IKA-LIMANG KABANATA: HINALA (Pangalawang Bahagi)

1022 Words

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig na sinabi niya. Posible kayang ang sinasabi nitong nobyo ay si Kevin? No! Nagkakamali lang ako ng iniisip, imposibleng magkakilala silang dalawa dahil unang-una malayo ang paaralan ko sa paaralan ng kapatid ko. "Matulog na tayo Ate, pwede bang tumabi sa'yo ngayon?" nakangiti nitong tanong sa akin. Tumango ako at sabay na kaming humiga. Iwinaksi ko sa isip ko ang naisip kong iyon gayunpaman, ay nanalangin akong sana mali ako ng hinala. "I want to meet your boyfriend," sabi ko sa kanya at nangako naman siyang kakausapin niya ang nobyo para makipagkita sa akin. Sinabi ko ding magsasama ako ng kaibigan para hindi ako mailang kapag kasama ko sila. Pumayag naman siya at biniro pa akong gusto ko lang daw magkaroon ng double date kasama siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD