“P*TANGINA, CALOY! ANO’NG INGAY ‘YAN?!” galit na sigaw ng isang lalaking malaki ang tiyan dahil sa narinig na ingay na nagmula sa mga lata na binagsakan ng babaeng nadapa kanina kasabay ang pagtayo nito at tanawin ang kinaroroonan ng tinawag nitong Caloy.
Agad nitong dinampot ang baril nang makitang nasa likod siya ni Caloy at itinutok dito ang hawak na baril na kanina ay nakatutok sa batok ng lalaking si Caloy na nanginginig na sa takot na ginagamit niyang pananggalang mula sa mga kasama nito.
Ang tatlong kasama ng lalaking malaki ang tiyan ay kumuha na rin ng kaniya-kaniya nilang baril at apat na ang mga itong nakatutok ang mga armas sa kaniya.
He smirked dahil sa nakakatawang itsura ng mga ito. Apat lang ang mga ito at hindi mauubos ang laman ng magazine ng caliber 45 niya sa bilang ng mga ito. Ayaw na niya patagalin ang kamatayan ng mga ito. Nang barilin niya ang lalaking nagmura kanina sa gitna ng noo ay nakita niya na nabigla ang tatlo at ang lalaking si Caloy na hawak niya ay nakaihi sa pantalon nito.
“Mukhang hindi pa kayo handa sa pinapasok niyong trabaho,” wika niya at nang itutok niya ang baril sa isang lalaki ay nagpaputok ang lalaki na nasa likod nito.
Ang bala na mula sa baril ng lalaki na nakapwesto sa pinakamalayo mula sa kaniya ay tumama sa hita ni Caloy at bumigat ito dahil halos matumba na nang marehistro sa utak nito na tinamaan ito ng bala.
Ang mga kamay niya na nakahawak sa batok ni Caloy ang tanging dahilan kaya nakakatayo pa ito ng tuwid. Bumibigat na ito sa pagkakahawak niya pero hindi niya ito bibitawan. He knows the three men na natitira ay walang panama sa kakayahan niya but he needs to made a statement to them na huwag na ang mga ito lumaban dahil mas gusto niya na makausap ang mga ito para malaman pa ang ibang mga aktibidad nina Martha at para malaman na rin niya kung sinu-sino ang koneksyon ng mga ito.
“F*ck!” mura niya nang muling magpaputok ang lalaking nagpaputok kanina na dahilan kaya tinamaan ang hawak niyang si Caloy, this time ang bala na gamit nito ay lumihis lang pero nahagip ang dulo ng tainga ni Caloy na tuluyan na umiiyak sa takot.
Sa inis naman niya sa lalaking bumaril ay isinunod na niya ito sa naunang binaril niya. Diretso niya itong pinatamaan sa gitna rin ng noo nito at dilat ang mga mata na bumagsak.
Ang dalawang lalaki na nanginginig ang mga kamay habang hawak ang kaniya-kaniyang baril ay nakita niyang nagpipilit na lang umastang matapang at nang itutok niya ang baril sa lalaking nasa malapit sa kanila ni Caloy ay lalo na umiyak ang hawak-hawak niyang lalaki.
“Huwag niyo po barilin ang tatay ko, kailangan lang po namin ng pera kaya namin tinanggap ang trabaho. May sakit po ang nanay ko,” sabi nito sa gumagaralgal at napipiyok na boses. Paitsa niya itong itinulak sa inis niya dahil ayaw niya nakakaramdam ng awa pero iyon ang naramdaman niya bigla para rito lalo na at kung asintado ang nagpaputok ay kanina pa ito napuruhan.
Nang sulyapan niya ang lalaki na nasa likod ng ama ng umiiyak na si Caloy ay agad niya itong binaril sa kamay na gamit nito panghawak ng baril. Napasigaw ito sa sakit na naramdaman sa balang lumusot lang sa kamay nito. Nang lingunin niya si Caloy at ang ama nito ay tatakas na sana ang mga ito pero naunahan ang mga ito ni Allejo na nakabalik na sa loob ng building.
“Do I have the privilege to kill the rest, boss?” tanong nito sa kaniya na ang tono ng boses ay patuya na dahil alam niyang naiinis na ito sa pinagkait niyang enjoyment nito.
“No, I need them alive.”
“F*ck! How could you do this to me?!” nagrereklamo na sabi nito.
“Just get that man named Caloy and his father. Take them outside,” binalewala niya ang reklamo nito at mabuti na lang at hindi niya nakikita ang mukha nito dahil sa maskarang suot kaya hindi niya nakikita ang sigurado niyang pangit na reaksyon nito sa pinapagawa niya.
“You're lucky, men!” naiinis na sabi ni Allejo sa mag-ama na tinututukan nito ng baril habang hirap na hirap si Caloy na tumayo dahil sa tama nito sa hita at tinutulungan ito ng ama.
“What about that one?” tanong ni Allejo sa kaniya na ang tinutukoy ay ang lalaking nasa may paanan niya at inaapakan niya ang kamay nitong may tama ng bala.
“He will be my messenger so we need to left him here,” sabi niya at tinalikuran na ito pagkatapos paputukan ang mga dalawang paa nito para siguradong hindi na makatakas. He could spare him alive like what he did to Caloy and his father but the fact that he attempt to shoot him ang dahilan kaya wala siya pakialam pa kung bubuhayin ito o papatayin ni Martha o ni Basti.
“MIRA!”
Nilingon niya si Izzy na tinatawag siya. Kunot-noo siyang napatingin dito, mukhang masaya si Izzy at baka dahil na naman iyon sa crush nitong si Allejo.
“Why?” tanong niya sa kaibigan. Nakangiti rin.
“Have you seen that? Ang ate mo at si Basti nagmamadali,” natatawang sabi nito.
“Hindi ko nakita, kakalabas ko lang sa kuwarto,” sabi niya at nakita niya na napangisi si Izzy at sigurado siya na dahil na naman iyon sa accent niya sa tuwing pinipilit niya magsalita ng straight na Tagalog.
“Ang cute mo talaga mag-Tagalog,” natatawang sabi nito na nagpatulis naman sa nguso niya dahil kunwari ay nainis siya na pinagtatawanan nito.
“Izzy…” sabi niya para matigil na ito sa pagtawa.
“Sorry na ba, ang cute mo lang kasi talaga…” tawang-tawa pa rin na sabi nito.
Hindi naman siya naiinis kahit tumatawa ito, ginagawa niya lang mag-inarte para lalo lang itong maaliw. Sa araw-araw na buhay nilang dalawa ni Izzy na kasama ang ate niya at si Basti ay bihira lang silang makapagtawanan dahil puro takot ang una nilang nararamdaman.
“Ang saya-saya mo, nakausap mo na ulit iyong Allejo Serra na iyon ‘no?!” panunukso niya rito.
“No, not him. Alam ko naman na out of reach ko iyon pero syempre umaasa pa rin ako na mapansin niya, na sana bigla niya akong i-follow o i-add sa mga social media accounts niya,” nangangarap na sabi nito.
Natawa naman siya sa tila nasa ulap na pakiramdam ni Izzy basta naiisip nito si Allejo Serra. How she wished she knew how to fell in love, na sana ay maranasan niya rin ma-in love. Na sana kung ibebenta man siya ng ate niya ay sa lalaking pwede siyang mahalin at matutunan niya ring mahalin.
“Excited kang tawagin ako just to show to me how in love you are with the man that you just met once?!” pang-aasar niya pa rin dito.
“Nah, of course not! I called you kasi nakakatuwa iyong nakita kong itsura ng ate mo kanina at ni Basti. They looked troubled, mukhang may nanggulo sa trabaho nila,” nakangisi na sabi nito.
“Really?” her eyes brightened with what she heard. Umaasa na sana ay mahuli na ng mga alagad ng batas ang ate niya at si Basti at makulong na pareho, iyon lang ang paraan para makalaya sila ni Izzy mula rito. Ang nasa isip niya ay sana makulong ang ate niya at sana kapag nakulong ay makapag-isip ng tama at maging dahilan para magbago ito.
“Yes, I saw them na nagmamadali after someone called Martha. Nakakadiri nga sila at sa harap ko pa naghahalikan kanina, sinasadya nila para asarin ako pero buti nga at naresbakan ng karma,” patawa-tawang sabi pa ni Izzy sa kaniya.
“Tara sa kuwarto mo, Izzy. Manood tayo ng news at baka maibalita kung anong operation nangyari at baka may guwapong pulis pa tayong makita na ini-interview,” sabi niya sa kaibigan at nagpauna na lumakad papunta sa kuwarto nito. How she loved men in uniform for she always dreamt that one day may isang unipormadong lalaki na magliligtas sa kaniya, and that would turn out to be her knight in shining armour.
“SABI KO NAMAN SA INYO, ‘TAY… huwag na tayo sumama doon sa trabahong inalok sa inyo ni Mang Boy,” sabi ni Caloy sa ama na si Domeng. Tinanong niya ang pangalan nito kanina at doon niya nalaman.
“Kung hindi lang naman kasi kailangan ng nanay mo ng malaking halaga ay hindi naman ako sasama sa ganoong gawain, hindi ako masamang tao, anak…” naiyak na rin na sabi nito sa anak.
Nakikinig lang siya at hindi nakikipag-usap sa mga ito. Alam naman niya na kahit makipag-usap siya ay balewala lang sigurado kay Allejo dahil ilang beses na rin siya narinig nito magsalita ng wikang Filipino.
Nilingon niya ang umiiyak na si Caloy at ang ama nitong si Domeng. Napailing sa sitwasyon na mayroon ang mga ito. Si Allejo ang pinag-drive niya at dahil wala naman itong naiintindihan sa mga winika nina Domeng at ni Caloy ay sigurado siyang wala rin itong pakialam. Ganoon naman talaga si Allejo, hinihintay lang kung ano ang iuutos niya at hindi rin interesado mangialam sa kahit anong naririnig basta hindi konektado sa piapagawa niya.
And for sure, ang isang dahilan kaya tahimik ito ay dahil naiinis sa mga inutos niya rito kanina. He checked the side mirror at sinulayapan ang panel na nasa likod nila kung saan ang nagda-drive ay si Giovanni na mabuti na lang at isinama niya. Ang akala niya kasi noong una ay mga droga ang kontrabando na makukuha nila pero mga babae pala.
“MGA P*TANGINA NINYO!” galit na pinagmumura ni Martha ang tatlong lalaki na naabutan nilang buhay pa sa hideout. Ang isang lalaki na nagkwento sa mga nangyari ay may mga tama ng bala at ang dalawa ay nakita nila na nasa isang bahagi ng gusali at parehong tulog.
Kinuha ni Martha ang baril na nakasuksok sa bewang niya at mabilis na ikinasa at itinutok sa lalaking may tama ng bala sa mga paa at kamay. Inuna niyang barilin ito bago isinunod ang dalawa na kahit nagmamakaawa ay walang pakialam si Martha.
Natatawa naman siya ng ibalik na ni Martha sa kaniya ang baril habang tinitingnan ang mga nakahandusay na katawan na puro wala ng buhay sa paanan nila.
“Akala ko ba ay magagaling ang mga tao mo, Basti?!” galit na pasigaw na sabi ni Martha sa kaniya.
“Malay ko bang mauutas ang mga iyan. Kasalanan mo rin kasi, kung hindi ka dati nagpadala sa init ng ulo mo at hindi mo pinatay ang mga kagrupo ng Ador na iyan ay sana may mga tao pa tayo na maaasahan,” inis na rin na sabi niya rito at itinuro ang bangkay ni Ador na may tama ng bala sa gitna ng noo nito katabi ang bangkay ni Boy na katulad nito na may tama rin ng bala sa gitna ng noo.
“Basti, walang maaasahan sa mga iyon? Kagaya rin sila niyang si Ador na tatanga-tanga kaya naunahan ng kung sino man na pumasok dito. Ano gusto mo buhayin ko ang mga punyetang iyon pagkatapos gahasain ang mga babae na ipapadala sana natin noon kay Johnson, nalugi kaya tayo that time at ngayon ay lugi na naman dahil sa tangang Ador na ito,” galit na wika ni Martha at hindi pa nakontento dahil tinadyakan pa nito ang mukha ng nakadilat na si Ador.
Gigil na gigil itong nagpalakad-lakad at paminsan-minsan ay muling sisipain ang mga bangkay na nadadaanan.
“Wala na tayo magagawa, narinig naman natin ang sinabi ng isa na iyan na dalawang lalaki ang pumasok pero isa lang ang tumumba kina Ador at Boy, kailangan natin alamin kung sino ang mga iyon kaysa isipin pa ang nangyari na. We need to look for the women na tinangay nila at pati na iyong dalawang bago na tauhan natin na isinama nila, baka kasabwat ang mga iyon kaya napasok tayo,” sabi niya rito.
“Your men were useless kaya tama lang na wala na sila sa mundo. Dapat kasi kung naghahanap ka ng mga tao ay dapat sinisigurado mo na kaya talaga magtrabaho para sa atin!”
“Oo na!” inis na sabi niya dahil kanina pa siya naiirita sa kakasigaw ni Martha sa kaniya. “Tatawag ako sa mga contact ko sa loob at umasa na lang tayo na may maipadala pa sa atin na mga bagong tao. Ilan na lang ang natitira sa atin, Martha! Halos wala na yata makaabot ng isandaan ang mga tauhan natin,” napepeste na rin niyang sabi rito.
Galit na nagpalakad-lakad na lang si Martha at nang mapansin nito ang bangkay ni Boy na nagalaw sa kakasipa nito kanina ay may napansin itong nakaipit na papel sa sinturon na suot nito.
Inis na hinablot niya ang papel at binasa ang nakasulat, wala naman nakasulat na kakaiba. Ang nakasulat lang sa papel ay number ‘1’ na nagpakunot sa noon niya. Nilukot niya ang papel at itinapon sa mukha ng bangkay ni Boy at inis na bumalik kay Basti.
“What’s that?” tanong ni Basti sa kaniya.
“Nothing, just a number. Let’s go! This place irritates me,” inis na sabi niya at nauna na siyang lumakad palabas ng building.