Sa planetang Sirius... Naghahanda na sina Prinsipe Bright at ang kaniyang anak na si Twinkle para sa kanilang misyon. Ngayon na nila gagawin ang pagpapanumbalik ng planetang Orion. Nakahanda na ang lahat pati si Reyna Glowy, dahil siya ang magiging susi upang magawa ang kanilang binabalak. “Nakahanda na ba kayo?” tanong ni Prinsipe Bright sa kaniyang anak at sa reyna. Tumango naman si Twinkle bilang kasagutan sa kaniyang ama. Gayon din naman ang naging tugon ng reyna. Nilapitan muna ito ng kaniyang kabiyak upang gawaran ng halik sa noo nito. Nang matapos iyon ay pumuwesto na ito sa harapan ng bagong imbensiyon ni Bright. Huminga sila nang malalim saka inumpisahan ang kanilang gagawin. Ilang saglit pa at nagliwanag na ang mga kamay ng reyna, kung kaya’t ipinasok na nila iyon sa kanyon n

