Kinabukasan habang nag-uusap sina Mercedes at Zack ay biglang lumapit si Alfred dahil tumawag si Mercedes sa kaniya. Nilakasan niya ang volume ng kaniyang phone at nerecord nila ang maaring sasabihin ni Rachelle. Nakahanda na rin si Mercedes para sumama sa kanilang operasyon kinakabahan siya pero kailangan niyang maging matapang para sa kaniyang anak, sa lola ni Marcelo, at kay Carla. Hindi niya kayang tanggapin kung mapapahamak ang mga taong mahalaga sa buhay niya. "Alfred ngayon na ang labas ng lola ni Marcelo. Tatlo sila si Marzel, kasama na rin si Carla." patagong tinawagan ni Rachelle si Alfred. Nasa opisina siya ni Mercedes, nag-iingat siyang baka may makarinig sa kaniya. Ang hindi niya alam, may nakalagay na cctv sa opisina na at naka-record ang lahat ng kaniyang mga sinasabi at

