MASAYA kaming kumakain nang dumating si Maureen na may dalang tray ng pagkain. Agad siyang umupo sa tabi ko at nakangiting nakipagkilala kay Harvey. "I'm Maureen Santiago, nag-iisang kaibigan dito ni Caryn. Matagal na ba kayo?" Halos mabulunan ako sa diretsong tanong na iyon ni Maureen kay Harvey. Lihim ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa. "I mean, matagal na ba kayong magkakilala? Ngayon lang kasi kita nakitang dumalaw dito sa school." "Mga tatlong buwan pa lang yata kaming magkakilala, aksidenteng nakita ko siyang nagpapakatanga sa ilalim ng nagngangalit na kalangitan. By the way, I'm Harvey Mondragon." Nakita ko ang pagkatulala ng kaibigan ko at ang dahan-dahang pagbuka ng bibig niya. Tinaasan ko siya ng kilay at gaya kanina ay palihim ko ulit siyang sinipa sa ilalim ng mesa. Huwag

