"What's going on?" tanong ko nang makitang galit si Ley at inaawat siya ni Beam sa pagwawala.
Nasa lobby kami dahil pinatawag ako ng ibang doctor dito. Nagwawala raw si Ley.
Seryoso si Beam na inaawat si Ley habang si Ley naman ay hindi na mapigilang ilabas ang galit sa kasisigaw.
Tumingin ako sa isang doctor na kasama rin sa team ni Ley pero nag-iwas lang ito ng tingin na tila natatakot magsalita. Gano'n din ang ginawa ng ibang doctor na tinignan ko para manghingi ng paliwanag.
Napabuntong ako ng malalim na hininga. Mga walang silbi. Hindi ko na pinigilan ang sarili at lumapit sa dalawa.
Mukhang hindi ko makakausap si Ley dahil hindi maipinta ang galit na nakabalatay sa mukha niya. Medyo nahihirapan pa nga si Beam sa pag-awat sa kanya.
"Beam," I called him that he quickly turned his head to look at me. "What's going on?"
"Something happened earlier, even yesterday," seryoso nitong sagot at tinignan ako na may parang pinapahiwatig.
Tumango ako at sinenyasan siyang sa opisino ko mag-uusap. Hinila niya si Ley nang marahas at sumunod sa'kin.
Nagtitinginan na ang ibang doctor sa amin dahil sa hindi talaga pag-away ni Ley. Patuloy siyang nagpupumiglas pero hindi iyon ininda ni Beam.
Hanggang sa nakapasok na kami sa opisina ko. Bigla lang tinulak ni Beam si Ley sa couch at maangas pang inayos ang sarili.
Tumingin ako kay Ley na nakaupo na sa couch na medyo kumakalma na. Malalalim ang paghinga at mabilis iyon.
"What really happened?" sinimulan kong magtanong. Umupo ako sa sarili kong upuan at pinatong ang mga paa sa lamesa.
Kapapasok ko pa lang may nagtatakbuhan ng mga doctor sa'kin na sinasabing nagwawala ang demonyong ito.
"Two patients died yesterday and earlier," simula ni Beam.
Tumaas ang kilay ko roon. "And?" That's normal. Hindi kami Diyos para iligtas ang taong oras na niya.
He shrugged his shoulders and looked at Ley. Tumingin na rin ako sa kanya.
So he couldn't accept it. Lahat naman ng doctor naranasan ang ganyan. Some may undergo a temporary depression for losing their patient or couldn't save them.
Hindi ko pa naranasan dahil hindi pa naman ako nakakapag-opera. Hindi ko lang alam kay Beam.
"She's only ten," bulong ni Ley na narinig namin. We settled our eyes on him, we can see that he was really upset for what happened.
Ten. A ten-year-old girl didn't survive. Lumamlam ang mga mata ko. Now I understand him. She's only ten and didn't survive.
Malayo pa sana ang mararating at makakaharap niya kapag naligtas siya. Napaiwas ako ng tingin when Ley started to broke down.
Nakatukod ang siko niya sa hita niya habang sinasabunutan ang buhok. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. I've never seen him like this.
I never thought na may ganito siyang parte. Napabuntong ako ng malalim na hininga.
"She's only ten. Imagine, ten years old and I couldn't even save her. She has long years to go," naiiyak nang sabi ni Ley. Tikom ang bibig namin ni Beam at hindi alam ang sasabihin.
I never experienced this before. Hindi lang naman ang mga magulang ang naapektuhan kapag namatay ang anak nila, pati rin ang mga doctor na humawak sa kanila. Unless pera lang ang habol nila.
But Ley wasn't one of them, he's a doctor who prioritize his patients more than anything. Hindi na nga natutulog para sa mga pasyente niya. Minsan hindi na rin siya kumakain.
Tanghali lang. Tanghali lang siyang kumakain lalo na at magkakasabay kami. At least he ate right?
"Naiintindihan ka namin, Ley. All you need to do is to accept. Acceptance, Ley," si Beam ang nagsalita nang mapansin niyang wala akong balak magsalita.
I don't know what to say to comfort him and lessen what he's feeling.
"Do you think that's easy?"
"Wala akong sinabing madali," agad na sagot ni Beam.
Hindi madali ang pagtanggap. Acceptance isn't easy. It will take days, months, years.
"Do you know what's worse?" tanong niya at bakas ang sakit sa boses niya. Halos mapaos na rin siya. "Kapatid niya 'yung isa. They both have a heart disease at mas naunang nawala ang nakababata niyang kapatid. Seven, seven years old. Ang babata pa nila pero hindi ko man lang nailigtas!"
I was shock. They are siblings. Dalawa silang magkapatid at si Ley ang humawak sa kanilang dalawa. And they didn't survive.
I can feel his pain. Kung ako rin siguro iyon, hindi ko makakayanan ang sakit. They are still young.
Paano kung sarili naming anak iyon? Mas doble ang sakit. Sarili naming anak hindi namin nailigtas. Anong silbing naging doctor pa kami?
Natahimik na rin si Beam at hindi na nagsalita pa. Nakita siguro niyang wala ng rason para hindi masaktan.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Nakaupo kaming dalawa ni Beam at parehas na malalim ang iniisip. Pinatulog muna namin si Ley kanina nang magsimula na naman siyang mawalan ng pagkalma kaya tinurukan namin siya ni Beam ng pampatulog.
"Hindi ko kailan man iyon naranasan," basag ni Beam sa katahimikang bumalot sa aming dalawa ng ilang minuto.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Neither did I."
Nagtaas ng tingin sa'kin si Beam na may pagtataka sa mukha. "What do you mean? Marami kang naging failed operations tapos wala ka pang pakialam. Though they weren't kids."
Fuck. Mali na naman ang nasabi ko. Sabi ko ngang huwag kong ikonekta ang tunay na ako sa gagong may-ari ng katawang ito.
Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang mamatay sa pagtataka. Mamatay siya kakaisip. Tangina. Kung sana nag-ingat ako sa mga sinasabi ko.
"Anong balak mo?" tanong muli niya nang makitang wala akong balak sagutin ang sinabi niya kanina.
"What do you mean?" taas ang kilay kong tanong. Anong balak?
"Siguradong hindi pa makakapagtrabaho si Ley ngayon dahil sa nangyari at hindi siya pwedeng mawala sa team niya."
Napaisip ako roon. He's right. Ley needs rest.
"Replace him for now," walang pagdadalawang-isip kong sabi.
"Hindi pwede, Gifflet. May sariling team din akong hinahawakan."
Fuck. Oo nga pala. He's an orthopedic. Though he studied cardio thoracic.
Napaisip ako ng mas malalim. Kapag ako ang humawak, sino ang magtatrabaho rito sa opisina? Wala.
Kaya sino ang qualified na pwedeng pumalit muna sa kanya habang nagpapahinga siya?
Fine. Ako na lang, sawa na rin akong puro papel ang nakikita at hinahawakan ko. Nakakadepress din iyon sa totoo lang.
Pagpasok, papel ang makikita at mahahawakan, pati rin sa pag-uwi. Nakakaumay ng puro puti ang nakikita ng mga mata ko.
"I will be the one then."
Hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin si Beam. Na para bang may sinabi akong labag sa batas at sobra siyang nag-aalala sa'kin para hindi makulong.
"Gago ka ba? Huwag ka ngang magpatawa. That's not your field."
"Come on, don't you trust me?" tanong ko na ikinatahimik niya.
"Fine. Bahala ka sa buhay mo."
Busy ako sa pagchecheck ng mga papel nang makaramdam ako ng pagkaihi. Bakit pa kasi walang banyo rito?
Tanga ba sila? Ang layo-layo pa naman 'yung banyo rito. First floor, first floor iyon at nasa eleventh floor ako. Ang pinakatuktok.
Wala akong magawa kung hindi iwan ang trabaho ko at bumaba para umihi. Ayaw ko namang magkasakit.
Lumabas ako ng elevator nang tumigil na ito sa first floor. Puro bati lang ang natatanggap ko sa mga doctor na nakakasalubong ko na tinatanguan ko na lamang.
Habang naglalakad ako papuntang banyo ay may biglang nahagip ang mga mata ko. Mapatigil ako sa paglalakad para kumpirmahin ang nakita ko.
Sumama ang mukha ko nang makitang si Richard. Todo ang ngiti at todo hawak sa asawa ko.
Hindi na lang napansin na nakatagis na pala ang bagang ko. What the f**k. Don't tell me he's flirting my wife? At hindi ba niya kilala si Adrienne? Hindi niya alam na asawa ko ang nilalandi niya ngayon.
May kapal na mukha pa talagang hawakan ang braso ng asawa ko? Naglakad na ako palapit sa kanila nang makitang naiilang na si Adrienne sa mga hawak ni Richard.
Parang nandilim ang mga mata ko at siya na lamang ang nakikita ko sa aking mararamdaman. I know my wife is a goddess.
Fuck. Bakit ngayon pa? She's wearing dress that is exactly up until her knees. And it's a f*****g spaghetti strap.
Nakikita ko ang tambok ng dibdib niya at ang balat niya sa pang-itaas. Kaya gano'n na lamang siya landiin ni Richard.
Lahat na lang ata nang nakikita niyang maganda ay sinusubukan niyang landiin at kunin ang loob.
"Doctor Wilson, don't you have a work?" matigas ang pagkakabigkas ko at bura lahat ng emosyon sa mukha ko. I looked straight at him, deadly. I grabbed Adrienne's waist at dinikit siya sa katawan ko. Mahigpit ang hawak ko sa baywang niya dahil naiinis din ako sa kanya.
Kita kong napatingin si Richard sa baywang ni Adrienne kung saan 'yung braso kong nakapulupot. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka.
"A-ah. Gifflet, nakikipagkilala lang siya sa'kin," Adrienne tried to explain but I don't care if her voice is so soft and tempting. I'm pissed and only a thing can remove it. Hindi ko pinansin si Adrienne kahit hinaplos pa niya ang dibdib ko.
"Napadaan lang po ako, Doc at nakita ko siya kaya nilapitan ko dahil mukhang mag-isa," ilang niyang paliwanag pero malinaw sa mukha niyang nagtataka siya.
"But that wasn't I saw, Doctor Richard. Are you flirting with my wife?" walang buhay kong tanong sa kanya.
Ang mukha niya ay biglang namutla at parang nanghina ang buong katawan. Nanghihina siyang tumingin kay Adrienne na ngumiti lang sa kanya ng pilit.
Binalik niya ang tingin sa akin. "I'm sorry, Doc. I don't know that she's your wife."
I gritted my teeth. This f*****g s**t. "Go back to work unless you want me to fire you from this hospital. Kahit pa tatay mo ang isa sa mga directors dito, kayang-kaya pa rin kitang patalsikin."
"You can't do that. You need my father," salungat niya. Kung makatatay siya parang ama niya talaga, a.
"What would that five percent could do against the fifty?" Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatalo niya ng tuluyan. Ramdam kong hinawakan ni Adrienne ang braso ko para patigilin pero hindi ko pa rin siya pinansin.
Yumuko si Richard before saying something. "I'm sorry, Doc. I should go now."
Then he walked away without looking one of us. Nang makaalis na siya ay saka ko hinila sa baywang si Adrienne na ikinadaing niya sa pagkabigla.
"G-Gifflet..." tawag niya sa'kin.
"I'm pissed, Adrienne," sabi ko sa totoong mararamdaman ko ngayon. Pati ihi ko umurong na pero pumunta pa rin kami sa banyo.
Ayaw kong bumaba na naman mamaya. Marahas kong binuksan ang pintuan ng banyo ng mga lalaki at hindi muna tuluyang pumasok. I checked the whole comfort room to see kung may tao ba sa loob.
Nang makitang wala ay pumasok ako sa loob at pati si Adrienne sinama ko. I closed the door and locked it.
"G-Gifflet, this is men's comfort room," mahina niyang paalala na parang nag-iingat sa sinasabi. Alam ko at wala akong pakialam.
I looked at her, deadly. Nakita ko ang takot sa mga mata niya kaya biglang nalusaw ang nararamdaman kong inis at galit.
My expression softened. I wrapped both of my hands on her neck but not to choke her, para mahawakan ko siya at mapanatiling sa'kin siya nakatingin.
"Look, I'm sorry, okay? Naiinis lang ako." Hindi ko kayang nakikita siyang gano'n ang tingin sa'kin. 'Yung takot na takot siya.
Napapikit ako at hinalikan ang noo niya bago sinubsob ang mukha niya sa dibdib ko. And there I felt her cried.
Fuck. What have I done? "Shhh. Don't cry, I won't hurt you, wife. I'm just pissed."
Mas lalo akong nawala sa katinuan nang humagulhol siya. Tangina. Hindi ko kaya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at sinubsob lalo ang mukha sa dibdib ko at doon umiyak. Ang isang braso ko ay pinulupot ko sa baywang niya habang ang isang kamay ko ay nasa likod ng ulo niya, nakaalalay.
"Y-You're pissed because of me..." mahina ang pagkakasabi niya.
"No, no. Naiinis lang ako dahil grabi ka kung hawakan ng gagong iyon. Naiinis ako dahil ang inosente at bait mo. I don't want that, Adrienne."
"H-He's just being nice..." mahina ulit niyang usal at mas sinubsob ang mukha sa dibdib ko.
Napapikit ako ng mariin. f**k. That Richard! He really flirted my wife. Ano 'yon? Naagaw na niya si Shanaiah isusunod niya na ngayon ang babaeng akin?