Dumiretso ako ng Journalist Office. Nagsisimula na sina Ma'am Elvs kaya naman pinilit kong umaktong normal at ipinukos ang aking atensyon sa writing session. Makalipas ang isang oras ay nagkaniya-kaniya na ring balik ang mga bata sa klase nila. Naiwan kami ni Ma'am Elvs na parehong walang imik at tila napakalalim ng iniisip. "Knock, knock!" saad pa ng boses lalaki sabay bukas ng pinto. Pareho kaming napaayos ng upo nang mapagtanto naming si Chairman Mhinn ang nasa harapan namin ngayon. "C-Chairman?" utal pang sambit ng kasama ko. Bakas sa boses nito ang pagkagulat. Ngumiti naman ang haduf sabay upo sa bakantang upuan na katabi ng babae habang nakaharap naman ito sa akin. "Ano ba naman kayong dalawa? Tutunganga lang ba kayo rito? Mabubutas na ang kisame dahil sa mga titig ninyo.

