My whole system felt shaken, and I knew my colleagues felt the same way. They looked at me as if asking if I'm okay or if I can handle it. I forced a smile at them. I also noticed Rheanne looking down.
"Ah, no. By the way, this is Rheanne Pierre. MHIS lecturer too."
Why don't you want to introduce your new girlfriend to us, Jelo?
"Hello, Mr. Chairman," bati pa ng babaita.
"Ah, I see. Akala ko kasi siya iyong nababanggit mo sa akin noon. By the way, where is she? I wanna meet her."
Ni hindi man lang nito tinapunan ng pansin si Rheanne tapos ang seryoso pa kung magsalita. Minsan ay nagdadalawang isip ako kung ang stranger nga ba na ito ang nakilala ko nang gabing iyon o hindi. Pero hindi ako nagkakamali eh. Tirik na ang araw ng maghiwalay kami.
"I'm sorry for what happened..."
"Forget it, stranger. Wala kang dapat ihingi ng sorry dahil in the first place, ginusto ko iyon, ginusto natin pareho. So, let's close this case. Hindi naman na tayo magkikita, eh."
Iyon ang huling usapan pa namin. Kaya sigurado akong siya nga ito.
"Nakekelerke ne etey, he? I can't with you all," bulong ni Crys dahil halata namang mas umiigting ang tensiyon sa pagitan namin.
Hindi lang nakakaloka, nakakasira pa ng sistema.
Napabitiw ako sa damit ng chairman dahil alam kong napadaku ang tingin ni Marci sa kamay ko. Umakto na lang ako na parang wala akong ginawa.
"Excuse us po, Chairman Mhinn and Dean Jelo. Tapos na kasi ng break namin, eh. May pasok na kami," singit ko bago pa magkabistuhan.
"Oo nga pala! Naku! May assessment ako sa mga stupident ko ngayon," segunda ni Gabriella.
"Same here, Gab. Tara na." Nauna na ang magkaibigang Gab at Crystal.
"Ako rin pala, Dean. Alis na ako," paalam din ni Rheanne.
"Sure. Sabay na tayo, Miss Pierre. Chairman, mauna na kami, ha?"
Mga haduf! Zsss! Unti na lang at sisindihan ko na kayo ng itim na kandila.
"Tara na, Kenya," yaya sa akin ni Marciella. Tumango naman ako at sumunod na.
"Miss Guieco."
Awtomatik na napalingon ako sa chairman. "C-Chairman?"
"I have something to tell you."
Labag man sa kalooban ko ang sundin siya pero gusto rin talaga siyang makausap. Gusto kong masigurado na hindi niya ipagsasabi ang tungkol sa namagitan sa amin nang gabing panandalian akong tinakasan ng bait.
Ni hindi ko man lang naisip na posible kaming magtagpo ulit, eh. Akala ko kasi ay sa mga movie at nobela lang iyon nangyayari. Kung sabagay, lahat naman ng kwentong buhay sa mundong ito ay fictional lamang. Mayroon at mayroon talagang kumukontrol.
Lord, sana naman ay gandahan mo ang kwentong pag-ibig ko, 'di ba? Nakakapagod ng umiyak dahil lang sa walang kwentang tao.
"Ah? S-Sige ho, Chairman," pormal ko pang sagot. Alanganing ngumiti at tumango ako kay Marciella para iparating na okay lang na maiwan ako kahit hindi.
"Mauna na ako, Ken."
Tumango na lang ako kay Marci at pinanuod ito habang palabas ng Orchidarium. Napadapo ang tingin ko sa lalaki na nakatitig lang din sa akin.
"Uhm, about that night," panimula ko pa habang nilalabanan ang kaba at pagkailang sa kaniya. "Sana po ay walang makakaalam na iba. Kalimutan na lang po natin iyon. I'm sorry for being such a b***h. Hindi excuse ang anumang problema na pinagdadaanan ko para maging gano'n. I'm sorry," direktang paumanhin ko pa.
Napalunok ako at sinubukang salubungin ang kaniyang tingin. Narinig ko ang kaniyang mahinang buntonghininga pagkuwa'y lumapit sa akin.
Malapit na malapit at niyakap ako. Nagulat pa ako pero nakabawi naman agad. I know that he knows what I feel right now. Pero sa sinabi ko na hindi niya alam kung sino ang dahilan.
"C-Chairman? May problema ka ba?" baling kong tanong sa kaniya.
"Silly. Ikaw ang may problema at hindi ako, Miss Guieco," aniya saka hinaplos-haplos ang buhok ko. "Naiintindihan kita. Forget about him," dagdag niya pa.
"I can't," sagot ko sabay layo sa kaniya.
Lahat na lang sila ay gano'n at gano'n ang sinasabi. Hindi ko kailangan ang gano'ng advice dahil hindi ko pa kayang gawin kahit na anong pilit ko.
"You should, Miss Wild."
Hindi ko sinasadyang samaan siya ng tingin. Kapag hinayaan ko siyang gano'n ang itawag sa akin ay mas mabilis kaming mabisto ng mga kasamahan ko. Hindi dapat nila malaman ang tungkol sa nangyari sa amin dahil maitatakwil ako ng pamilya ko. Wala akong pakialam kahit na boss ko pa siya rito.
"Ma'am Guieco," pagtatama ko pa.
Bahagya siyang natawa sabay tango. "Fine. My bad, Miss Guieco. Walang bago sa opinion ko. Kailangan mo siyang kalimutan. Iyon lang ang tanging magagawa mo para mabuhay uli 'yang mga mata mong malungkot."
"How?"
Hindi siya nakaimik. Lahat sila sinasabing kalimutan ko na siya. Pero paulit-ulit ko rin na itatanong ang paano? Ginagawa ko na naman nga ang lahat pero hindi eh.
I really love Jelo. He is my first love, and I thought he would be my last. He's been with me since the prologue of our story, and I never expected that we would part ways even before reaching the epilogue.
And worst of all? The person who came into the picture when we were at the climax is the one who will be with him until the end.
"I'm sorry but I think only you know how," aniya saka tumalikod sa akin.
"Stranger!" tawag ko sa kaniya.
Lumingon naman siya. "What, Miss Wild?"
Ang tigas din talaga ng kukuti ng isang ito. Sinabi nang huwag na akong tawaging gano'n, eh!
"Ahh, huwag na tayong mag-usap nang tayo lang."
Mukhang natigilan naman siya. "Gusto mo bang tulungan kitang kalimutan ang gagong ex-boyfriend mo?" direkta niyang tanong.
Ngayon ay alam kung hindi isang chairman ang kausap ko kundi iyong stranger na naka-one night stand ko dahil sa kalandian kong taglay. Iba talaga ang epekto ng alak sa sistema ng isang tao. Hindi na natin alam kung ano ang tama sa mali.
Pagak na lang akong natawa. "Wala ka namang maitutulong, salamat na lang," tanggi ko pa.
"Meet me at the DM Bar tonight."
I, on the other hand, was taken aback. What's going on in this man's mind? Isn't he afraid that we might have a scandal?
Because I am. I am a teacher, and he is the Chairman, so it's only right that we avoid each other before everyone finds out about the one-night stand that happened between us. Not only my friends but my family might also disown me.
Fuck! Anong gulo ba itong napasukan ko?
"Kung ayaw mo eh di 'wag. In case na kailangan mo ng makakausap ay doon mo lang ako hanapin."
Tuluyan na itong nawala sa aking paningin. Napabungtong-hininga naman ako.
I still love Jelo. Baka nga taon pa bago ko siya magawang kalimutan. But I think... I need that stranger too. I need him to save myself from this deadly pain.
Bahala na si Batman.
Naglakad ako pabalik sa FR. Sa kamalas-malasang pagkakataon ay makakasalubong ko pa si Jelo at Rheanne.
Para bang ayaw pa humakbang ng mga paa ko pero nilabanan ko ang aking sariling emosyon. Hindi puwedeng magpatalo ako sa kanila.
Ako na nga itong na agrabyado kaya bakit parang ako pa ang kailangang mag-adjust?
Tumuwid pa ako ng tayo at buong lakas na nakipagsalubong sa kanila. Nagtama pa ang paningin namin ng babae. Hindi ako kumurap o umiwas ng tingin. Siya ang gumawa niyon.
"Ma'am Guieco," bati pa sa akin ni Jelo.
Kung may pagkakataon lang akong masampal sila pareho ay gagawin ko pero ayaw ko ng maglaan pa ng oras para bumaba sa level nila. Isa akong Guieco. Wala akong niyuyukuang tao na hindi karapat-dapat sa atensiyon ko.
"Pa-confirm naman ng ipinasa kong SLPC proposal sa 'yo. Nai-email ko na ho sa DO," pormal kong sabi. Pigil na pigil pa ako na hindi ako mautal o mailang.
"Noted that, Ma'am Guieco."
Bago pa man bumakas uli sa aking pagmumukha ang sakit na pilit kong itinatago ay nilagpasan ko na sila.
Nakatatlong hakbang lang siguro ako papalayo sa kanila ay namasa na naman ang aking mga mata.
Buwisit ka, Kenya! Bakit ba kasi hindi mo kayang kalimutan ang ex-boyfriend mong gago?!
Vote. Comment. Follow.