"Napakasama mo! ilalayo mo ang bata sa daddy niya? Wala na siyang mommy dahil pinatay mo! At ngayon tatanggalan mo siya ng daddy? gusto mo kaming ilayo kay Marcelo? At sino ka sa tingin mo? Kriminal ka Rachelle! ipapakulong kita!" singhal ng matanda. "Sige matanda, mamili ka. Papatayin ko kayo ng apo mo o gagawin mo ang gusto ko,? lumayas kayo dito kung ayaw mong sunugin ko’ang apo mo kayong tatlo ni Carla!" nakita ni Donya Claudia na hindi nagbibiro si Rachelle nag-alala siya baka,mapahamak ang kaniyang apo. Kaya iniisip niya na gawin ang gusto ni Rachelle, kung ‘yon lang ang tanging paraan na mailigtas si Rachelle. Wala nang nagawa pa ang lola ni Marcelo. Mas importante sa kaniya ang kaligtasan ng kaniyang apo kaya agad siyang bumili ng ticket at inasikaso niya agad ang mga papeles ni

