bc

Rebirth Of Gifflet

book_age18+
268
FOLLOW
1.6K
READ
reincarnation/transmigration
humorous
straight
evil
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

"I wasn't planning to fall for a woman that weren't mine in the first place. It just happened."— Adler Hart

Glifflet's name is Adler before being rebirth. He was weak with the name of Adler. He was weak and with a skinny body. The reason why his family driven him away and his girlfriend and best friend betrayed him.

He was so broke and alone. And his best friend and girlfriend planned to kill him because they couldn't use him anymore. He just woke up with different body and identity.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Wala ka ba talagang magawang tama, Adler?! 20%?! Gaano ka ba kabobo at 'yan lang ang nakuha mo?! Pinapaaral kita ng tama at ito ang igaganti mo sa'kin?!" malakas na sigaw ni dad na ikinayuko ko. Pinapakalma siya ni mom sa gilid niya dahil halos pumutok na ang mga ugat na naglabasan sa leeg niya. Napayuko ako. I don't have rights to talk unles he says so. That was his first rule. Sinusunod ko iyon dahil tatay ko siya at kailangan ko siyang sundin. Pero isang bagay ang hindi ko kayang sundin. Ayaw kong mag-abogado gaya ng gusto niya pero inaral ko pa rin dahil iyon ang utos niya. Lahat ng utos niya sinusunod ko pero ang lagi niyang nakikita ay ang mga kapalpakan ko. Kaya pasekreto akong kumuha ng kursong gusto ko. I took medical. My dream is to be a doctor but I couldn't tell anyone. Magagalit si dad kapag nalaman niya. Dalawang tao lang ang may alam nu'n. Kaya sinadya kong binagsak ang exam para makamit ko ang gusto ko. Kahit nagpakahirap ako dahil nag double course ako at mahihirap pang mga kurso. Halos hindi na ako matulog makapag-aral lang ng sabay na kurso. Ginagawa ko 'to para sa gusto ko dahil kahit minsan man lang, masunod naman ang gusto ko sa buhay. Lagi na lang siya ang nagdedesisyon para sa'kin. Isang bagay lang ang sang-ayon siyang naging desisyon ko. Si Shaniah. Hindi siya tumutol noon sa relasyon namin. Naging mas pabor pa nga siya sa amin dahil sa merging ng kompanya ng pamilya ni Shaniah sa amin. Hinayaan ko 'yon dahil kahit papaano hindi siya tumutol sa aming dalawa. "Nagsayang lang ako ng pera sa'yo! Ba't hindi mo gayahin ang mga kapatid mo?! May mga narating na sila pero ikaw, wala!" Mas lalo akong napayuko. Kahit sanay na akong maikumpara sa mga kapatid ko ay hindi ko maiwasang masaktan. Hindi ba niya ako matanggap sa kung sino ako? Hindi niya ba 'yon kayang tanggapin. "Honey, calm down," alo sa kanya ni mom. "Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko?! That I have a disappointment child?!" Parang may kung anong sumuntok sa dibdib ko. Tumagos ang sakit sa puso ko. Ako ba, iniisip niya ba ang iisipin ko sa sinasabi niya? Ni minsan ba naisip niyang nasasaktan ako? Ba't laging ang mga tao pang hindi naman niya kadugo ang iniisip niya. Kahit kailan hindi niya ako kinamusta. Pagkauwi ko galing school, ang tinatanong niya lang ay kumusta ang grades ko. Kung ginalingan ko ba raw sa pag-aaral. Lagi akong nasasaktan sa tuwing iba ang tinatanong niya. Si mom, iba rin ang inaatupag niya. Ang mga kapatid ko, hindi ako dinamayan at tinuturing pa nila akong parang hindi nila kadugo. "D-Dad, I'm not really into law," sa wakas ay nakuha kong magsalita. Nakayuko pa rin ako at hindi kayang mag-angat ng tingin sa kanya. Natatakot akong salubungin ang galit niyang tingin. "At anong gusto mo?! Ang pagdodoktor?! At anong maitutulong niyan sa kompanya ko?!" Mabilis akong nag-angat ng tingin at nanlalaki ang mga mata. Paano niya nalaman? Wala akong pinagsabihan ng gusto ko maliban sa girlfriend ko at best friend. Sila ba ang nagsabi kay dad? "Akala mo hindi ko alam? Na sinabay mo ang medical sa law? At sa tingin mo hindi ko iyon malalaman?" "D-Dad—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang sampalin niya ako ng malakas. Tumilapon ang suot kong salamin sa lakas ng sampal niya. Nabasag pa iyon nang maabot ang sahig. Nakatagilid ang ulo ko at walang balak tignan siya. Namamanhid ang mukha ko sa sakit. Ilang beses na niya akong sinampal at minsan ay suntok ang natatanggap ko sa kanya sa tuwing may nagawa akong mali. Pakiramdam ko, ako ang pinakaayaw niyang anak dahil ibang-iba ang trato niya sa'kin at sa mga kapatid ko. Ang layo. Minsan nga naisip ko kung anak ba talaga nila ako. Si mom na walang ginagawa kapag sinasaktan ako ni dad at sina ate at kuya ay walang pakialam. Akala ko ba bunso ang madalas mapaburan ng magulang? Ba't sa akin hindi? Napaka unfair mundo. Kahit gano'n pa man ay kailan man ay hindi ko naisip at hiniling na sana iba ang magulang ako. Alam ko may rason ang lahat pero minsan nagiging liko ang utak ko. At anong rason? Anong rason na ganito ang buhay ko? Pero nagpalasalamat pa rin akong meron akong Shaniah. She was my first love at dahil kay Richard naging kami. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil doon. Noong una pa nga hindi ko inisip na magiging kami ni Shaniah. She was every man's dream. At kumpara sa'kin, wala akong katawang ipagmamayabang. Isa lamang akong simpleng at mahinang lalaki. Hindi gaya ni Richard na gwapo at malaki ang katawan. Marami rin siyang karansan sa mga bagay-bagay na kailan man ay hindi ko naranasan. Laking America si Richard. "Don't you talk back on me!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni dad sa buong bahay. Buti na lang at wala ang mga kapatid ko. Ang problema lang ay ang mga kasambahay na nabubulabog namin. "Honey, calm down. Bukas mo na lang kausapin ang anak mo," mahinahong sabi ni mom. "Sige na, Adler, umakyat ka na sa kwarto mo." Tinaliman ako ng tingin ni mom. Tumango ako at naglakad paalis. "Anak ko? Umayos muna 'yan bago mo makuhang tawaging anak ko," rinig ko pang sabi ni dad. "Ano ba, Antonio. Kumalma." Naging mahina ang mga boses niya habang naglalakad ako palayo. Nadaanan ko pa ang mga kasambahay na pasimple sa ginagawa nila kahit halatang nakikinig sila sa amin. "Kawawa naman si Adler." "Oo nga. Naaawa na nga ako sa batang 'yan," bulungan nila. Hindi ko iyon pinansin at diretso ang lakad sa kwarto ko. Pagkapasok sa kwarto ko ay doon ko lang nailabas ang nararamdaman ko. Lalaki ako pero hindi naman ibig sabihin nu'n hindi na ako pwedeng umiyak. Ang sakit lang kasing isiping wala akong kakampi sa bahay na 'to. Kahit si mom. Hindi niya ako sinasaktan pero hindi ko siya ramdam. Wala siyang pakialam kahit halos patayin na ako ni dad. Ang kaya lang niyang gawin ay pakalmahin si dad dahil alam niyang nakakasama kay dad ang magaliy ng husto. Hindi siya nag-alala sa akin kailan man. Napaupo ako sa sahig at sumandal sa pintuan. Binaluktot ko ang mga paa ko at yumuko at doon hinilig ang ulo ko. Kitang-kita ko kung paano maglaglagan ang mga luha ko. Lagi na lang bang ganito? Sa tuwing umuuwi ako, sigaw ni dad ang sumasalubong sa akin. Iilan lang ang araw na kalmado siya kapag umuuwi ako. Hindi na lang ako nagsasalita at sumasagot dahil sa tuwing umuuwi ako ay pagod ako. Ang dami kong ginagawa at dalawang kurso pa ang sinasabay ko. ...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.2K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook