Hindi naman nagtagal at nakarating sila sa kaharian ng Aurora. Katulad ng kanilang kaharian sa planetang Sirius, malaki at malawak rin ang kahariang iyon. Matataas ang mga batong nakapalibot sa buong kaharian at napakaraming matutulis na metal sa tuktok niyon. Nagpapakita lang iyon na pinoprotektahan nilang mainam ang palasyo ng hari at reyna. “Narito na tayo anak,” pahayag ng kaniyang ama. “Nawa’y rito nga napadpad ang aming anak at si Rigel ama,” sagot naman niya rito. “Iyan din ang aking hiling mahal kong reyna,” sambit naman sa kaniya ng kaniyang kabiyak. “Tayo nang pumasok sa loob nang malaman na tin kung narito nga ang inyong anak at ang hari ng Orion. Nagtuloy na sila sa loob ng palasyo gamit ang kanilang kapangyarihan. Nang nasa loob na sila ng bulwagan ng palasyo ay agad sila

