"Marci!" untag ni Gabriella sa kaniyang kakambal na seryoso lagi sa buhay. Nandito kaming magto-tropa sa canteen dahil break time naman namin. Hiwalay naman ang canteen ng students sa teachers kaya hindi gano'n kagulo at kaingay ang kinaroroonan namin. "Bakit?" sagot naman ng isa. "Kailan tayo dadalaw kina Tita Alexa? Miss ko na ang RAO Camp." "Busy ako. Ikaw na lang muna dahil palagi ka namang may free time." "Eh di 'wag! Busy din naman ako, ha? May mission ako bukas. Ikaw ba, Kenya, nabigyan ka na ba ulit ng misyon?" "Hindi pa, eh. Isang linggo na rin akong walang ambag sa clan natin. Kinukulit ko na nga si Kuya Ash. Nababagot na rin ako," angil ko sabay nakisimsim ng kape ni Marciella. My arm wound from last week's mission hasn't completely healed yet. That's why my parents ord

