“MARTHA, TIGILAN MO ‘YAN!”
Ang malakas na sigaw ni Isabel ang dahilan para mapalingon sila rito dahil nangibabaw ang boses nito sa salas ng bahay. Binitiwan naman agad siya ni Martha at mabilis na nilapitan si Isabel at pahablot na hinila ang braso nito at kitang-kita niya ang malakas na pagpiga nito sa braso ng kaibigan niya. Palaban na tingin naman ang binigay ni Izzy rito.
Nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa kaibigan, natatakot siya sa maaring gawin ni Martha dito. Gusto niya lapitan ang dalawa pero pinipigilan siya ni Basti at ramdam niya ang nakakadiring pakiramdam dahil sa paghimas na ginagawa nito sa braso niya. Gusto niya mapaigtad sa pandidiri pero ang isip niya ay sa maaring gawin ni Martha kay isabel.
“Mabuti at naisip mong bumalik, Isabel!” galit na tungayaw ni Martha.
“Kung hindi lang dahil kay Tita Miranda at kay Mira ay nunca na babalik ako rito! You are a crazy b***h, Martha!” mataray na sabi nito.
Sasampalin sana ito ni Martha nang awatin ito ng sigaw ni Basti. “Don’t hit her face at baka hindi natin siya mapakinabangan!”
ISABEL’S ATTENTION MOVED TO BASTI and she scoffed with what he said. Nang-aasar na tinaasan niya pa ng kilay si Martha dahil obvious na wala itong magagawa dahil sa nalalapit niyang kaarawan, siguradong naipangako na siya sa kung sinuman kaya hindi magagawa ng mga walanghiya na saktan siya.
“You heard your lover, Martha! Don’t hit my face!” mapang-asar na sabi niya pa sa kinasusuklaman niyang nilalang sa buong buhay niya. Kung sana ay hindi ito pinakasalan ng kuya niya ay ‘di sana wala ito sa harap niya at wala sana siyang kinamumuhian na kasama sa bahay na minana niya pa sa mga magulang. Iyon ang isang dahilan kaya siya nagtiyatiyaga sa bahay na iyon, dahil iyon sa katotohanan na kaniya ang bahay na iyon pero dahil guardian niya nga si Martha ayon sa batas ay kailangan siya nito gabayan.
Gabayan, my ass!
Dahil naman sa inis ni Martha ay pasabunot na lang na hinila nito pababa ang buhok niya kaya napatingala siya na nakaharap dito. Matangkad si Martha sa kaniya ng mga tatlong pulgada, she was only five feet and five inches while Martha looks like a perfection kung hindi lang kahit demonyo ay mahihiya sa ugali na mayroon ito.
“Stop being a b***h, Isabel! Alalahanin mo na wala na ang kuya na pinagmamalaki mo! Alam mo ba na kahit bumalik pa ang kuya mo ay wala na rin siyang magagawa para sa iyo dahil sisiguraduhin ko na makabalik man siya ay ipapapatay ko siya agad sa harap mo! Huwag kang mayabang dahil you are nothing compared to what I can do! Pareho lang kayo ng kuya mo na mahina! Mga talunan!”
Isabel smirked, hindi niya hahayaan si Martha na yurakan ang pagkatao niya. Kung mahina man ang kuya niya sa tingin nito dahil nagawa nitong utuin ay hindi siya. She was not like her brother dahil umpisa pa lang ay alam na niya na hindi mabuting tao ang babae na minahal nito at hindi nga siya nagkamali. Wala pang isang taon mula nang makasal ang mga ito ay lumabas na ang totoo.
“Ate, please… tama na…” sabi ni Mira na umaawat kay Martha, nakalapit na ito at pinapakiusapan ang ate nitong demonya.
Binitiwan naman siya ni Martha at halos matumba siya kung hindi dahil sa pag-alalay ni Mira sa kaniya. Hindi na rin muling nagsalita si Martha at iniwan na sila ni Mira sa salas. Mukhang satisfy na sa p*******t sa kanila na nauna na itong lumabas sa entrada ng bahay kasunod ang aso nitong si Basti.
Napatiim-bagang siya nang makita na namumula ang pisngi ni Martha, siguradong ilang sampal na naman ang ibinigay rito ng sarili nitong kapatid. Gusto niya maawa sa sarili sa nangyayari pero alam niyang mas kaawa-awa si Mira dahil ang mismong kaisa-isang inaasahan nito na kakampi ang siyang nagmamaltrato dito.
Nang maisip niya ang kuya niya na hanggang ngayon ay nawawala ay namuo ang mga luha niya. Naisip na pareho lang pala sila ni Mira na nakakaawa, minamaltrato ito ni Martha at siya naman ay pinabayaan na ng kuya niya. How sad their lives are.
REX WAS DRIVING HIS LUXURY CAR na noong isang linggo lang dumating sa bansa. Galing siya sa mansion na kabibili lang niya kahapon sa subdivision kung saan ang dating may-ari ay isang mayaman na negosyante sa Pilipinas. The mansion was not intended to be for sale but with the power of Pellegrini’s fortune and influence ay nagawa niyang bilhin dahil tinakot nila ni Allejo ang dating may-ari.
Kursunada niya ang bahay na iyon dahil doon niya itatago ang kapatid ni Martha kapag nakuha na niya. Ang mansion na iyon ay nasa isang subdivision kung saan naroroon ang bahay na minana nila ni Izzy sa mga magulang, sa katunayan ay dalawang kanto lang mula sa bahay nila ng kapatid ang mansion matatagpuan.
Ngayon ay kasalukuyan niyang sinusundan ang kotse ni Martha na regalo niya rito noong bagong kasal sila. Natatawa siyang isipin na gamit pa rin pala nito ang kotse na bigay niya. Sigurado ay ginagamit ni Martha ang kotse para magmukhang mahal na mahal pa rin nito ang asawang nawawala.
Ilang araw na niyang sinusubaybayan ang galawan nina Martha at Basti. Hindi niya kasama si Allejo dahil ang sabi nito sa kaniya kanina ay nasa isang mall ito sa Quezon City at nagkataon na kasama ang kapatid niya. Natuwa siya sa magandang balita ni Allejo dahil ibig sabihin nakagawa na rin ito ng paraan para makipagkilala kay isabel.
Patuloy niyang sinundan ang kotse kung saan siguradong lulan sina Martha at Basti. Sinundan niya ang mga ito hanggang sa makarating sa isang abandonadong building sa Alabang. Nakita niyang bumaba ang dalawa at pumasok sa loob ng building. Hindi nagtagal ay umalis na rin siya matapos kuhaan ng larawan ang building. He was sure na mayroon ilegal na ginagawa ang dalawa sa loob ng building na iyon at gagawin niya ang lahat para magulo ang operasyon ng mga ito.
“WHERE DID YOU GO, IZZY? PINAG-ALALA MO AKO…” Mira’s sweet voice sounded worried kahit nakauwi na siya.
“I…I met someone sa mall kanina, Mira…” nag-aalanganin na sabi niya. Hindi niya sana gusto sabihin dito ang tungkol kay Allejo Serra but she don’t want to hide it from Mira. ayaw niya malaman nito ang tungkol kay Allejo dahil sa social media, mas maganda unahan na niya ang pagkalat ng balita.
“Wait… I thought you were with a highschool friend,” naguguluhan na sabi na nito.
“Actually it was a white lie,” nakayukong sabi niya, nahihiya sa magiging reaksyon nito. “The truth is I met someone and he was a celebrity,” alanganin man sa iniisip na pag-amin ay nasabi niya pa rin iyon sa kaibigan.
“Celebrity?”
“Yes, his name is Allejo Serra. I searched for his profile sa net at nakita ko na isa siyang sikat na car racer. He’s in the country for a vacation. Kanina sa mall ay pinagkaguluhan siya ng mga girls kasi nandoon din siya kanina sa shoe store kung saan ako tumitingin ng sapatos, he actually paid the shoes I supposed to buy. He’s an Italian, Mira… A tall and handsome man, his eyes are colored aqua blue,” she said in her dreamy tone.
“Did you find someone to fall in love with?” nakangiting turan ni Mira, may panunukso sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
Hindi naman siya nakaimik. Totoo naman na hindi niya maunawaan ang sarili, kanina sa mall ay niyaya siya ni Allejo kumain sa isang restaurant after nila iwasan ang mga tagahanga nito. Sa ilang oras na kasama at kausap niya ito kanina ay pakiramdam niya na minsan sa buhay niya ay normal pa rin pala siya na humahanga, na kinikilig.
Huminga siya ng malalim sa kalungkutan na bumalot sa puso niya. Kahit anong paghanga at kilig ang nadama niya kanina ay balewala dahil nang nasa bahay na siya ay nabalot na naman ng bitterness ang puso niya.
Nang nagpaalam siya kay Allejo kanina na uuwi na ay nagpilit itong ihatid siya at kahit gusto niya ang suhestisyon nito ay pinigilan niya ang puso niya na umasam pa. Isa lang fairy tale na nakilala niya ito at nakasama but she should stop there dahil hindi siya pwede maging bida sa fairy tale o sa kwento na may happy ending.
“You are talking about the man in your dreamy tone, Izzy. Naku-curious na tuloy ako sa kaniya,” nakangiting sabi ni Mira sa kaniya dahil hindi niya sinagot ang unang biro nito. Nakita niya na ngumiti ito sa nakikitang pananahimik niya pero agad napangiwi dahil sigurado sa naramdamang kirot na resulta ng sugat sa sulok ng labi nito.
Malungkot siyang napatitig dito, kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ito sasaktan ni Martha. Siguradong ilang sampal na naman ang ibinigay ni Martha rito kaya pumutok ang gilid ng labi nito. Dahil sa maiksing kasiyahan na naramdaman niya kanina ay binalewala niya ang maaring mangyari sa kaibigan.
“I’m sorry to what happened to you, Mira…” malungkot niyang sabi dito at naghanap ng pwedeng ipainom na antibiotic sa kaibigan sa drawer ng tokador niya. Nakakita naman siya agad at kumuha na rin siya ng tubig at sabay na inabot dito ang gamot.
“Don’t mind me, Izzy…” sabi nito at napiyok ang boses dahil sa pagpipigil na umiyak. “I was actually hoping earlier that you made your way to leave us, sa isip ko eh sana talaga na tumakas ka, that you runaway…”
“I can’t do that. Hindi ko pwede gawin dahil paano ka at si Tita Miranda? Siguradong kayo ang babalingan ng galit ni Martha kapag ginawa ko iyon. Alam naman natin na ipapahanap ako ni Martha at Basti kapag hindi ako nakauwi.Hindi ko kayang isipin ang pwedeng gawin sa inyo ni Tita Miranda kapag hindi ako nila nakita,” malungkot na sabi niya. Iyon naman talaga ang nasa isip lagi niya, na kapag tumakas siya ay sigurado ang kapahamakan ni Mira lalo na ang Tita Miranda niya na nananahimik sa Cebu. May edad na ang tiyahin niya at hindi niya gugustuhin na mapahamak pa ito.
Yes, she was planning for her escape on her birthday but she was sure that it would be different dahil alam niyang ibebenta siya kaya doon niya gagawin ang pagtakas, kapag alam niyang naibenta na siya, para wala na pakialam pa si Martha kung mahanap siya dahil bayad na rin siya at siguradong nakuha na ang perang kasing halaga ng pagkatao niya.
“Being slapped by Ate Martha is normal now to me,” Mira said to her, “all I wanna know now is about the someone you met at the mall? I hope for some romance but we need to face the truth… Don’t you think it’s dangerous meeting someone at baka mamaya ay tao pala iyon ni Ate Martha o ni Basti?” curious na tanong nito sa kaniya, nasa mga mata ang pag-asam.
She smiled sa nasabi ni Mira. Kung tao si Allejo ni Martha ay siguradong matagal na nitong dinispatsa si Basti at iyon na ang ginawang lover. Nakangiti niya na kinuha ang phone at agad na in-open ang isang social media account niya at hinanap ang account ni Allejo Serra, she easily find his account and accidentally hit the follow button bago ipinakita kay Mira ang account nito.
MIRA SMILED NANG MAPANSIN na follower na pala ang kaibigan ng account ng lalaki. The man was really handsome at napapangiti siya isipin na siguro ay natuto na rin magkagusto ang kaibigan niya.
Sa dalawang taon mahigit na silang dalawa ang laging magkasama ay nakita niya kung gaano nito iniiwasan ang maligawan, actually iniiwasan nila pareho ang sinuman na lalaki na magkagusto sa kanila dahil natatakot sila sa maaring gawin ng ate niya kapag nalaman na nakipag-boyfriend sila. Mahigpit si Mira na bawal sila magpaligaw, pinoprotektahan sila ni Martha para siguradong maibenta sila sa panahon na tingin nito ay pwede na silang pakinabangan.
Mas matanda siya kay Isabel pero ang kayamanan niya ay mas mahigpit ang nakasulat sa addendum kaya hindi pa siya naiisipan ipa-auction ng ate niya but Isabel’s fortune is easy for Martha to have kaya magagawa na nitong ibenta ang kaibigan niya sa gabi ng kaarawan nito.
Hindi niya maisip ang kahahantungan ni Isabel sa kamay ng associate ni Martha na maaring bumili rito. Isabel was young and beautiful at gagawin niya ang lahat para maitakas ito sa gabing iyon. Naisip niya ang nakilala nitong si Allejo Serra, the man is surely a rich and probably could help Isabel.
She was hoping for some solution and now she knows na may solusyon na nakalatag sa harap niya, ang kailangan na lang niya ay makausap ang Allejo Serra na iyon at baka pwede nito matulungan ang kaibigan niya. How she wished that Allejo would be interested with Isabel so he could help them.
Mira looked intently at the profile of the man na may pangalan na Allejo Serra. She would try to contact him through his social media account at sana ay mapansin siya nito. Napabuntong-hininga bago ibinalik ang phone sa kaibigan pero kinabisado na muna niya ang spelling ng pangalan ng sikat na car racer at default profile nito. For sure ay maraming fan account na ginagamit ang pangalan nito. She needs to be sure as they are starting to lose time.