Hindi makapaniwala si Darius na sa isang simpleng paghawak lang ni Shiny Star ay wala na ang p*******t ng kaniyang kamay. Ang mas nakakamangha pa roon, pati ang p*******t ng kaniyang buong katawan ay naglaho rin. Napapa-isip tuloy siya sa kung anong meron sa bago niyang kasambahay, at tila may mahika itong nakagagaling ng anumang karamdaman. Nasa malalim siyang pag-iisip nang may marinig siyang mahihinang katok mula sa labas ng kaniyang silid. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang sofa at pinagbuksan ang sinomang kumakatok na iyon. “Sir Darius, nais ko lang alamin kung kumusta na ang iyong pakiramdam,” nahihiyang saad ni Nanay Nena sa kaniya. “Nanay Nena, maayos na po ako. Huwag na po kayong mag-alala,” nakagiting sagot naman niya rito. “Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa

