Narinig ni Shiny Star lahat ng mga pinag-usapan nila Darius at Joan. Hindi man niya maunawaan ang ibang mga pinagsasasabi ng mga ito, batid naman niyang galit ang amo sa babae. Base sa kaniyang nakita’t narinig, tila may poot sa puso ng kaniyang amo. Hindi niya maipaliwanag, ngunit tila nais niyang paligayahin si Darius. Kung sa paanong paraan, ay hindi niya alam. “Prinsesa!” Bahagya pa siyang nagulat sa biglaang pagsulpot ni Glitter mula sa kaniyang likuran. “Ano ang iyong sinisipat diyan?” tanong pa nito saka nakigaya sa kaniyang ginagawa. “Wala, nakita ko lamang si Darius na may kausap at tila galit ito sa kung sinomang kausap nito,” sagot niya rito saka niya hinila itong patungo sa mesa upang ipagpatuloy ang naantalang pag-aayos niya roon. “Ngunit nasaan na ang sinasabi mong kausa

