi siya mananalo sa argumentong ito.
"See you around," nakangiti kong sabi para lang asarin ito at sinadya pang banggain ang kaniyang balikat.
Mukhang hindi lang sina Jelo at Rheanne ang magiging stress ko kundi pati ang bagong chairman ng school na ito. Tsk!