Napahagalpak ako ng tawa at hawak ang tiyan na hinampas ko siya ng malakas sa balikat. Narinig ko din siyang tumawa at pagkatapos ay inayos ang unan ko tsaka ako inalalayang mahiga at kinumutan. Humiga na din siya at kapwa kami nakaharap sa puting kisame. "Ayaw mo magkumot?" tanong ko sa kanya na hindi na nag-abala pang tignan siya. "Hindi pa tayo pwedeng magsama sa iisang kumot, papakasalan muna kita," nakangisi niyang sambit. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang gwapo niyang mukhang nakangisi. "Nagawa mo na kaya dapat pakasalan mo na ako." Humarap din siya sa akin at nagkatitigan kami na kapwa nakangisi. "Hindi counted ang una, ginawa ko yun dahil kailangan." "Thank you," mahinang usal ko. Nginitian niya lang ako. "Matulog ka na, hihintayin kitang makatulog muna, baka paggising ko

