"Hey there gorgeous, we're looking for Ellimuelle Pascual, do you know where is she?" Tanong ni Dean sa babaeng mukang nasubsob sa blush on
"oo" nagpapa cute na sabi ng babae
"Saan ko kaya sya pwedeng makita?"
"Baka nasa likod sya ngayon ng school, mahilig kasi yun sa tahimik na lugar-- oh s**t! Wag mong sasabihin na ako nagsabi sayo kung nasaan sya, baka anong gawin nya sakin! Sige kuyang gwapo, jan ka na" at nagmamadaling umalis yung babae
"Tara na kuya, baka alam nung Ellie kung nasaan ang ate nya" tawag ni Dean sa kuya nyang si Dion pero hindi ito kumibo at parang walang narinig.
"Tara na Dean, hanapin na natin yung Ellie, ikaw ang may kaylangan dun eh" sarcastic na sabi ni Dean sa sarili habang naglalakad
Paano nga ba sya napasali dito? Nung isang araw lang kasama nya ang mommy at pamangkin nya sa Singapore ngayon hinahanap na nya ang hipag nya, tsk.
Simula nung mainlove ang mga kuya nyang engot wala na syang ginawa kungdi ang pakinggan ang mga love problems nila, mga hindi kasi nakuntento sa mga babaeng naghahabol sa kanila naisip magseryoso ayun, pareho sila ngayong mukang loko loko.
Kung hindi lang naman sya tinakot nga nanay nya hindi nya sasamahan ang kapatid nyang mukang wala na sa sarili na hanapin ang asawa nito.
At sa ngayon nga, narito sya sa isang exclusive high school para hanapin si Ellie, ang bunsong kapatid ni Jim na posibleng may alam kung nasaan ito.
"Akala mo maganda ka kasi nasulot mo ang boyfriend ko no? Huh, alam ko namang malandi ka! Nilandi mo lang ang boyfriend ko!" malakas na sigaw ng isang babae.
Dahil likas na tsismoso si Dean ay nagmamadali syang pumunta sa pinanggagalingan ng boses.
"Ano? Hanggang jan ka lang? Puro ka lang pala kalandian eh!" sigaw muli nung babae.
Nakita naman nya na may limang babae na nakapaikot sa isang puno. Sino kaya jan yung sumisigaw?
"Hoy! alam ko likaw ng bituka mong malandi ka! Kapareho mo lang yung ate mong malandi, pareho kayong gold digger! Siguro ngayon may STD na yun dahil sa-" hindi na natapos nung babae yung sasabihin nya dahil bumulagta na ito sa lupa
"Ms. Sy!" sigaw nung mga kasama nung babae habang tinutulungan syang tumayo.
"How dare you! Alam mo ba kung sinong kinakalaban mo ha? Anak ako ng may ari ng school na to!"
"Pake ko, you're invading my private time" sabi ng isa pang babae pero hindi nya pa rin ito makita.
"You should know na ang pamilya ko ang rason kung bakit ka nakakapag aral dito! You're just a peasant trying to become my school's queen!"
"Yeah? Ano naman? You wanted to be a queen? Go on, tell your whole damn school that you're the queen and get out of here, you're an eye sore"
"Ang kapal talaga ng mukha mong malandi ka! Ano ba ang pinagmamalaki mo?" bigla naman nagsi urungan yung mga babae ng may isa pang babae ang tumayo. All those time nakahiga lang sya?
"Kanina mo pa ako sinasabihan ng malandi, ano bang ginawa ko sayo?" iritableng sabi nung babae habang nagpapampag sya ng suot na palda.
"Kunyari ka pang painosente! Ganyan ba ang tinuro sayo ng ate mo para makabingwit ng lalaking mayaman ha?!" umangat ang ulo nung babaeng kaninay nagpapampag.
The girl's hair is tied in a tight pony. Naka side view ito sa kanya kaya nakita nyang matangos ang ilong nito, she has fair complexion and she's tall for her age, knowing that she's still in high school.
"Okay, satisfied ka na sa pagsigaw? Pwede na kayong lumayas"
"Hindi pa, malandi ka! Kapareho mo ang ate mong malandi rin!"sigaw muli nung babae kaya nga lang mukang nainis na ng tuluyan yung sinisigawan kaya dumapo na ang kamao nito sa muka nung babaeng kanina pa nakasigaw.
"Tawagin mo akong malandi kapag mas maganda ka na sakin. Inagaw ko yung boyfriend mo? Tell me, sino ba ang boyfriend mo? Kasing hot ba sya ni Klay Thompson kapag nag shu-shoot ng 3 points or kahawigan man lang ba sya ni Chris Evans? Kasi kung hindi, asumera ka lang na inagawan kita" walang ganang sabi nung babae tapos tumalikod na sya.
Wrong move, di ka dapat tumalikod sa kalaban mo sabi ni Dean sa sarili. Nangyari na nga ang inaasahan. Sinugod na sya nung mga babae pero mukang alam nya ng mangyayari yun at agad syang umiwas.
Parang namang mga domino na nagbagsakan yung mga sumugod. Bumangon ulit yung mga babae para sumugod pero iniwasan lang nya lahat ng yun.
Gustong gusto na ni Dean na tulungan yung nag iisang babae pero pinigil nya ang sarili dahil bukod sa mga babae ang kalaban ay para syang na hypnotize habang pinapanood itong umiwas sa mga kaaway nya.
Ang ending ng away? Yung mga nanugod ang nagkasakitan at bagsak habang yung mag isang babae tinitignan lang sila habang nakahiga.
"I swear Ellimuelle Pascual, you will pay gravely for this! Isusumbong kita kay dad!" banta nung babaeng sumisigaw kanina. Ellimuelle Pascual? Sya na kaya yung kapatid ni Jim?
"Kfine, whatever. Magsumbong ka para malaman nyang lima pa kayong pinagtulungan ako" tamad na sabi nung Ellimuelle bago kinuha ang bag nya tapos naglakad palayo. Hinabol naman agad ito ni Dean.
"Miss! Wait!" tawag ni Dean sa babae. Huminto naman ito kaya agad na humarang si Dean sa harapan nya.
"I am Rex Dean-"
"Pake ko" sagot kay Dean ng babae.
"Woah, mukang kapatid ka nga nya ah!" nakangising sabi ni Dean na ikinataas ng kilay ng babae.
"another admirer of Jim, great" the girl said while rolling her eyes. Napangiti naman si Dean sa inasal ng dalaga.
"Are you crazy?" nagtatakang tanong ng dalaga kay Dean
"Ahm, no, I guess"
"Okay" sagot ng dalaga at nag umpisa ng maglakad
"Wait!" pigil muli ni Dean
"Ano bang problema mo?"
"Ako nga kasi si Dean-"
"You have a problem with your name?"
"s**t, okay, ganito na lang, it's about Jim"
"If you wanted to court my sister, sya ang kausapin mo hindi ako" naiinis na sagot ng dalaga bago sya tinalikuran
"Nawawala sya!" inis ding sigaw ni Dean, napatigil naman ang dalaga mula sa paglalakad
"What did you said?"
"Jim is missing. I'm here to ask if you know where we could find her"
"How did you know she's missing?"
"Kapatid ako ni Dion and he told me that Jim runaway"
"What happened? Jim won't runaway without any valid reason"
"Jim found out that my brother has a wife who happens to be Dylan's biological mom" paliwanag ni Dean.
"Okay, that means I should not talk to you" sagot ng dalaga bago sya muling naglakad
"Wait, please naman tulungan mo na kami, mababaliw na ang kapatid ko dahil sa pagkawala ni Jim!" pakiusap ni Dean.
"Wala akong pake sa kapatid mo"
"Teka nga, bakit ba hindi mo na lang sabihin sakin kung alam mo o hindi kung nasaan si Jim? Gustong gusto mo lang atang sundan kita eh!" nang aasar na sabi ni Dean, umaasa syang kumagat sa pangbubuska nya ang dalaga.
Lumingon naman sa kanya ang dalaga at ngumiti na parang nang-aakit bago unti unting lumapit sa kanya. Napalunok sya, ngayon lang kasi nya napansin na ang ganda pala talaga ng kausap nya.
"Nahalata mo yun? Ang galing" nakangiting sabi ng dalaga bago ini angkla ang braso sa batok ni Dean "Pero di kita type" pagkasabi nun, tinadyakan nya si Dean sa gulugod kaya naman nagpagulong gulong ito sa lupa
"Ouch! Argh! How f*****g dare you! You witch! s**t!" sunod sunod na mura ni Dean.
"Yeah, yeah, whatever. That's for pissing me isama mo na rin ang ganti ko sa pangloloko ng kapatid mo sa ate ko. You're asking if I know where my sister is? Kung alam ko man o hindi wala akong planong sabihin" sabi ng dalaga bago tuluyang umalis
"s**t! s**t! You'll pay for this!" mangiyak ngiyak na sabi ni Dean sa sarili, he'll make that woman suffer for what she did to him!