“Aya? Anong sinasabi mo mahal kong reyna?” naguguluhan niyang tanong sa kaniyang kabiyak. “Patawarin mo ako mahal kong hari, ngunit hindi si Shiny Star ang ating ipinakasal kay Rigel,” nag-aalalang saad ni Reyna Glowy sa kaniya. Nilapitan niya ang kaniyang kabiyak, “Hindi ko maunawaan ang nais mong ipahayag. Kung hindi ang ating anak ang naging kabiyak ni Rigel, sino ang impostor na iyon?” nalilito pa rin niyang tanong dito. “Si Twinkle. Siya ang naging kabiyak ni Rigel.” Gulat na gulat siya sa kaniyang nalaman. Paanong nangyari ang bagay na iyon? Kung si Twinkle nga ang kabiyak ni Rigel, bakit kawangis nito ang kanilang anak na si Shiny Star? Naguguluhan pa rin siya sa bagay na iyon. “Luminous, noong araw ng kasal ni Shiny Star at ni Rigel, ginamit ng ating anak ang kaniyang kapangy

