Kabanata 2

2369 Words
“Siya nga pala si Primitivo Lerman Raques, ang bago nating kaklase. Tawagin niyo na lang siya Ivo at ʼwag na ʼwag niyo siyang tatawaging Primitivo dahil ayaw niya.” pagpapakilala sa akin ni Drake. Hindi ko naman alam kung ano’ng gagawin ko. Kung babati ba ako o mananatili lamang na nakatayo sa harapan nila. Hindi naman ako magaling sa mga ganito. Kadalasan, unang araw ko pa lang sa eskwelahan ay may nagagawa na agad akong ikakatalsik ko o kaya naman hindi pa ako nakatutungtong sa eskwelahan ay napapasok na ako sa gulo. Dahil na rin sa palipat-lipat ako ng school ay wala akong gaanong nakikilala o kaya nagiging kaibigan man lang. Sabagay, ano namang mapapala ko sa pagkakaroon ng kaibigan? Gwapo pa rin naman ako kahit wala akong nakakasama.  Tumayo silang limang at sabay-sabay na nag-bow. Abot-langit naman ang pagtataka ko dahil sa ginawa nila. Ang hilig talaga nilang mag-bow, ano? Pero napansin ko lang, kapag naman nagkakasalubong ang ibang estudyante ay hindi naman sila nagbo-bow para bumati sa isa’t-isa. Bakit sa akin nagbo-bow sila? Nahulog ba sila sa charms ko? Iba ka na talaga, Ivo! “Welcome to Royal Class, Ivo.” bati nung isang lalake na tirik ang buhok at medyo may kalakihan ang katawan. Sobrang puti niya na nahiya ang harina at pulbo kapag itinabi sa kanya. “I’m Grey Ward. In this class, I’m in charge of being handsome.” Nagpogi sign pa siya at ngumisi. Aba teka, ano raw? In charge of being handsome? Hindi ba dapat ako ‘yun?! Napangisi na lang din ako. Kumpara naman sa aming dalawa, hinliliit ko lang siya, eh! Nakita ko namang napailing ang katabi niya. Itinuon ko ang atensyon ko sa kanya dahil siya na yata ang sunod na magpapakilala. Nakasabit sa kanyang leeg ang kanyang headphone at ngumunguya siya ng bubble gum. Nagpalobo muna siya ng bubble gum nang sobrang laki na halos natakluban na ang mukha niya hanggang sa pumutok ito. Dumikit ang bubble gum sa buong mukha niya at natakluban ito. Pinigilan ko namang matawa dahil sa katangahan niya. “Ang tanga mo talaga, Julius!” sigaw nu Grey habang tumatawa. Hinampas-hampas pa niya ang likod ni Julius. Bigla namang ibinagsak no’ng isang lalake ang hawak niyang libro sa lamesa at masamang tumingin kay Grey na naluluha na katatawa. Si Julius naman ay may hawak na salamin at tinatagtag ang bubble gum sa buong mukha niya.  “Damn it. You’re too loud, Grey,” asik nito. Humarap siya sakin at humikab bago nagsalitang muli. “Casper Steel. Nice to meet you, Ivo. And this dumb guy, he’s Julius Delmar. He’s in charge for being dumb in this group.” Umirap siya sa kawalan at humalukipkip. Sunod namang nagsalita ay ʼyong lalakeng katabi naman ni Casper. “I’m Morris Savier,” nakangiting sabi naman niyang may kulay brown na buhok. May hawak siyang ballpen at ipinaikot-ikot niya ito sa kanyang daliri. “Pagpasensyahan mo na si Grey, maingay talaga ʼyan. Pagpasensyahan mo na rin ang katangahan ni Julius at ang pagiging masungit ni Casper.” Binatukan naman siya ni Casper pero tinawanan lang siya nito. “Hey dude, Neil Faraday here. Nice to meet you,” walang emosyong sabi naman niya habang nakatingin sa akin. Tumango lamang ako sa kanila at hindi na nagsalita pa. Hindi ko alam kung bakit ang weird ng pakiramdam ko sa kanila. Para bang may itinatago sila sa likod ng mga titig nila sa akin. Pakiramdam ko ay may alam silang hindi ko alam. Ipinilig ko ang aking ulo at huminga nang malalim. Hindi dapat ako nagkakaganito. Dapat magmukha akong cool sa harapan nila. Ako yata ang pinakagwapong estudyante sa school na ʼto. Hindi ako papayag na may makataas saakin.. Umupo na silang lima at ipinagpatuloy ang mga ginagawa nila bago ako pumasok sa silid na ito. Napansin kong si Grey ay naglalaro sa kanyang cellphone. Si Julius naman ay abala sa pag-aalis ng bubble gum sa mukha niya. Si Casper ay ipinagpatuloy ang pagbabasa sa makapal na libro na nakapatong sa lamesa niya. Si Morris at Savier naman ay naglalaro ng baraha. Napakibit-balikat na lang ako. Mga normal lang din silang estudyante. Nasisigurado ko ʼyun. Pero may kung anong kakaiba sa kanila na hindi ko naman maisip. ʼWag na nga lang isipin. Bakit ko pa papagudin ang utak ko sa pag-iisip? “Umupo ka na lang sa may gitnang upuan, Ivo. Para sa ʼyo talaga ʼyan.” Napatingin naman ako kay Drake na nakaturo sa isang lamesa at upuan sa gitna ng silid. Lumakad na ako papunta sa aking upuan at naupo. Sa paligid ko ay ang mga lamesa at upuan nila. Napangisi na lang ako. Tamang-tama lang na sa gitna ako kasi gwapo ako. Siguradong iyon ang unang mapapansin ng mga chix dito sa klase ko—teka, walo nga lang pala kami sa klaseng ito at puro kami lalake sa ngayon dito. Ibig sabihin lang no’n, wala man lang akong kaklaseng babae?! Napadukmo na lang ako sa lamesa. Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ako tumunghay. Kahit na nakaamoy ako ng matamis na pabango ay hindi pa rin ako tumunghay. Masyado akong dismayado dahil wala kaming kaklaseng babae. “Is everything settled, Drake?” Napamulat ako bigla nang makarinig ng mala-anghel ng boses. Parang narinig ko na ʼyun, eh. Kaboses niya ʼyung babaeng nakita ko kanina. Hindi kaya... Tumunghay ako at tama nga ako. Nakita ko ang mala-anghel na babae na nakatayo sa  unahan habang nakaharap kay Drake at kinakausap ito. Seryoso ang kanyang mukha at kahit nakatagilid siya ay kitang-kita ko kung gaano siya kaganda. Nag-sign of the cross ako at pumikit nang mariin. Shet, ito ang chix na sinasabi ko.  “Yup, okay na ang lahat. Pwede na tayong magsimula.” nakangiting sabi ni Drake. Humarap sa ʼkin si Drake at gano’n din ang babae. Nagtaas siya ng kilay at ngumisi naman ako sa kaniya. Mala-anghel ang kanyang mukha pero ang galing niyang magtaray. “Ah. Oo nga pala. Ivo, siya si Vanessa Carster. Ang President ng Student Council dito at kabilang siya rito sa Royal Class.”  Mas lalo akong napangisi nang marinig ang sinabi ni Drake. Ang pagkadismaya ko kanina ay para bang tinangay ng hangin.  Lumakad si Vanessa papalapit sa isang upuan na katabi ko kaya halos mapunit na ang pisngi ko sa sobrang lawak ng ngisi ko. Humalumbaba ako at tumingin sa kanya. Humarap naman siya sa akin at ipinagkrus ang legs niya. “Stop staring, jerk. It’s irritating.” asik niya sa akin. “Huh? Pakiulit nga ng sinabi mo?” Ngumisi siya at humalukipkip. “Pinapaulit mo dahil hindi mo narinig? O pinapaulit mo dahil hindi mo naintindihan kasi English?” Hindi ko na pinansin ang pang-iinsulto niya at nanatiling nakatingin pa rin sa kanya. “Pinapaulit ko dahil hindi ko naintindihan dahil English. Hindi kasi ako masyadong magaling sa pag-aaral. Pwede mo ba akong turuan?” nakangising tanong ko sa kanya. Umirap siya sa kawalan at  tinaasan na naman ako ng kilay. “Wala akong oras para sa mga kagaya mong mahirap umintindi. Kaya ka nga nag-enroll dito, hindi ba? Para gumaling ka sa pag-aaral at para malamnan iyang utak mo kaya hindi kita tuturuan, estudyante lang din ako, hindi guro.” Kakaiba rin ang babaeng ʼto, eh. Halos lahat ng school na napasukan ko, takot ang mga babaeng lumapit at makipag-usap sa akin dahil sa reputasyon ko pero parang balewala lamang sa kanya. Sigurado naman akong alam niya ang mga records ko pero hindi man lang siya natatakot o ano. Napasandal na lang ako sa aking upuan at itinaas ko ang aking dalawang paa sa may table. Mukhang maeenjoy ko ang pagpasok ko sa eskwelahang ito. Nabalik naman ako sa realidad nang may humampas sa binti ko. Napaayos ako ng upo at nakita si Vanessa na nakatayo sa tabi ng lamesa at may hawak na walis tambo. Madalim ang tingin niya at mukhang galit. “I won’t allow that kind of behavior here inside the room. Umayos ka kung ayaw mong masaktan.” Narinig kong may sumipol at napatingin ako kay Grey na nakangisi sa akin. Itinaas niya ang kanyang kamao na parang sinasabi na kaya ko ʼto. Inalis ko ang pagkakatungtong ng aking paa sa lamesa at umayos ng upo. Hindi naman siguro masama kung inisin ko siya, hindi ba? Besides, natutuwa ako kapag nagagalit siya. Pumupula kasi ang pisngi at tenga niya kagaya ngayon. “Ano bang dapat kong ayusin? Ipinatong ko lang naman ang binti ko sa lamesa, eh. Masama ba ʼyun?” nakangising tanong ko sa kanya. Huminga siya nang malalim pero masama pa rin ang tingin niya. “Baka nakakalimutan mo Primitivo, bago ka lang dito at ako ang President ng Student Council kaya kung gusto mong magtagal sa eskwelahang ʼto, na alam kong huli mo ng pagkakataon para makapag-aral, umayos ka at sundin ang patakaran sa school na ito. You’re here inside the most respected and the most popular class here in the campus so act like one.” “Hey Vanessa, I think you’re going overboard. What do you mean he should act like one? Act conceited like Grey, act dumb like Julius or act like a bookworm like Casper? Come on, don’t push him too much, okay? Keep calm.” nakangising sabi ni Morris. “No, dapat alam niya kung saan siya lulugar. Discipline is all that I’m asking for.” Padabog siyang umupo sa kanyang upuan at hindi na muling nagsalita. Lumapit naman silang lahat sa akin at pumalibot habang nakaupo sa mga hinila nilang upuan. “She’s always like that. She looks like an angel but really, she’s a devil inside.” bulong ni Grey sa akin. Napatingin naman ako kay Vanessa na nakatuon na ang atensyon sa kanyang libro. Nakasuot siya ng reading glass at seryosong-seryoso sa pagbabasa. “Since she’s the Student Council President, she’s responsible for all the things going on in this school. The faculty is not a big help to her. Dito kasi, kapag President ka, gagawin mo dapat ang lahat para lutasin ang problema without the help of the higher persons.” paliwanag ni Neil. “Ayaw niyang nakakakita ng taong gumagawa ng mga bagay na ayaw niya at kapag wala na siyang magawa sa huli ay ibinabaling niya ang frustrations niya sa pagbabasa ng libro.” “She’s very intelligent too. She always on top of the list. When we’re having the examinations, she always get the perfect score and no one can beat her to that. There are more than 500 Seniors in this school but she managed to be number one.” Napasinghot naman ako habang nakikinig sa kanila. Panay ang Ingles nila at halos hindi ko na makaya. Hindi naman ako gaanong magaling sa Ingles at kahit na naiintindihan ko naman ang karamihan sa sinasabi nila.  Kinuha ko ang aking bag at kumuha ng tissue sa loob. Inirolyo ko ito para maging pahaba at nilusot ko ang dalawang nirolyong tissue sa aking ilong. Pakiramdam ko kasi talaga dudugo na ang ilong ko dahil sa kanila. Napakunot naman ang noo nila dahil sa ginawa ko. “What’s the problem? Why did you stuff a tissue inside your nose?” tanong naman ni Casper. Itinaas ko ang aking kamay at iniharap ang aking palad sa kanila. Pumikit ako ng mariin. “I think I’m bleed.” “What? You’re bleed? You’re not Ivo?” nagtatakang tanong naman ni Drake. Binatukan ni Neil si Drake at humarap sa akin. “What do you mean you’re bleed? You’re not Ivo?” ginantihan naman ni Drake ng batok si Neil. “Tanga! Ginaya mo lang ʼyung tanong ko, eh!” Natawa naman si Casper at siya namang nagsalita. “You mean, dudugo ang ilong mo?” Tumango naman ako sa kanya at muli siyang natawa. “Sorry. Sanay lang kaming magsalita ng Ingles kaya pasensya na talaga. Maalam naman kaming mag-Tagalog kaya ʼwag kang mag-aalala.” “ ʼYun na nga, eh. Maalam naman kayong mag-Tagalog, salita pa kayo nang salita ng Ingles! Walanghiya.” pagrereklamo ko sa kanila. “May itatanong nga pala ako sa inyo, bakit ang puputla ng balat niyo? Kulang ba kayo sa dugo?”  Nagpalitan sila ng tingin at para bang nag-uusap-usap sila sa kanilang isip. “Hindi kasi kami madalas lumalabas kaya ang puputi namin. Antayin mo, magiging kakulay ka rin namin.” sagot ni Julius. “May isa pa akong tanong, bakit dito ako napunta sa Royal Class? Hindi ba dapat nasa lower section ako at hindi rito dahil sa hindi magandang records at grades ko?” Hindi ako para rito. Sino ba kasing niloko nila? Alam kong ako na ang pinakagwapo pero ʼyung level ng utak ko ay para hindi sa klaseng ito. Mukha kasi silang matatalino, eh. Saka kumbaga parang sila ang Royalties sa eskwelahang ito dahil nasa Royal Class sila. “It doesn’t matter now. You should be grateful because you’re here in the Royal Class but okay, let me give you a hint, you’re good-looking like us kaya napunta ka dito sa Royal Class.” nakangising paliwanag ni Grey. Natigilan naman ako sa sinabi niya at unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi. You’re good-looking like us kaya napunta ka dito sa Royal Class. “Gano’n ba?” Napatawa na lang ako at humalukipkip. “Hindi ko aakalain na malaki pala talaga ang advantage ng pagiging gwapo” “Buti na lang uto-uto siya.” “Hindi pa kasi ngayon ang panahon para sabihin sa kanya.” “Malalagot tayo kay Vanessa kapag pinangunahan siya.” “Magaling Grey, may ginawa ka ring tama.” Hindi ko na pinansin pa ang pagbubulungan nila. Basta ang mahalaga, nandito ako sa Royal Class dahil...guwapo ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD