Wala na naman ako sa huwisyong naglakad papasok sa FR. Galing pa lang ako sa Senior High Building dahil may session ako roon.
Nagkasabay pa kami ni Rheanne sa hagdan at malinaw sa aking paningin na sa office siya ni Jelo dumiretso. Kahit anong gawin ko ay masakit pa rin talaga ang ginawa nila sa akin.
"Pssst!" sitsit pa sa akin ni Gab.
Nagtatanong ko naman itong tiningnan. Nasa table ito ni Marciella kasama sina Crystal, Jeannie at Kenshane. Nasa isang sulok naman kasi ang lungga ni Marci kaya madalas tambayan ng mga haduf.
"Come here, baby," ani Crystal.
Lumapit naman ako kahit naguguluhan ako sa kanila. Para kasing may agenda na naman sila at ako ang main topic.
"In science, what does 'cell' mean?" Shane asked me.
I thought for a moment and replied, "Isn't it the basic unit of life?"
Hindi ako sigurado. Baka mamaya ay iba na ang meaning niyon. Ang lahat ay nagbabago. Walang permanenteng bagay sa mundong ito.
I'm not a Science teacher, you know?
They stared at me with curious eyes. What's wrong with them?
"You used to answer that question with 'JELO.' J-E-L-O. Because you said that every part of your body means the name of your boyfriend," Marci said casually.
And right there, it hit me. I knew why they were asking that question. I sat down beside Gab. They've fooled me twice now, haven't they? I'm sure they already know.
Jeez! Can you believe it? I even considered him a fundamental part of my life, but he still managed to cheat on me.
"Umamin ka nga, my dear cousin," untag sa akin ni Shane.
Mukhang ako na naman ang magigisa sa pagtitipon na ito. Kailan ba nila ako tatantanan? Kung kailan naman wala ako mood ay saka sila nagkakaganito.
"Ano na naman ba?" walang gana kong asik. Wala talaga ako sa mood na makipagkulitan. Mas lalo lang nasisira ang araw ko.
"Wala na kayo ni Jelo, 'di ba?" pangungumpirma nito. Kaagad naman akong napalunok at pilit na kinalma ang aking sarili.
"B-Bakit?" tanong ko rin.
Gust kong sampalin ang aking sarili dahil nautal pa talaga ako. Malaman ay hindi naman utak-alimasag ang mga ito para 'di mapansin ang pagkautal ko.
Zsss! Unfortunately, Kenya, lagi lang namang pa-display ang dalawang iyon dito kaya naman napaghahalataan. Idagdag pa ang pagiging sad girl mo sa gilid kaya ayan, bistado ka na.
"See? Wala na nga kayo at ang haduf na Rheanne na iyon ang ipinagpalit niya sa'yo, 'di ba? Gags! Ni wala nga iyon sa kalingkingan mo, eh!" may kataasan ang boses nito nang sabihin ang huling linya.
"Watch your language and lower your voice, Kenshane. Baka may makarinig," saway na naman ni Marci.
Sa aming lahat na taga GC ay siya ang pinaka-mature mag-isip at kumilos habang ang kambal niya naman ang pinaka-childish. Bukod kay Rheanne ay siya at si Percylla lang din ang kasundo ko. Si Percy ay isang photographer naman kaya wala siya rito sa MHIS.
"Speak," dagdag pa nito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para 'wag maluha. "Yes, totoo. Wala na nga kami," matatag kong saad kahit pa tila ba pinupunit ng pinong-pino ang puso ko.
Ang sakit-sakit pa rin kasi talaga. Hindi ko pa rin tanggap na nagawa akong ipagpalit ni Jelo sa kaibigan ko. Gabi-gabi akong umiiyak at kung makatulog naman ay nagigising din lang sa sarili kong hikbi.
Paano ba naman kasi ay kahit sa aking panaginip ay nandoon silang dalawa. Nagtatawanan o kung minsan ay naghahalikan sa harap ko. Gano'n at gano'n lang ang panaginip na mayroon ako nitong mga nakaraang araw.
"I knew it!" sigaw ni Jeannie na laging naka-high pitch. Maagap naman na natakpan ni Gab ang bunganga nito.
"Damn, Jean. Huwag kang maingay diyan," saway ni Crys sa isa.
"Eh, si Rheanne ba?" pangungumpirma nito.
Unfortunately, yes.
"Hmmm," ani ko sabay singhap.
Matinding katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Para bang biglang may dumaang halimaw sa harap namin. Lahat sila ay nakatitig sa akin.
"Tayo," utos sa amin ni Marci at nauna nang tumayo.
"Why?" Naguguluhang usisa samin.
"Sa labas tayo mag-usap, 'wag dito."
Kaniya-kaniya na kaming tayo at dumiretso sa may orchidarium ng school. Madalang lang ang napunta sa gawi na ito at tanging empleyado lang din ang pwedeng tumambay sa loob. May mga benches din kasi na pwedeng maupuan.
"Walang hiya ang best friend mo na iyon! Ang kapal ng mukha! Kaya ayaw kong nagkakaroon ng best friend eh!" ungot ni Shane.
Masaya namang magmakaroon ng best friend basta ba ay hindi ka lang pagtataksilan katulad ng ginawa sa akin ni Rheanne.
"Hoy, Crystal! Huwag mong gagawin sa akin 'yong ginawa si Rheanne dahil naku!" asik ni Gab.Mabilis na binatukan naman siya ng isa.
"Wow, ha? Haduf ka, Gab! Bakit? May boyfriend ka ba, ha? Tsaka, hindi ko tipo 'yong mga tipo mong lalaki, 'no!"
"Sabi ko nga, wala. Buti na lang wala pa. Huwag na tayong mag-boyfriend. Masakit siguro 'yon, masakit ba, Kenya?"
"Hindi," malamya kong saad.
"Hindi naman pala..."
"Because there's no way to put into words what I'm feeling since we broke up. No one can ease this pain, not even you all. So, please, I'm begging you, stop bringing up their names in front of me." I wiped away the tears that kept coming down my face.
Damn these tears!
I really don't want to cry in front of them, but seriously! Every time they bring up Jelo, the pain hits me hard.
"You don't need to hide the pain you're feeling, Kenya. We're here for you. Just because one of your friends betrayed you doesn't mean we'll all do the same. We're just here for you. If they don't want you, then let go. It's not easy, but you can do it. You got yourself into this situation, so face it. Don't let it defeat you."
Napa-angat ako ng tingin kay Marci na siyang nagsabi niyon. Makahulugan ang titig na ibinigay ko sa kaniya kaya napaiwas siya ng tingin. I knew it.
Kagaya ko may pinagdadaanan din siya. May best friend issue rin siya pero magkaiba nga lang kami ng sitwasyon dahil hindi naman taksil ang kaibigan niya. Naiipit lang siya sa sitwasyon.
"Anong gagawin ko? Gusto kong makalimutan siya agad-agad. Tulungan niyo akong mawala agad ang sakit na namumutawi sa dibdib ko. Gusto ko bukas ay wala na ito, please?" pakiusap ko sa kanila. Lahat sila ay napaiwas ng tingin sa akin.
'Di ba? Walang makakatulong sa akin. Wala.
Gusto ko rin namang gawin ang lahat ng sinasabi nila, eh. Gustong-gusto pero anong magagawa ko? Ayaw makinig ng puso ko. Na kahit na durog na durog na siya pero pagmamay-ari pa rin siya ng taong dumurog sa kaniya.
Love is too complicated to explain and understand.
"I'm sorry, cous, but I think you're the only one who can help yourself," Shane said, giving my back a comforting pat.
"Yeah, Kenya. Do your best to move on from them."
I managed a bitter smile at Jean's words. "I've been trying everything. But how? I see them here every day. And not even a single apology from them. How can my mind and heart find peace, huh?"
Marahas na pinahid ko na naman ang luhang nagsisibagsak na naman.
Napaangat ako ng tingin nang may nag-abot sa akin ng panyo.
Stranger.
"C-Chairman," sabay-sabay naming usal.
Napalunok pa ako nang mapansing sa akin lang siya nakatingin. Para bang sinasabi niyang alam na alam niya ang dahilan ng pag-iyak ko.
No, wala kang alam. Stranger ka lang.
"Why are you crying, Ma'am Kenya Guieco?" tanong niya pa.
Hindi kakakitaan ng anumang emosyon ang kaniyang mukha. Nagkatinginan pa muna kaming lahat dahil sa tanong niyang iyon.
"Naapakan ko kasi siya, C-Chairman,eh. Sa sandal ko ba naman na ito. Kasalanan ko po talaga. Pasensiya, tanga lang."
Parang gusto kong dagukan si Jeannie dahil sa pinagsasabi nito.
Knowing this stranger and that wild night we shared, I know that he understands the reason, but he just doesn't know who and how.
"Ahh, iyakin ka pala, Ma'am Guieco," kaswal niyang sabi. Halatang hindi talaga interesado sa kung anumang pinag-uusapan namin.
"Sinabi mo pa, Chairman!" tumatango-tango pang saad ni Gab. "Fragile kasi itong si Ma'am Kenya kaya kailangan niya ng taong loyal at hinding-hindi siya sasaktan at ipagpapalit... Sorry, madaldal lang," kaagad na bawi nito nang samaan siya ng tingin ng kaniyang kakambal na si Marciella.
Pasimple na lang akong napailing.
Akmang magsasalita na ako nang may pumasok na naman sa orchidarium. Napasinghap ako dahil sa dalawang taong nagtatawanan pa. Mukhang sayang-saya pa ang mga ito.
Kung balak niyong patayin ako sa sakit Jelo at Rheanne, malapit na kayong magtagumpay.
"I want to slap her very hard until she loses her breath," bulong pa ni Shane.
"I'm in. I'll take care of Jelo. They have no right to be happy and live in peace," dagdag naman ni Gabriella.
"Shut your mouth up," saway sa kanila ni Marci sabay kurot sa tagiliran ng kakambal.
Wala sa hulog na napakapit ako sa damit ng stranger na nasa tabi ko lang. Pakiramdam ko kasi ay matutumba ako kapag wala akong makapitan.
Okay, double meaning 'yon, alam ko.
Ramdam ko ang titig ng dalawang tao sa akin. Jelo and this stranger beside me. Parang gusto kong magkunwaring nahimatay. Parang nahihirapan din kasi akong huminga.
"Oh? Chairman? You're here too with these beautiful lecturers. Do you have an agenda? We'll step out for a moment..."
"Ah, no. I just saw them here, Jelo. By the way, is she your girlfriend for three years?" asked the chairman, referring to Rheanne.
In my mind, I can't help but swear silently. It's as if I want to push this person away because of that question.
That's me, Chairman Mhinn, if only you knew.