Chapter 5- (Protecting)

2351 Words
“I'M SORRY FOR TELLING THEM THAT YOU’RE MY GIRLFRIEND,” sabi ni Allejo sa kaniya, “I really just don’t want them to keep on following me that is why I said that.” She stupidly looking at the grinning man in front of her. Iniisip kung tama ba ang ginagawa niya na sumama rito ng yayain siya na kumain muna para maiwasan nila ang mga nakaka-notice dito na tagahanga. Kanina habang nag-o-order ito ay pasimple niya na hinanap ang pangalan nito sa internet. She was shocked when she received too many sites featuring the man and his images that she found in the search engine she used. It truly made her heart feel in awe. He was really famous internationally. A famous car racer and his hot photos were nothing compared to his personal appearance. Naisip niya si Mira at nag-message siya rito na sumunod sa kanila sa restaurant kung saan naroroon siya at hindi niya pa nasi-send ang text message niya ng magtanong ang lalaki sa kaniya na agad niya ikinatingin dito. “May I know your name?” tanong nito sa kaniya na dahilan kaya bumalik ang tingin niya rito. Wala sa sarili na nailapag ang phone at nakalimutan i-send ang message kay Mira. “I’m Isabel and you can call me Izzy…” sabi niya at nagulat din sa pagbibigay permiso rito na tawagin siyang Izzy. Ang kuya niya ang nagbansag sa kaniya ng Izzy at ilan lang ang tumatawag sa kaniya sa palayaw niyang iyon. She never let anyone called her Izzy lalo na kapag ayaw niya sa tao kagaya ng pagka-ayaw niya kay Martha at Basti. Mabilis niyang inalis sa isip ang dalawa at muling nginitian si Allejo, she needs to focus on the man for she was sure that this one time experience she have dining with the famous car racer ay hindi basta mauulit lalo na at alam naman niya na ginagamit lang siya nito para makaiwas sa mga tagahanga nito. ALLEJO SMILED SA SINABI NI ISABEL, she wants him to call her Izzy at natutuwa siya na kahit mukhang nahihiya ito ay hindi naman maitatanggi ang paghanga sa kaniya na nakikita niya rito. He don’t want to sound conceited pero iyon naman talaga ang purpose ng paglapit niya kay Isabel. He needs her to like him para maimbitahan nito sa birthday na magaganap. Sa ngalan ng sports car na pangarap niyang makuha mula kay Rex ay talagang kakaibiganin niya ito. “How old are you, Izzy?” tanong niya rito kahit alam naman niya ang lahat ng detalye tungkol sa common information tungkol dito. Iyon ang tanong niya para kapag sinabi nito na magna-nineteen na ito ay may pagkakataon na maisip nitong imbitahin siya sa kaarawan nito na magaganap sa susunod na linggo ayon kay Rex. “I’m nineteen,” sagot nito na may matipid na ngiti. Tumango naman siya at iniisip kung anong rebuttal words ang gagamitin, mukhang ayaw nito ipaalam sa kaniya ang nalalapit na birthday celebration. “I thought you were younger than nineteen. So glad that you are in legal age,” he said and gave her a lopsided grin he always used when he was flirting with women. “I thought you would say I look older than nineteen,” Isabel said and he hinted some bitterness in her voice when she said that. He smiled with what she said, mukhang bigo siya na imbitahan nito pero may ilang araw pa naman kaya siguradong makakagawa pa rin siya ng paraan. He isn’t the famous Allejo Serra kung panghihinaan na siya agad ng loob sa kaunting pagtataray lang ng kaharap niya. “You really look younger than your age, Izzy. I am just glad that I did not grab a minor’s hand and told the world that she’s my girlfriend. At least you are in legal age so I won’t be accused of corrupting minor’s mind,” nakangising sabi niya rito at nakita naman niya na ngumiti ito nang biglang nanlaki ang mga mata nito na napatitig sa kaniya. “World? You said world?” tila nag-aalalang sabi nito. “Yeah, those fans of mine from the shoe store obviously took a video of mine, of ours by the way, and that video will surely circulate the net any moment from now,” imporma niya rito na lalong ikinalaki ng mga mata nito. NANLALAKI ANG MGA MATA NIYA na nakatingin kay Allejo at nakaramdam ng takot sa implikasyon ng sinasabi nito. Kung bakit ba kasi hindi niya naisip iyon una pa lang. Pero nakilala niya ang lalaki nang nasa restaurant na sila dahil sa pag-search niya rito sa internet. Kung alam niya lang na ganoon ito kasikat ay iniwasan na niya agad. “Can’t you do something with that?” nag-aalala na sabi niya. Ang takot niya ay hindi para sa sarili kung hindi para rito. Paano kung malaman nina Basti at Martha ang tungkol dito? Paano kung ito naman ang gawan ng masama ng mga halang ang kaluluwa na mga iyon? Walang pinipili sina Martha at alam na alam nila ni Mira na marami koneksyon ang mga ito. Martha was working with a big mafia group at iyon ang nakakatakot para sa kalagayan ng lalaking nasa harap niya. “You don’t need to worry. Any news about me will just circulate for a short time. I won’t answer any questions to be asked according to that video so it will die eventually,” sagot nito sa kaniya at muling sumubo ng pasta at ngumuya habang nakatingin sa kaniya. She sighed at inisip na kapag sakaling makita ni Martha o ni Basti ang video na sinasabi ni Allejo ay idi-deny na lang niya na nakilala ang sikat na car racer. Sasabihin niya na pagkatapos umiwas ni Allejo sa mga fans ay agad na iniwan na siya pagkatapos siyang pasalamatan. “Why do you look so worried? Are you in a relationship and having a jealous boyfriend makes you worried?” tanong nito sa kaniya ng nakangiti. She smiled with his queries. Kung boyfriend na seloso nga lang sana ang problema niya ay balewala na agad kahit hiwalayan pa siya pero hindi boyfriend ang problema niya kung hindi mga demonyong nagkukunwaring tao. “I suggest you look for someone that is not a jealous type. You are very beautiful and attractive woman, having someone who understands you is more important than being suffocated by someone who is so possessive,” natatawang sabi nito sa kaniya. “I don’t have a boyfriend,” sabi niya rito para matigil na ito sa kakaisip na may boyfriend siya. Hindi niya alam pero ayaw niya magkaroon ng bad impression sa lalaki. Magsasalita sana ito nang maputol dahil sa naririnig niyang tunog ng ringtone ng phone niya. Nakita niya na si Mira ang tumatawag at agad niyang sinagot ang tawag nito. Nag-aalala ito at hinahanap siya. Para matapos ang usapan ay sinabi niyang may nakita lang siyang dating kaklase at mauna na itong umuwi. Tumatanggi pa si Mira sa sinasabi niya na mauna na ito ng biglang ma-empty batt ang phone niya. Nakahinga siya ng maluwag, siguradong uuwi na rin ito kapag hindi na siya makontak. Sorry, Mira… But I can’t let anyone be in danger because of your sister's evil thinking. Nang balingan niya ng tingin si Allejo ay muli niya itong nginitian at masayang nakipag-batuhan pa ng mga salita rito. The man is obviously flirting with her pero alam naman niya na hindi siya dapat maniwala sa mga ka-sweet-an nito. Ang lalaking kasing-tanyag nito ay napapalibutan ng mga magagandang babae. She might be pretty but Allejo for sure has tons of beautiful and alluring women waiting for him. She deeply sighed again, kung sana ay normal ang buhay niya at hindi siya nabubuhay at humihinga sa araw-araw na natatakot sa maaring mangyari ay bakit hindi niya pagbigyan ang sarili na magkagusto sa lalaking kaharap. But that is the truth, she was not having a normal life and Allejo's perfect life must not be ruined because of her. “NASAAN SI ISABEL?!” sigaw ni Martha sa kapatid na si Mira. “Ate…” gumagaralgal ang boses ni Mira nang sambitin iyon. Takot na takot na siya at kung hindi niya lang iniisip na importante siya kay Martha dahil sa perang namana niya sa ina ay baka kanina pa siya nito pinapatay o ipinagahasa. Iyon ang laging banta nito sa kaniya, sa kanila ni Izzy, na kapag may kalokohan silang gagawin at napikon ito ay siguradong sasamain sila and worst she would end in white s*****y dahil siguradong ibebenta siya nito. Alam niya ang kalokohan ng nakatatandang kapatid, alam niya ang kasamaan nito at ng kalaguyo nitong si Basti, at alam niyang kaya siya nitong ipapatay basta makahanap lang ito ng pagkakataon makuha muna ang mga kayamanan na nakapangalan sa kaniya. Kung wala lang siguro addendum ang last will ng ina niya na kapag namatay siya ay mapupunta sa mga charities ang mga kayamanan na minana niya ay siguradong matagal na siyang wala. Alam naman niya na hinihintay lang ni Martha na dumating siya sa edad na twenty-one at siguradong pipilitin na siya nitong maisalin sa pangalan nito ang mga mana niya para tapusin na rin siya. Kung ano ang plano nito kay Isabel ay ganoon din sigurado ang plano sa kaniya. “Nasaan ang Isabel na iyon, Mira?!” gigil na sabi ni Martha sa kaniya sabay pisil sa mga pisngi niya. Napangiwi siya sa sakit ng pagpisil nito sa mga pisngi niya pero hindi siya dumaing dahil ayaw niya bigyan ito ng satisfaction sa p*******t sa kaniya. “I don’t know, ate… She told me na doon lang siya sa shoe store na favorite niya puntahan. Malapit lang naman iyon sa store kung saan ako tumitingin ng gown para sa kaniya. That was what you told me to do, right? You told me to look for a gown that will fit her for her birthday,” paliwanag niya rito. Hindi na niya kailangan pa sabihin na sinabi ni Izzy na may nakita itong kakilala. Mas mabuti na wala na madamay pa at baka kung sinu-sino pa ang paghanapan ni Martha kay Izzy. Ang totoo ay kanina pa siya nag-aalala kay Izzy, alam niya ang plano nina Martha at Basti na ipa-auction ito sa gabi ng birthday nito at gusto niyang itakas ang kaibigan bago mapasama ito sa kamay ng ate niya. Inis na patulak na binitwan ni Martha ang mga pisngi niya at muntik na siyang matumba dahil doon kung hindi siya inalalayan ni Basti. Nakaramdam naman siya sa kilabot sa pagkakadikit ng balat niya kay Basti. Hindi niya ito gusto noon pa man dahil laging malagkit ang tingin sa kaniya nito na lalong nagiging dahilan para pag-initan siya ni Martha na para ba naman interesado siya sa kalaguyo nito. Mabilis niyang ipiniksi ang braso na hawak-hawak pa rin ni Basti at masama ang tingin ang ibinigay niya rito. Isang sampal naman ang ipinadapo ni Martha sa mukha niya dahil doon. “Stop flirting with my man, Mira!” banta pa nito sa kaniya habang ang hintuturo nito ay ipinapang-dutdot sa pisngi niya. Huminga siya ng malalim. Hindi niya maintindihan ang ate niya kung bakit hindi nakikita na ang kalaguyo nito ang nagbibigay ng motibo at hindi siya. Gusto niya maiyak sa sitwasyon niya. Nang mamatay ang mommy niya ay saka niya naisip na hanapin ang ate niya. Alam niyang may nakakatanda siyang kapatid ayon sa daddy niya. Nag-iisa lang siyang anak ng daddy at mommy niya at excited siyang makilala ang sinasabi ng daddy niya na ate niya na anak nito sa dating kasintahan na nasa Pilipinas. Ipinahanap niya sa Pilipinas ang ate niya dahil kasalukuyan na nasa Australia pa siya noon at wala pa sa tamang edad, abogado niya ang naghanap kay Martha. Ipinahanap niya ito para makilala ang nag-iisang kapatid niya dahil gusto niya na magkaroon ng pamilya dahil wala na ang mga magulang. Naunang namatay ang daddy niya dahil sa heart attack at isang taon pagkamatay ng ama ay tuluyan na siyang naulila dahil namatay naman sa cancer ang mommy niya. Sa batang edad na sixteen ay mag-isa na lang siya at ang excitement na makasama ang kaisa-isang kadugo niya ang naging pangarap niya noon. Noon. Noong hindi niya pa alam na mas mabuti pa pala ang walang kapatid kaysa mayroon kung katulad lang din ni Martha. Masaya naman ang unang pagkikita nila ni Martha, mabuti ito sa kaniya at nakumbinsi siya na sa Pilipinas na siya manirahan kapag eighteen na siya. She was excited then, akala niya ay gusto siya makisama nito pero hindi pala dahil pera lang ang kailangan sa kaniya. Kaya pala gusto nito na sa edad niya na eighteen siya pumunta ng Pilipinas ay dahil wala na siya sa kustodiya ng abogado niya sa edad na iyon. Ang kabutihan nito mula noong sixteen siya at lagi siyang dinadalaw sa Australia ay paimbabaw lang pala dahil nang nasa Pilipinas na siya ay doon niya nalaman ang totoo. “Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na huwag na huwag mong aakitin si Basti? Hindi ka ba talaga nakakatanda?” parang baliw na sabi nito sabay sabunot sa buhok niya. Muli siyang nagpigil na mapadaing dahil sa sakit mula sa pagsasabunot nito sa kaniya. Kung wala lang siguro si Isabel na inaalala niya ay baka noon niya pa nagawang tumakas. Hindi na bale ang mapahamak siya pero hindi niya gusto ang madamay ang kaibigan lalo na at hanggang ngayon ay walang linaw sa nangyari sa kuya nito. How she wished that Rex Alfonzo would come back for Isabel. Nang malaman niya ang katotohanan mula sa pagta-traidor na ginawa ni Martha at Basti sa kuya ni Isabel ay kahit siya ay nakaramdam ng pagkamuhi sa mga ito. Ang awa niya para sa bayaw na ni minsan ay hindi niya nakilala ay naging dahilan para lagi niya ipanalangin na sana ay buhay pa ito at makilala niya. How she wished that one day she would have a chance to meet Rex, the man that she thought would rescue her friend Isabel and might help her too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD