“Lumapit si Marcelo at kinausap niya si Carla binilin sa kaniya ang kaniyang anak at lola na alagaan niya ito at huwag pababayaan nangako naman si Carla kay Marcelo na gagawin niya ang lahat para alagaan ang dalawa. Masaya si Marcelo dahil alam niyang mapagkakatiwalaan niya si Carla. Bumalik si Marcelo sa kuwarto niya nagulat siya nang makita si Rachelle na nasa kaniyang kama nakahiga ito at nakangiti pa sa kaniya, lumapit siya sa babae at pinatayo niya ito para umalis sa kaniyang kama. Pero nagmatigas si Rachelle dahil ang gusto daw ng bata na nasa kaniyang tiyan ay makatabi ang kaniyang ama. “Rachelle please lumabas ka dito sa kuwarto ko! hindi kita asawa ano ba ang drama mo Rachelle? ayokong meron katabing matulog sa kama, kaya umayos ka Rachelle matoto kang lumugar!” galit na singhal

