"Saan ka na naman galing na bata ka? Alam mo ba kung anong oras na? Uwi pa ba tong matinong babae ha?!" mapagmahal na salubong ni mama sakin, oh, note the sarcasm please.
" Lagi na lang bang ganito? 17 ka pa lang, paano kung hulihin ka sa daan dahil lagpas ka na ng curfew? Naisip mo ba ang kahihiyan namin ng ama mo? blah blah blah" hindi ko na alam kung ilang beses ko ng narinig itong nakakapagbagbag este, nakabagbag teka mali, nakakakabag haist, letsugas, madrama na nga lang na speech ni mama
"ano hindi ka sasagot?!" umuusok ang ilong na tanong ni mama, I just rolled my eyes, alam ko na kung anong mangyayari kapag sumagot ako
"Yan, jan ka magaling! Kapag alam mong kasalanan mo di ka magsasalita!" iiling iling na sabi nya na parang alam nya lahat
"Galing po ako sa bahay ng classmate ko nag ayos po kami ng--"
"Wag mo akong lokohin araw araw mo ng dinadahilan yan! Ang sabihin mo, galing kang lakwatsa! Bakit ba ganyan kang bata ka? Nung ka edad mo naman si Jim hindi sya ganyan!"
"Paano si Jim lang naman ang magaling sa inyo" bulong ko, pero mukang napalakas kaya muka na syang torong manunuwag
"At talagang sumasagot ka pa! Hoy Ellimuelle San Pascual, di kita pinalaki para sagot sagutin lang ako! ratatatatatatattatatatata" wala na akong maintindihan sa sinasabi nya. Pero ang weird lang talaga ng mga magulang, kapag pinapasagot ka nila at di ka sumagot magagalit, kapag naman sumagot ka, magagalit pa rin, san kaya ako dapat lumugar?
"Mahal, tama na yan. Pagod na si Ellie. Sige na anak, pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga" malambing na sabi sakin ni papa
"Aba! Kasalanan ko ba na napagod sya? Ako ba ang nag utos sa kanya na gumala?!" galit na sabi ni mama
"Jewel!" madiing sabi ni papa. Pag ganyan na ang tono ni papa mananahimik na si mama. "Sa susunod, wag ka ng magtatanong sa anak mo kung hindi mo rin naman sya papaniwalaan"
Hindi ko na pinakinggan ang isasagot ni mama, kayang kaya na sya ni papa.
Napagod ako ngayon kakaisip kung saan pwedeng pumunta ang magaling kong ate. Ano na kayang nangyari dun? Di ko lang kasi matanggap na naloko sya nung pinakilala nyang boyfriend nya. Alam na kaya ng aking butihing ina na ang paborito nyang anak ay niloko ng ipinagmamalaki nyang soon to be son-in-law? Haha, I just can't imagine kung ano ang magiging reaksyon nya.
"Ellie? gising ka pa ba?" rinig kong tawag ni papa sakin
"Opo, bakit?" sagot ko, pumasok naman si papa sa loob ng kwarto
"Anak, pagpasensyahan mo na ang mama mo ha? Nabalitaan nya lang kasi na nawawala ang ate mo kaya mainit ang ulo" paliwanag sakin ni papa, bakit ba sya ang nagpapaliwanag at hindi si mama? Tsk, so alam na pala nyang nawawala si ate, sayang, di ko nakita kung nadisappoint sya sa nangyari.
"Pa, simula nung umalis si ate lagi ng mainit ang ulo nya" sagot ko, talaga naman eh, feel ko ng magmemenopause na yun or baka naman menopause na nga sya?
"Alam mo na nawawala ang ate mo?" nagtatakang tanong ni papa "Hindi ka kasi nagulat na nawawala sya"
"Ah, opo, pumunta kanina sa school yung kapatid ng boyfriend ni ate para tanungin ako kung alam ko kung nasan sya"
"Alam mo ba kung nasan ang ate mo?"
"Pa, hindi ko po alam. Atsaka si ate yung nawawala, I'm sure makakaligtas yun kung nasan man sya, like the way she always do" yeah. dun naman talaga magaling ang ate ko, yung pagtakas sa problema, super expert kaya yun dun.
"Sabagay, hindi ko naman hahayaang umalis sya sa poder natin kung alam kong di pa nya kaya ang sarili nya" proud na sabi ni papa "sya magpahinga ka na, graduation mo na bukas diba?" huh? alam nya?
"Paano nyo po-"
"Nakita ko yung invitation. Bakit hindi mo naman sinabi agad samin ng mama mo? Kung alam lang nya na dahil sa practice mo para sa graduation ang dahilan kung bakit ka ginagabi ng uwi edi sana hindi ka na nya pinapagalitan"
"Ganon po ba? Nakakalimutan ko lang siguro, sige po tutulog na ko" pagdadahilan ko
"Sige na, goodnight anak" sabi ni papa bago umalis.
Sinadya ko talagang wag ipaalam kina papa na graduation ko na bukas, bakit? Trip ko lang. whahahha.
Nagising ako dahil sa ingay
na nanggagaling sa baba, letse, mukang maraming tao ngayon sa bahay namin dahil sa ingay! I checked the clock and I saw it was only nine in the morning! Bwisit na mga maiingay na taong to! Di ba nila alam na ang aga pa para mambulabog?!
Tutal di na rin naman ako makakatulog bumangon na lang ako at naligo bago bumaba.
"Hindi nyo po ba talaga alam kung saan pwedeng magpunta si Jimuelle?" dinig ko habang pababa, mukang nasa salas yung mga bwisita nina mama kaya dahan dahan akong bumaba para di ako mapansin.
Effective naman dahil di naman tumigil yung mga nagsasalita atsaka may mga nakaharang naman sa railings ng hagdan kaya di rin ako agad mapapansin. Dumiretso agad ako sa kusina para maghanap ng malalamon.
Nakakita naman agad ako ng makakain kaya inumpisahan ko na ang aking pista pero wala pa ako sa kalahati ng kinakain ko ng biglang may magsalita mula sa likuran ko.
"Kaya naman pala hindi kita makita dito ka pala nagtatago" pota, nabilaukan ako, saan ko ba nilagay yung tubig? Muntik ko pang mabitawan yung baso buti na lang may tumulong sakin na hawakan yun habang hinihimas yung likod ko.
"Yan kasi, wag tatanga tanga, nginunguya muna ang pagkain bago lunukin" sabi nung tumulong sakin, taena, ibuhos ko kaya sa kanya yung tubig?!
"Ikaw?" gulat kong sabi, anong ginagawa nito dito?
"Yup, the one and only Rex Dean La Primiere, at your service madame" may pag yukod pang sabi nito. Umiling na lang ako bago itinuloy ang pagkain, alam ko naman kasi na dahil kay ate kaya sya nandito kaya di na ako nagtanong.
"Are you not going to ask me why I'm here?" tanong niya na nakaupo na sa tapat ko
"You're here to hunt for elephants" sarcastic kong sabi
"Hindi ba talaga kita makakausap ng matino?" parang amuse na hindi ko maintindihan na sabi nya
"Hay naku! Minsan kasi talaga walang sense kausap yang si Ellie hijo, madalas kasi lutang ang isip nyan, kaya nga mula nung umalis dito si Jim wala na rin ako makausap na matino, nagmana kasi ang batang yan sa papa nya" sabat ni mama, ang galing talaga nyang bwisitin ako.
"So tahimik po pala talaga sya?"
"Ay oo, di gaya ni Jim na parang di mauubusan ng ikukwento pareho sila ni Lily, ang kukulit" nakangiting sabi ni mama "Miss ko na ang baby girl ko"
"Ma, thank you ha?" sarcastic kong sabi
"Para saan anak?" masaya nyang sabi
"For not saying straight to my face that you wanted Jim to be here than me" I said bago umalis, tangina, di ko na napigil pesteng buhay.
I went to my room and took my bag, graduation ko ngayon pero mukang magmimissing in action na rin ako gaya ni ate, ma try lang, mukang masaya eh.
I am wearing tattered pants and black tank top I put my sneakers on same with my cap and shades. I opened my sliding window, ngayon ko na lang ulit to magagamit.
Dahil nasa second floor ako masyadong mataas kung tatalunin ko yun buti na lang sa tapat ng bintana ko tumubo yung puno ng mangga kaya naman madali lang sakin ang tumakas at bumalik sa kwarto ko kung kailangan.
Hindi pa rin talaga kumukupas ang galing ko sa pagkapit sa puno ang bilis kong nakababa.
"Wow! Bukod pala sa pagiging amasona nagsi circus ka rin?" napalingon naman ako mula sa pinanggagalingan ng boses
"Anong ginagawa mo dito?" inis kong sabi kay Dean
"Nakita ko kasi yung bunga ng mangga na mukang masarap kaya pumunta ako dito" paliwanag nito
"ah, okay" sabi ko na lang tapos iniwan ko na sya. Pake ko ba sa kanya? Saan naman kaya ako pupunta ngayon? Ah, tama, dun na lang!