CHAPTER 2- NEW CHAIRMAN

1569 Words
"Please pleasure me. Just for tonight. After this night... I promise our paths won't cross again. Happiness is all I seek from you." "f**k me as hard as you can." Napakapit ako nang mahigpit kay Marci nang mangatog ang tuhod ko dahil sa lalaking nasa harapan ng lahat. Stranger. "I'm Dailann Mhinn. Nice to meet you, everyone." Marami pa itong sinabi pero wala na akong maintindihan pa. Parang gusto ko na lang tumakbo paalis at huwag nang bumalik sa kasumpa-sumpang lugar na ito. "Ayos ka lang?" usisa ni Marci. "A-Ahh, yes. M-Mukhang kailangan ko pumunta ng comfort room," pabulong kong saad pero ni maihakbang ang mga paa ko ay hindi ko magawa. My goodness! Bakit ganito? Parang gusto kong maglumpasay sa sahig at ngumawa. Sinabi kong hindi na magkukrus ang landas namin pero ano 'to? "Miss Kenya Guieco?" Holy land of MHIS! Bakit... Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi ako umimik at nagpanggap na hindi siya narinig pero ang mga haduf ay napatingin sa gawi ko. Marahan akong nag-angat ng tingin. Nang magtama ang paningin namin ay wala man lang akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito. Pastidiyoso nga. Parang ibang stranger ang nasa harap namin ngayon. O baka naman iba talaga? Sana nga ganoon na lang. Zsss! Lupa, kainin mo na ako, ngayon na! Ayoko na dito sa Earth! Baka naman may space pa ako sa Mars, 'di ba? O kahit doon na lang sa ring ng Saturn. "Y-yes, C-Chairman," nauutal ko pang saad. Parang gusto kong sampalin ang aking sarili. "You're Kenya, right?" Haduf! Nagtanong pa eh 'no? Stress na nga ang buhok ko rito. "Yes. Ako nga po," magalang at tapang-tapangan ko pang saad. Huwag kang obvious, Kenya. Kaya mo ito. Nakayanan mo ngang lumandi eh, deserve mo ito, haduf ka! Deserve. "Absent ka sa attendance," bigay-alam nito sa akin. Napatingin naman ako sa projector at oo nga, ako lang ang ekis doon. "Late lang po..." "Why?" kaagad nitong tanong. "Ahh, because I woke up late too?" kaswal kong tugon. Natawa pa ang iba. "Know your responsibility," asik nito. Ang taray ng stranger na ito para bang hindi ko siya napaungol... no, erase that. Forget it, Kenya. Don't you ever remember it, got it? "Yes, Chairman. I'm sorry, it won't happen again." Hindi na ito umimik kaya napayuko na lang ako. "Miss Kenya," tawag na naman nito sa akin. Nang-aasar ba ang stranger na ito? Napakuyom ako at pinigilan ang sariling sugurin ito at sambunutan. "Chairman." "Come here." Bakit mo ako pinapahirapan ng ganitong haduf ka? Pareho naman tayong nag-enjoy ha? Kainis! "Why?" "Sundin mo na lang para matapos na tayo, naiihi na rin ako, nyawa!" pabulong na asik ni Marciella. Kung alam lang nito kung gaano nangangatog ang sistema ko ngayon. Kalmado lang ang paglapit ko kahit na konting sagi na lang sa akin ay matutumba na ako. Mother Earth, bakit mo ako pinaparusahan ng ganito? Krimen ba talaga ang ma-late ha? Ngayon lang naman ako na late, eh! Haduf! "What is it, Chairman?" kalmado kong tanong kahit na parang magigiba na ang dibdib ko sa lakas ng t***k ng aking puso. Mataman na tinitigan ako nito na para bang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Lumapit ito sa akin kaya awtomatik naman akong napaatras. Haduf ka, Kenya! Huwag ka ngang pahalata. "Takot ka ba sa akin, Miss Guieco? I won't eat you." Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang may diin 'yong salitang eat. Narinig ko ang tawanan. Napadapo ang tingin ko kay Jelo na walang emosyon ang mukha na nakitingin lang din sa amin. "Hindi naman sa takot pero kasi..." "Kasi?" Napatingin ako sa mga kasamahan ko na tila ba nagpapasaklolo pero naiiling na napapangiti lang din sila samantalang ang iba naman ay tila ba naiinggit sa akin. Sila na lang kaya rito sa pwesto ko at baka tuluyan na akong magkaroon ng heart disease. "Kasi... ang gwapo mo ho." Walang emosyon ang pagkakasabi ko niyon pero pumaimbabaw pa rin ang tawanan at tuksuhan na tila ba nakalimutan nilang pastidiyosong chairman ang kaharap namin. "Very honest, huh? Kindly replace X to L," utos pa nito at lumayo na sa akin. Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Akmang aalis na ako nang tawagin niya na naman ako. "Don't be late. All of you shouldn't be late because there will be punishments, understand? " "Yes, Chairman." "Good. Dismissed," pagtatapos nito. Nakahinga na ako nang maluwag. Diri-diretso na ako sa FR. Halos takbuhin ko na nga iyon. Kung pwede nga lang lumabas na sa green gate ng eskwelahan na ito ay ginawa ko na. "Haduf ka, Kenya! Lakas ng loob mo, 'teng!" asik sakin ni Kenshane. Napailing na lang ako. "Kaysa naman sa mahimatay ako sa kaba sa gitna. Wala man lang tumulong sa akin, mga haduf kayo." "Eh? Nakakatakot kaya si Chairman pero ikaw 'teng, aba! Just a piece of cake lang ha?" singit naman ni Gab. Napailing na lang ako. "Ewan ko sa inyo." Napasandal ako sa upuan at humigit nang isang malalim na hininga. Nakita kong papasok si Rheanne at ang nakakasakit pa ay kasama niya si Jelo. Wow! Ang sweet naman pala. May paghatid pa, ha? "Good morning ulit, Dean Jelo! Nandito po si Kenya, nagmumukmok," anunsiyo pa ni Crystal. Napaawang na lang ang bibig ko. Parang gusto ko itong dagukan. Napapikit na lang ako at isinalpak ang earphones ko at nilakasan ang volume. Haduf! Bakit sad song pa ang nasa playlist ko ngayon? At ang hirap? Seriously? Maganda at magaling si Angeline Quinto pero damn! Mapanakit ang mga kanta niya. Tagos! "Kenya," untag at sabay kalabit pa sa akin ni Gab. Tinanggal ko naman ang earphones. "What is the difference between needs and wants?" Napataas-kilay naman ako dahil sa tanong niya. "It's like he wants me but he needs her." Bahagya pa akong nagulat dahil sa hiyawan ng mga ito. Napabuntong-hininga na lang ako. "That's deep. But what's the actual difference?" Gab asked. "Let's start with needs. Economically speaking, a need is generally something essential for survival. It's something you must have to live. I'm sure you're familiar with the three basic needs: food, shelter, and clothing. You can't live without them." Just like I can't live without him. Damn it. "Therefore, if you need something that much, you have to hold onto it and never let go." Or maybe someone instead of something. "On the other hand, a want is something a person desires, either immediately or in the future. Unlike needs, wants vary from person to person. Note that it's just a desire for something. Something that can bring you satisfaction. And you can live without it. It may give you temporary pleasure, but it won't last. So, don't trade what you need for something you merely want." "Ohh... Feeling motivated to explain, huh? Is something wrong?" Marciella made a meaningful remark. "Wala. Medyo stress lang ako," pahinang-pahina kong sambit at nagpasiring sa dalawa na nag-uusap pa rin malapit sa may pinto. Parang sa kanila lang ang mundo, ha? Parang kami lang noon. Walang pakialam sa paligid. Iyong bang sa amin lang ang mundo. Pero kagaya nga nang sinabi ko, noon iyon. I made a fake smile. Best friend. Ano nga ulit ibig sabihin niyon? Someone who will stand up for you in the times when you need it most, keep your secrets close, and someone you can trust with your life. Trust? Big word, huh? Is it really necessary to both fall for the same guy in friendship? They're driving me nuts. It's clear that they're the ones at fault, but why do I feel like I should be the one apologizing to them? Why do I have to adjust for their sake? Damn it! I really hate them so much! Naisalpak ko na lang ulit sa tenga ko ang earphones. Napasandal ako sa upuan at napapikit pero kahit anong gawin ko ay larawan ni Jelo at ang eksenang dumurog sa puso ko ang nasa isipan ko ngayon. "I am breaking up with you, Kenya Guieco." "What? Jelo, if this is a prank, it's not funny." "It's not a prank." "So? Just because I turned you down, you're giving up? Relationships are not just about s*x; it's about what we feel for each other." "That's exactly it, Kenya. I don't have any feelings for you; I just wanted to have s*x with you. From the very beginning, I was only after your virginity." "Hello, Kenya? Nasa Mamachuchu-ek-ek Panet ka na ba? Aba! Plastic, ha? Lutang na lutang si Inday Kenya!" ani Gab na pumalakpak sa bandang mukha ko. "Yeah. I'm tired. Back off," malamig at mahina kong tugon. Dinampot ko ang Personal Development kong libro at tumayo na. May trabaho nga pala ako. Hindi pwedeng mag-isip lang ako nang mag-isip. Tinahak ko ang kinaroroonan ng dalawa na mukhang hindi pa rin tapos sa agenda nila. Binalewala ko rin ang nagtatanong na mga mata ng kasamahan ko. Baka nakakahalata na rin sila sa set-up naming tatlo. "May klase ka na, Kenya?" tanong ni Jinro na nadaanan ko rin. "Yes," tipid kong saad at pasimpleng siniringan sina Jelo at Rheanne. Humigit ako nang malalim na hininga habang pinipigilan ang sariling luhang kumawala. "Huwag kayong mag-usap dito. Nakakahatak kayo ng atensyon," matatag na sabi ko nang tumapat ako sa kanila at tuluyan ng lumabas. Haduf! Ang sakit talaga, eh. Kahit anong gawin ko. Masakit na masakit na para bang ayaw ko nang huminga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD