Mabilis na lumipas ang mga panahon at natutunan na rin nila Shiny Star ang pamumuhay sa planeta ng mga tao. Nakakasabay na sila sa mga gawain, kaugalian, at pananalita ng mga tao sa planetang iyon. Sa tulong ni Nanay Nena, at ng makabagong kagamiyan ni Shimmer, madali nilang naaral ang mga kaugalian sa mundong kanilang ginagalawan ngayon. “Shiny Star!!!” Isang malakas na pagtawag ang kaniyang narinig mula sa silid ng nag-iisang bugnuting lalakeng nakilala niya. “Prinsesa, nami-miss ka na naman ng ating kamahalan,” bumubungisngis na wika ni Sparkle sa kaniya. Napangisi naman siya saka tumayo sa kaniyang kionauupuan sa kusina. “Pupuntahan ko lang ang kamahalan, at baka gumuho ang kaniyang palasyo sa lakas nang tinig niya!” Nagtawanan naman ang mga tagapangalaga niya at si Nanay Nena sa ka

