bc

"Oh my CEO"

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
second chance
boss
sweet
humorous
lighthearted
bold
female lead
male lead
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Destiny leads them to be together. The CEO of the company threw party for its 50th anniversary. Little did they know that this is the beginning of their fate.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Hindi ako mapakali, parang di ako nababagay rito. Mukhang mga mayayaman lang din ang mga tao rito. Bakit ba kasi ako sumama kay Kian. Yumuko ako at sabay hampas ko sa aking ulo. Pag angat ko ng aking mukha ay tumama ang aking mata sa lalaking nakatingin rin saakin. Mukha rin siyang mayaman, at hindi mukhang purong pilipino. Maraming tao ang nakapaligid sakanya. Sa hiya ko ay agad kong binaling ang aking mata at inikot ang upuan paharap saaking lamesa. Nakooo Kian, makita lang kita babalatan talaga kita ng buhay! pagkatapos mo kong isama rito ay iiwan mo lang din pala ako! lumipas ang ilan pang minuto ay di ko parin sya mahagilap. Kahit anong linga ko ay di ko makita si Kian at tanging ang lalaki lamang na iyon ang paulit ulit na tinatamaan ng aking paningin at tila ay kanya akong pinagmamasdan. "anong problema ng taong yun?" tanong ko saaking sarili. tumayo ako sa aking kinauupuan upang hanapin ang banyo. Nagtanong ako sa isang waiter kung nasaan ang banyo, at itinuro nya ito papalabas ng event place. Sinusundan ko naman ang daan kung saan ang itinurong daan ni kuya waiter kaso malayo layo rin pala ito. Napahinto ako sa isang kwarto na napakalaki ng pinto. "Wow, kaya pala ganto kalaki ang pinto, office pala ito ng CEO. Ano kaya ang itsura nito sa loob?" hmm... pero wala na kong oras para mag isip, kailangan ko na talaga gumamit ng banyo .. Sabay takbo sa dulo ng hallway na iyon kung saan naroroon ang banyo. "Hayy , salamat" sambit ko habang papalabas ng banyo. Habang ako ay nag lalakad at papalapit na muli sa lugar kung san ginanap ang okasyon na iyon ay biglang may humila sa aking kamay na dahilan ng pag ikot ng aking katawan papunta sa kabilang direksyon. May isang lalaki ang pilit na hinihila ako. "Aray! ano ba!" sambit ko ngunit tila siya ay walang naririnig at hindi ko rin siya makilala dahil likod lamang nya ang aking nakikita. "Teka, teka. Sino ka ba? baka nag kakamali ka ng taong hinihila kasi panigurado hindi tayo magka kilala dahil hindi ako dito nag ta-trabaho, Aray!" patuloy parin sya sa paglalakad. "may nagawa ba akong mali? bantay ka ba rito? Security guard? teka, teka mag papaliwanag ako. Isinama ako dito ng kaibigan ko as his partner, hindi ako tresspasser. Aray!" ngunit siya ay patuloy parin sa paghila saakin sa di malamang direksyon. Huminto siya sa isang malaking pinto. Napatingin ako kung san siya huminto at pagkabasa ko ay .. "Anong ginagawa natin dito? isusumbong mo ako? bakit anong ginawa ko?" binuksan nya ito at tuluyan na kaming nakapasok. Ipinikit ko ang aking mata dahil di ko alam kung ano bang nagawa kong kasalanan at kailangan kong magpunta sa opisona ng kanilang CEO. Bumitiw sya sa pagkakahawak sa akin. Tahimik parin ang kuwartong iyon kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Wala namang tao sa loob maliban sa aming dalawa. "Ano bang problema mo!" Sigaw ko bago pa sya tuluyang humarap saakin. "ikaw?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
621.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
826.3K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.2K
bc

The Lone Alpha

read
125.8K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.5K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook