“WHAT DO YOU THINK HAPPEN, IZZY?” tanong ni Mira sa kaibigan dahil wala naman sila mahagilap na balita about anything that they could relate sa masamang gawa nina Basti at Martha.
“Baka naman tinatraidor lang sila ng mga kasosyo nila,” Izzy said in her hopeful tone.
“I hope too…” sabi na lang niya.
Lumapit siya sa bintana at tinanaw ang bakuran sa baba. Napabuntong-hininga dahil sa nakitang anim na lalaki na kabababa ng sasakyan, obvious na mamaya lang ay pabalik na ang ate niya at si Basti dahil nauna na dumating ang ibang mga tauhan ng mga ito.
“Sino tinitingnan mo d’yan? Don’t tell me na excited ka sa pagdating ng ate mo at ng kalaguyo niya?”
“I am hoping na hindi na sila makabalik,” seryosong sabi niya.
“Then what are you looking at?”
“Mga tao ng ate ko na naunang dumating. Siguro ay pinauna na o baka pinabalik dahil natatakot si ate na makatakas ka ulit.”
“Huwag siya excited at tatakas din naman talaga ako,” natatawa na sabi ni Izzy sa kaniya.
Tinitigan niya si Izzy at saka nilapitan. Nasa mga mata niya ang pagkabahala para sa kaibigan. “Did you message Allejo Serra?” tanong niya rito.
Ang plano niya ay siya na ang mag-iimbita rito pero hindi naman niya magawa dahil siguradong hindi rin siya papansinin nito dahil hindi siya kilala ng lalaki.
“I can’t, Mira…” umiiling na sagot ni Izzy sa tanong niya.
Hindi na rin siya nangulit pa rito. Nanahimik na lang siya at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang kinakabahan siya. Pakiramdam niya ay may mangyayari na hindi maganda at nakakaramdam siya ng takot dahil doon.
Muli niyang tinitigan si Izzy na kasalukuyan na busy sa phone nito at patuloy pa rin iniisip kung paano niya makukuha ang password nito para siya na ang gumawa ng paraan para rito.
“WHERE ARE CALOY AND HIS FATHER?” tanong niya kay Allejo na kakapasok lang sa opisina niya.
Kagabi nang pauwi na sila ay nalaman niya mula sa usapan nila Caloy at Domeng na may suliranin pala ang mga ito sa pera at nang alukin nga si Domeng para sa isang trabaho na kikita raw ito ng pagpapaopera sa asawa ay agad itong sumang-ayon. Sa takot ni Caloy para sa kalagayan ng ama ay sinundan nito ang ama hanggang sa pati ito ay kinuha na rin ni Ador dahil kailangan ng mga ito ng mga dagdag na tao.
Ang utos lang sa mga ito ay ang bantayan ang mga kababaihan na iniipon ng grupo at kapag nakompleto na ang bilang na kailangan ay makakauwi na sila dahil ang mga babae ay kukunin na rin ng boss ni Ador.
Iyon ang alam ng mag-ama at kahit nagdududa raw ang mga ito sa ganoong trabaho ay wala na ang mga itong nagawa kung hindi ang kumapit sa patalim para sa taong importante sa kanila pareho. Nang tanungin umano ni Domeng ang kaibigan na si Boy kung bakit kailangan bantayan ang mga babae ay sinabi nito na huwag na siya maraming tanong at gawin na lang ang dapat gawin kung gusto lang naman ay kumita ng malaking halaga at mabilisan.
“They are in the backyard, you told them to stay for a while and work here then they look for some work and I told them to clean the pool and garden,” Allejo said to him ng nakangiti.
“What makes you look so happy?”
“Because some princess contacted her knight in shining armour to save her,” Allejo said with a grin.
“Stop talking in riddles, Allejo. What do you wanna tell me?” diretso ang tingin niya rito.
“You are always boring, Rex!” naghihikab na sabi ni Allejo at pabagsak na naupo sa sofa sa harap niya.
“Do you wanna tell me now or do you want me to choke the information from you first?”
“You are threatening a celebrity, Rex!” natatawang turan nito na natawa na rin siya.
Totoo naman. Allejo could be his most trusted henchman but he is indeed a celebrity. Naalala niya pa ang press conference na ginanap dapat kahapon para rito na dahil may importate silang lakad ay ipina-cancel nito at mamayang hapon na naka-schedule.
“Are you here because you want me to act as your manager for the presscon?”
“Nah! But that is a good idea specially that someone you are interested is coming on my press conference,” nakangising sabi pa ni Allejo sa kaniya.
“Isabel Alfonzo?” tanong niya rito, nasa mga mata ang kasabikan na makitang muli ang kapatid.
“Not her, the other one.”
“Mirabella Ocampo? How could you know her?” umilap ang mga mata na tanong niya rito. Ang nasa isip ay hindi sila pwede ma-identify ni Mirabella dahil hindi naman mabuti ang motibo niya para rito.
“I haven’t met her personally but she was the one who messaged me. She was telling me that she wants to talk to me in regards with her friend,” sabi ni Allejo sabay kibit ng balikat.
“Why?” takang-tanong niya rito. Ang nasa isip ay bakit si Mirabella ang kumontak kay Allejo at hindi ang kapatid niya.
“Don’t have any idea either, but aren’t we grateful?”
“Did she tell you she will come to your press conference later?”
“She said yes.”
“Alright! Just involve me and I will act as your manager,” he said at pinaalis na ito nang muli itong tawagin, “Allejo, call Flavio and Stefano. I need them here,” pahabol na utos niya rito bagon ito tuluyang lumabas ng opisina niya.
“WHO INTERRUPTED US, BASTI?” tanong niya sa lalaking nakahubad at nagpupunas ng basang buhok na kakalabas lang banyo.
Nang dumating sila ng bahay kanina ay saktong tumawag si Johnson, ang boss nila at koneksyon nila sa mga big bosses nito sa underground. Sinabi nito na kailangan na raw nila ipadala ang mga bagong babae na ipinangako nila. Sinabi niya na hindi pa nakokompleto ang mga babae at hirap sila sa pagsasagawa ng k********g sa panahon na ito dahil ang gobyerno at kapulisyahan ay sila na lang yata ang tinututukan at nakalimutan na yata ang droga.
Iyon ang dahilan niya at dahil wala naman alam si Johnson sa operasyon nila na nangyayari sa Pilipinas ay hindi na ito nangulit pa maliban lang sa banta sa kanila na kapag wala pa sa katapusan ng buwan ang mga babaeng ipinangako nila ay maghanap na sila ng ibang kausap sa black market na hindi nila gusto mangyari dahil mahihirapan sila humanap ng katulad nito. Alam nila kung gaano kabigatin ang mafiang kinokonektahan ni Johnson at hindi nila gustong mabalewala ng mga ito.
Dahil sa naisip na problema na maaring kaharapin nila ay muli na naman siyang napabuga ng hangin sa inis at hinithit ang nakasinding sigarilyo na hawak niya habang hinihintay na sagutin ni Basti ang tanong niya.
“Wala akong ideya kung sino ang may gawa,” sabi nito at paitsang itinapon sa kaniya ang basang tuwalya na ginamit nito, “ilang beses ko ba sasabihin na huwag ka manigarilyo rito sa loob ng kwarto.”
“Huwag mo ibahin ang usapan!” pabulyaw niyang sabi rito sabay itsa pabalik dito ang tuwalya na ibinato kanina sa kaniya.
“Wala ako iniiba, sinabi ko naman na hindi ko rin alam kung sino ang nanghimasok sa operasyon natin, ‘di ba?!”
“Damn it, Basti! This is the first time it happens at walang lumalabas na news about it so ibig sabihin ay hindi mga pulis ang pumasok sa hideout. There are other syndicates who probably want to paralyzed us!”
“We know every syndicate here in the country at nagkakasundo tayong lahat dahil isa lang naman ang kalaban natin at iyon ay ang batas. We cannot put the blame to other groups at hindi pa natin alam ang totoo. Ang sabi ng naabutan natin na buhay ay dalawang lalaki na nakamaskara, at iyong dalawang baguhan na dinala ng tarant*dong si Boy ay sinama no’ng mga lalaki. Isa lang ang naiisip ko at sinabi ko na kanina na siguradong magkasabwat ang mga iyon!”
“Alam mo ba ang mga pangalan nila?” naniningkit ang mga matang tanong niya.
“Ang naalala ko ay Domeng at Caloy ang tawag ni Ador sa kanila noong ipinakilala sa akin. Hindi naman ako interesado alamin pa ang whereabouts nila dahil iniisip ko ay mga patapon lang din ang buhay ng mga iyon kaya hindi na ako nagtanong pero ang sabi ni Ador ay mahigpit ang pangangailangan nila sa pera kaya pinasok ang trabaho na inalok sa kanila.”
“Napakabobo naman talaga ninyo!” galit na sabi niya sabay tayo mula sa kama.
Lalo naman naningkit ang mga mata ni Basti na nakatingin sa kaniya. “Sinong bobo? Ako?”
“F*ck it off, Basti! Ngayon ka pa ba magiging sensitive!” pasigaw niyang sabi.
Mabilis naman na hinawakan ni Basti ang leeg niya at pasakal na idiniin ang mga daliri nito sa leeg niya. She choked at patulak na binitiwan siya ni Basti at naging dahilan ng pagbagsak niya sa kama.
“Damn you, Basti! You’re hurting me!” nagpipiglas niyang sabi ng kubabawan siya nito.
“Don’t try to boss around me, Martha! We both know kung bakit marami kang pera, I was the one who helped you to get married with the fool Rex Alfonzo. Kung wala ako ay siguradong nagp*puta ka pa rin hanggang ngayon kung kani-kaninong mga pulitiko at matatandang negosyante para lang sa mga luho mo! Kung hindi dahil sa akin ay wala ka! Wala ka!”
Hindi naman siya nakaimik dahil totoo naman ang sinasabi nito, but she is not only the one to be grateful. Kung dapat siya magpasalamat dito ay ganoon din dapat ito sa kaniya dahil kung matino siyang babae ay hindi niya hahayaan na ipahamak ang dating asawa para kay Basti, nakipagsabwatan siya dahil hindi siya matino at wala siyang plano na baguhin ang mundo niya para kay Rex kahit alam niya kung gaano siya kamahal nito, na muntik na siyang nagbago para rito pero nangingibabaw pa rin ang tawag ng materyal at kamunduhan na kinasanayan niya.
He remembered how Rex made love to her before, he was gentle, loving and she was bored because she wants rough as she has always been roughly treated by the men she used to sleep with aside from Basti that the priority is to please her in bed. Rex used to please her too but he didn't know how to please her, but the fact that her missing husband respected and loved her made her grow feelings for him.
Feelings that she chose to disregard dahil kailangan niya piliin ang kapakanan ni Basti. Malaki na ang nananakaw ni Basti na pera sa kumpanya ni Rex at kailangan na niya isakripisyo ang asawa para hindi malaman ang mga pagnanakaw ng kalaguyo niya rito. Unti-unti nagawaan niya ng paraan na malipat sa pangalan niya ang mga ari-arian ng asawa na hindi niya akalain na ang malaking bahagi ng mana nito sa mga magulang ay ibinigay na nito sa nag-iisang kapatid. Sa spoiled at malditang si Isabel.
“Huwag ka mayabang, Martha. Iyang ganda na pinagmamalaki mo ay hindi magtatagal at kukupas na. Mas marami pang mas maganda at mas bata kaysa sa iyo,” nanunuya na sabi ni Basti sa kaniya na dahilan para mawala sa isip niya ang nakaraan.
Nainsulto siya nang tuluyan dahil sa sinabi at isang sampal ang ibinigay niya rito. “Are you comparing me with Mira and Isabel? Or are you trying to tell me that you are interested with them?!” galit niyang sabi pero nasa boses niya ang nasaktan dahil sa pang-iinsulto nito sa kaniya.
“I can have them if I want to but I need to earn first. Kapag nagsawa na sa kanila ang mga binentahan natin ay saka ko na lang sila papakinabangan. Mawawalan kasi sila ng halaga kapag hindi na sila virgin sa araw ng auction at iyon ang ipagpasalamat mo dahil kung mas importante sa akin ang babae kaysa sa pera ay noon pa kita ipinagpalit sa kanila o kahit sa iba pa!”
“Try to touch any of them and I will kill them in front of you!” galit niyang sabi rito, ang nasa isip ay mamaya lang at papatikim niya sa dalawang babae ang galit niya. She didn’t waste her marriage life para lang ganituhin ng lalaking pinili niya makasama.
“Argh, Martha…” nakangising sabi nito at siniil na siya ng halik sa mga labi, “you are always a jealous one kaya hindi kita mapakawalan. I need someone like you in my life, someone who could do everything to please and protect me.”