SIMULA: Pagkabigo (Unang Parte)

1651 Words
One Year Ago...   “I’m breaking up with you.” Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Napatingin ako sa kanya at agad na namasa ang mga mata ko nang makita kong nagsasabi siya ng totoo at walang halong pagbibiro.   Tuluyang naglandas ang mga luhang ‘sing-bilis pa nang kidlat na nag-unahan sa pagbagsak sa aking dalawang mata.   “You’re kidding, right?” nagawa ko pang ngumiti sa kanya at pilit na tinutuyo ang mukha kong basang-basa na ng mga luha.   Umiling siya at walang kakurap-kurap na nagsalita. “I’m done with you, I don’t love you anymore and I’m tired of everything between us.”   Nakagat ko ang mga labi ko upang mapigilan ang pag-hikbi. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang nitong naisipan ang ganoong bagay.   “B-Bakit?” Nauutal na tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Natatakot na mapansin ng mga barkada niya na nasa di-kalayuan lamang.   Nag-iwas siya ng tingin tsaka huminga ng malalim bago muling nagsalita. “Hindi mo Rin ako maiintindihan. Aalis ako at ‘di ko alam kung kailan ang balik ko.” Nagsisinungaling siya, alam ko iyon.   Sa anim na buwan naming relasyon ay kilala ko na siya. Nauutal at ‘di makatinginng diretso sa akin—iyan ang senyales nang hindi niya pagsasabi ng totoo at gumagawa lang ng kuwento ngunit hindi iyon ang importante ngayon. Kaya ko pang tanggapin ang pagsisinungaling niya pero hindi ko kaya ang pakikipaghiwalay niya sa akin.   “Ang sabi mo, mahal mo ako…” mahinang utas ko sa kanya na nakatungo ang ulo. Hindi ko na kaya pang makipagtitigan sa kanya, baka bigla na lang akong maglupasay dito kapag tumingin pa ako sa mukha niya.   “A-anong nangyari? Di ba may pangako ka sa akin?” Hindi siya nag-abalang sagutin ang tanong ko at parang walang narinig na tinalikuran niya ako’t naglakad patungo sa mga kaibigan niya. Hindi ako umalis o kumilos man lang sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang ilang mga matang nakatingin sa gawi ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko siya at sa nanlalabo kong paningin ay kitang-kita ko ang saya sa mukha niya habang papalayo sa akin.   Ganoon na lang iyon?   Bigla-bigla siyang makikipaghiwalay na hindi man lang ako binigyan ng paliwanag at dahilan? Ni hindi man lang siya humingi ng sorry o nagpaliwanag kung bakit niya ako hihiwalayan.   Nagawa niya akong talikuran na ni minsan ay hindi niya nagawa sa akin, noon. Ano bang nagawa kong kasalanan?   May nagawa ba akong mali, na ikinagalit niya bigla?   Mali ba ang araw-araw na pagsasabi ko sa kanyang mahal ko siya? Ikinagalit ba niya ang pagpaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal?   Napaupo ako sa damuhan at wala sa sariling napatingin sa kawalan. Para akong tanga doon na umiiyak at bumubulong ng mga salitang paulit-ulit lamang na lumalabas sa bibig ko. Mabuti na lang at walang masyadong taong dumaraan sa parteng iyon ng parke kung hindi ay pagkakamalan siyang baliw o ‘di kaya’y pagtitinginan siya’t pag-uusapan. Lalo na sa suot kong puting bulaklaking bestida na tinernuhan ko ng itim na pumps at nakaayos na buhok ko. Pinaghandaan ko ang araw na ito, naghanda ako ng sorpresang tiyak kong magugustuhan niya ngunit ako pala ang sinorpresa nito.   Today’s our sixth monthsary, and we both talked about celebrating together. Last night, we’d talked about our plans for today’s celebration. We planned to watch a movie and eat in a fine dining restaurant. Then, we'll go to his condo and there I'll give my surprise to him, but there is no celebration will take place because he decides to break up on me.   Break na kami at wala akong paliwanag na natanggap mula sa kanya! Ilang oras akong nakaupo lang doon at parang tangang umiiyak. Nagsimulang magdilim ang kalangitan at nagbabadya ang malakas na pag-ulan. Nag-angat ako ng tingin at kadiliman ng langit ang sumalubong sa akin.   Isang nakakapangilabot na kidlat ang gumuhit sa kalangitan na sinundan pa nang malakas na pagdagundong ng kulog. Hindi ako natinag sa kinaroroonan ko bagkus ay sumilay pa ang mapait na ngiti sa aking labi.   “Great!” bulong ko sa aking sarili.   Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalong maiiyak sa pagbuhos ng malakas na ulan at pagngangalit ng kalangitan. Nakakatuwa kasi parang nakiki-ayon ang kalangitan sa pagluluksa ng puso ko, pakiramdam ko hinigop nito ang lahat ng galit na naipon sa dibdib ko at ibinuhos upang ipahiwatig ang pakikiramay sa akin.   Mas lalo akong naiyak dahil pakiramdam ko pinaglaruan ako ng tadhana. Hindi ko alintana ang malalakas na patak ng ulan at ang malakas na hangin na dumadampi sa katawan ko. Hindi sapat ang lamig na dala ng hangin at ulan para pawiin ang nangngangalit kong kalooban. Gusto kong sumigaw, gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko ngunit hindi ko magawa. Hindi ko siya kayang kamuhian o magalit man lang sa kanya kasi sa kabila ng ginawa niya ngayon, hinahanap pa rin siya ng puso ko. Patuloy pa rin akong nagmamahal sa kanya. “Napakalaki kong tanga! Bakit ba ganito ako? Ayaw niya na sa’yo kaya puwede bang tumigil ka na at tanggaping iniwan ka na niya?!” sigaw ko sa sarili ko. Walang pakialam kung nagmumukha na akong baliw na nagsasalita sa ilalim ng matinding pag-ulan.   Nanginginig na ako sa sobrang lamig, basang-basa na ako at ang puting bestida ko ay nadumihan na dala maputik na kinauupuan niya.   “Gago ka…” Nahihirapan kong bigkas sa sarili. “Gago ka talaga, pero sa kabila ng ugali mong iyan ay tinanggap kita’t minahal. Wala akong alam na pagkukulang at pagkakamali sayo, lahat ng ayaw at gusto mo sinunod kong lahat. Binalewala ko ang sarili ko para lang mapagbigyan lahat ng kapritso mo, pero bakit sa huli iniwan mo pa riin ako?”   Kasabay nang paghagulhol ko ay ang muling pagdagundong ng kalangitan. Huminga ako ng malalim para mapakalma ang aking sarili. Pakiramdam ko nauubusan na ng hangin ang katawan ko at ramdam kong parang sinasakal ang puso ko. Ang hirap tanggapin ang nangyayari sa akin ngayon.   ‘Paano na ako ngayon?’ tanong ko sa ‘king sarili. Mahal ko siya, mahal na mahal. Sa anim na buwang relasyon namin ay ibinigay ko ang pagmamahal na kahit ang sarili ko ay napabayaan ko na. Umasa ako sa kanya, umasa ako sa mga binitiwan niyang salita. Umikot ang mundo ko sa kanya kaya ngayong iniwan niya na ako’t tinalikuran hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung paano ang bumangon.   Madilim na kalangitan, malakas na ihip ng hangin, ang pagpunit ng munting liwanag sa kalangitan na sinasabayan nang pagkulog at ang malamig at tila nagyeyelong patak ng ulan. Lahat ng iyon ay parang balewala lang sa akin, namanhid na yata ang buo kong katawan at hindi na makaramdam. Ibinuka ko ang aking palad upang damhin ang pagpatak ng ulan ngunit nakalipas ang ilang minutong walang kahit isang patak ng ulan ang dumampi sa palad ko. Awtomatikong umangat ang paningin ko at tumambad sa akin ang kulay itim na payong. “What do you think you’re doing, Miss?” sita ng isang baritono at buong boses. Napagawi ang tingin ko sa nagsalita at tumambad sa akin ang nakabusangot na itsura ng isang matangkad na lalaki.   Nakasuot ito ng hoody at nakapamulsang nakatingin sa akin. Kumibot ang labi ko ngunit di ko nagawang magsalita. Ano nga bang ginagawa ko?    “May bagyo ngayon at hindi ito simpleng ulan lang kaya kung ako sayo uuwi na ako,” saad ng lalaki na parang pinag-aralan ang itsura ko.   Tumingin ulit ako sa lalaki, gusto kong sabihin sa kanyang umalis na at hayaan na lang akong mag-isa, ngunit bigla akong nakaramdam ng matinding ginaw at pangangatal ng katawan. Walang imik akong dahan-dahang tumayo at tumalikod sa kanya. Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay biglang umikot ang paligid ko at walang ano-ano’y biglang nahulog ako sa kadiliman. NAGISING ako nang maramdaman kong may kamay na humahaplos sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad ang isang estrangherong mukha na bagamat nakakunot ang noo ay di maitatagong maamo ang mukha iyon . “W-here am I?” Namamaos kong tanong na inilibot ang paningin ko sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang kinaroroonan ko kaya bahagya akong kinabahan at natakot. Napaurong ako at lumayo sa lalaking nakaupo malapit sa akin.    “You’re here in my apartment, nakita kita sa parke kanina nang papauwi ako,” Nakahalukipkip niyang sagot sa akin.   Napatungo ako at muli na namang sumigid ang kirot sa puso ko nang marinig ang sinabi nito. Muling naglandas ang panibagong mga luha sa mukha ko at huli na para mapigilan ko iyon, kagat ang mga labing nanatili ako sa ganoong posisyon. Nangangambang makita ng lalaki ang itsura nia at pagtawanan ako.   “Hey, did I say something wrong? Pasensya ka na, I didn’t mean to bring you here but I swear wala akong ginawa sa’yo. I have no choice but to bring you, nawalan ka ng malay kanina.” Natatarantang paliwanag ng lalaki sa akin.   Umiling ako’t pinunasan ang mukha kong basa ng luha. Sinubukan kong bumangon ngunit bigla akong naliyo kaya bumalik ako sa pagkakahiga.   “Stay still, hindi mo pa kayang tumayo, mataas ang lagnat mo at kailangan mo munang magpahinga. Hindi biro ang ginawa mo, walang matinong tao ang magbababad sa ulan sa ganitong klase ng panahon. Kung may problema ka, hindi iyon masosolusyunan sa ganoong paraan.” Panenermon niya sa akin.   Nag-iwas ako nang tingin sa kanya at pinakiramdaman ko ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD