Planetang Orion... Ilang taon na ang nakalilipas at tila wala pa ring nangyayari sa plano ni Rigel. Bakit tila hindi pa rin umi-epekto ang kaniyang mahika kay Shiny Star? May mali kaya sa kaniyang ginawang mahika? Napapaisip tuloy siya kung anong nakaligtaan niyang ilagay sa mga iyon. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang pumasok sa silid si Twinkle. “Mahal kong hari, nais ko sanang magtungo sa planetang Sirius kung iyong pahihintulutan,” anito sa kaniya. Lumapit siya rito at hinaplos ang buhok nito. “At anong gagawin ng aking reyna sa planetang iyon?” tanong niya rito. “Nais ko lamang bisitahin ang aking mga magulang. Matagal na panahon na rin mula nang mabisita natin sila. At isa pa’y may nais akong sabihin sa inyo mamaya,” tila nagniningning ang mga mata nitong pahayag sa kaniya. “Ano

