HINDI ko alam kung paano akong nakarating sa bahay ni Harvey, namalayan ko na lang ng nasa tapat na mismo ako ng gate niya. Alam kong sa mga oras na ito ay wala pa si Harvey kaya naisipan kong maghintay na lang sa labas, naupo ako't niyakap ang sariling mga tuhod. Biglang gumitaw ang eksenang naabutan ko kanina sa library, naguguluhan ako hindi ba dapat masaktan ako't umiyak dahil tuluyan ng naglaho ang kaunting pag-asang babalik siya? Bakit nung makita ko iyon ay wala akong naramdaman kundi galit at panghihinayang? Galit kasi ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Galit na hinayaan ko ang sarili kong magmukhang tanga sa harapan niya. Panghihinayang naman sa mahigit walong buwang pagsasayang ko ng oras at pagmamahal. "Sa susunod na babaan mo ako ng tawag klaruhin mo muna sa akin ang dahi

