He looked at me weirdly. Nang binalingan ko ulit siya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. "Let's go, Doc."
Sinundan ko siya at pumasok na kami ng ospital. Pagkapasok namin at lahat ng nakakasalubong naming mga kapwa doctor ay binabati ako. They are greeting me good morning and then smile. I did the same kahit nangalay na ang labi ko kangingiti.
Titignan na lang nila ako ng hindi makapaniwala at lalagpasan na namin sila. "Mukhang good mood ka nga, Sir a," said Doctor Viray.
"Of course. Magising ba naman akong katabi ang asawa ko," masaya kong tugon sa kanya. Isa na rin 'yan sa dahilan pero ang pinakadahilan talaga ay ang halikan namin kanina. Those soft lips. Thinking of it makes me want to go to her and ask another kiss.
Ilang siyang natawa at ramdam kong naninibago siya sa'kin. Pasensya na. Hindi ko magawa ang basurang ugali ng boss niyo. Hindi ko lang kasi maatim gawin din ang ginagawa niya. Gaya rin siya ng pamilya ko noon.
And I won't do the same just because I came from that kind of family. Ayaw kong may makaranas sa mga bagay na naranasan ko. 'Yung sinasaktan ako ng sarili kong pamilya. Like how he treats his wife. I couldn't take it.
Dinala niya ako sa operating room at gulat ako nang may pamilyang naghihintay sa waiting room. Hindi pa lang kami tuluyang nakakapasok ng operation room.
"Doc, iligtas niyo po ang anak ko," umiiyak na pakiusap ng isang babae. Natatitig ako sa kanya.
"Gagawin ko po lahat ng makakaya ko."
May lalaking umaalo sa kanya and I think he's her son. "Salamat po, doc. Iligtas niyo po ang kapatid ko, a."
"Gagawin ko po."
"Tara na, doc." Sumunod na ako kay Dr. Viray pagkatapos. Gaano ba kadelikado ang sitwasyon ng pasyente?
Shit. Ngayong iniisip ko na. A life was depended on me. Paano kung nagkamali ako? Wala pa akong kahit na anong karanasan kahit training man lang. Napasapo na lang ako ng noo. Kakayanin ko 'to.
"Are you my partner on this operation?" tanong ko.
Humarap siya sa'kin. I can feel his confusion. "I am always your partner in all your operation, Doc."
Wrong move. Pero ayos lang. Wala akong patutunguhan kapag hindi ako nagtanong.
Bago kami tuluyang pumasok sa operating room ay napatigil siya. Narinig ko siyang nagmura. "I'm sorry, Doc. I forgot. Five minutes, Doc. I'll get your things."
Bago ako makasagot ay tumakbo na siya ng mabilis. Ngayon ko lang napansin. I am still wearing my clothes. This is inappropriate in an operation room. Pati sa kanya. He still wearing his gown.
Nang dumating siya at inaayos pa lang niya ang scrubs niya. Even his gloves. Nagkahulog-hulog na ang hawak niya. Dali-dali niya iyon pinulot at lumapit sa'kin.
"I'm sorry, Doc. Nahulog," hindi ko na pinansin ang sinabi niya at kinuha ang hawak niyang scrubs. Wala akong pagdadalawang isip na sinuot iyon. I removed my shirt as well as my jeans to wear the scrubs.
Natapos ko iyon ng nagmamadali. He said the patient is already waiting. Kanina pa. He's fixing his surgical mask while I'm fixing mine too. I must admit, it suits him the scrubs. Ang inayos naman na niya ay ang bouffant surgical cap niya. I did the too.
"It suits you," hindi ko mapigilang sabihin.
"Huh?" taka niyang tanong. Nakikita ko sa kanyang nahihirapan siya. The body's owner must be making things hard for him, huh. I can see his hardship.
Ngumiti lang ako sa kanya na ikinatigil niya. "Let's go. You can lead the way."
Pinakatitigan niya ako bago dalhin sa operating room. Two nurses were already waiting inside too. Napatingin silang dalawa sa amin. Nakahanda na ang pasyente.
Napatayo ng tuwid ang dalawang nurse. "You're already here, Doc," the other nurse mumble.
I nodded at her. "Can I see the patient's information." Agad namang inabot sa'kin ng isang nurse ang copy.
Kailangan kong makita kung akong ooperahan sa pasyente. Wala akong alam kahit na ano at kailangan ko ng impormasyon.
Binasa ko ang impormasyon ng pasyente. Stage 1 uterus tumor. That is easy to cure. Buti at dinala agad nila rito. If it's stage 2, there's only around 77% of the patient to live and at least 5 more years. At mas malala pa kapag nasa 3 and 4.
Binalik ko ang papel sa nurse bago bumaling kay Doctor Viray na naghihintay sa susunod na gagawin. "Doctor Viray, how are you in operation?"
"Pardon, doc?"
"Can you do it alone?" muling tanong ko. Alam kong hindi lang iisang doctor ang nag-oopera sa bawat operasyon. May katulong din itong at least one doctor.
Nagdadalawang ang isip niya at parang alam na ang balak kong gawin. Umiling siya. "But doc, don't tell me you will let me handle it?"
"You're right. Can you?"
Tumitig siya at gaya ng dalawang nurse at hindi rin makapaniwalang nakatingin sa'kin. "But doc, walang iisang doctor ang nag-oopera."
"He can do it if he was qualified enough to operate without the help of another doctor," sagot ko sa nurse na nagsalita.
It can be risky dahil delikado rin ang ooperahan. It's a uterine fibroids. But if this two nurses was intelligent enough, they can do it.
"Alright. Operate her and I'm expecting for a success operation." Umangal silang tatlo.
"Imposible 'yan, doc," si Dr. Viray.
"Bago 'yan, doc a. Hindi mo naman hinahayaan ang mga ganito at wala kang tiwala sa amin."
Napatigil ako sa sinabi ng isang nurse. "I'll this with you three. Kaya ng isang doctor gawin ang operasyon kapag magaling ito pati ang mga kasama niya."
"'Yon na nga, doc e. Hindi ako magaling," Dr. Viray complained.
"Do it." Tumingin ako sa relong gamit ko. "This will do after three hours. I'll hand this to you."
Wala na ako seremonyang tumalikod.
"But Doc—" rinig ko ang angalan nila pero hindi ko na sila pinansin.
Bago tuluyang umalis ng operating room ay humarap ako sa kanila. "Tanggal kayong lahat sa trabaho kapag hindi naoperahan ang pasyente."
With that, I turned my back and got out of the room. Wala naman talaga akong pakialam kung magiging successfull ba ang operasyon. Bahala sila diyan. At least I'm not at fault kung sakali.
Nang lumabas ako ng tuluyan doon ay may pintuan pa ako lalabasan bago makaalis. It's for safety siguro. May mga kapamilya kasi ng mga pasyente ba hindi napipigilan.
Paglabas ko at bumunga sa'kin ang ina at kapatid ng pasyente. It's not that serious you know. Akala mo naman tumor sa utak 'yung sakit.
Mabilis silang lumapit sa akin. The mother was still crying.
"Doc, kumusta ang anak ko?" Tahimik lang ang anak na lalaki pero nagmamasid.
"The operation was not yet started. Everything was on Dr. Viray. The operation will end after three hours. Excuse me."
Hindi ko na sila pinansin at umalis sa harap nila. s**t. I'm planning to go where the body's owner office but where? Hindi man lang ako nagtanong kay Dr. Viray kanina lang.
Naglakad-lakad ako hanggang sa may isang doctor na lumabas mula sa isang kwarto.
"Hey, doc," tawag ko. Humarap siya at bahagyang nagulat.
"Doc! Good morning!" taranta niyang bati. "What can I do for you, doc?" medyo may kaba niyang tanong.
"Pakihatid ako sa office ko," diretso kong usal.
Tinuro niya ang sarili niya bago nagsalita. "Ako, doc? Ba't ako?"
Pinakatitigan ko siya. Medyo nainis ako sa tanong niya. Bakit hindi siya. Tingin ko ay mga nasa edad ko rin siya. Napatingin ako sa gown niya at nakita ang nakatatak doong Cardiologist. I was amazed. He's a cardiologist, huh.
"Why not you? And a cardiologist, huh." Ngumisi ako sa kanya. "Come on, ihatid mo ako."
"Pero Doc, wala ka namang dala. Mga damit mo lang naman na kayang-kaya mong buhatin at hindi ka naman pilay. Nababakla ka na ba, doc at sa rami ng doctor diyan ay ako pa talaga ang hiningan mo ng tulong. Alam ko namang gwapo ako pero hindi naman ako pumapatol sa kapwa ko lalaki."
Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Nagpapahatid lang ako pero ang dami na niyang sinabi. May itsura naman siya at hindi ko maipagkakailang gwapo siya pero tangina. Saan niya nakuha ang mga pinagsasabi niya?
"Nagpapahatid lang ako sa'yo tapos ang dami mo ng sinabi, a. Alam mo, isang salita ko lang tanggal ka na sa trabaho mo."
That's true but I won't do that. I'm not that low to fire him just because what he said.
"Joke lang, doc. Ikaw naman. Ayaw ko nang makiagaw sa kakarampot na oras para sa asawa't kabit mo."
Sinamaan ko siya ng tingin. The f**k that mistress. At alam talaga ng buong ospital na may kabit ang lalaking 'yon?
"You know what, I won't think twice to stab you if I were holding a knife."
Tumawa siya ng pilit. "Ikaw naman, doc. Alam ko namang gwapo ka pero iniisip ko, ba't kumabit ka pa? Ang ganda ng asawa mo."
"Isa pang salita mo papatayin na kita."
...