Chapter 24 Justin’s POV “Justin, I have good and bad news. Which one do you want to hear first?” Ito ang bungad ni Ate Max nang sagutin ko ang tawag niya. Mas nauna pa siya sa alarm ko kaya medyo hindi ko pa maimulat ng husto ang mga mata ko. Kung ano man ang sasabihin niya, mukhang patungkol ito sa issue na kinasasangkutan ko ngayon. “Kahit ano...,” I could even hear the hoarseness of my voice. “Okay since you want to cut to the chase, I want you to know na walang video kung paano ka nagkaroon ng ganuong pictures sa Ivory Bar. Nagmilagro dahil nasira raw bigla ‘yung CCTV sa may second floor,” Napabangon ako sa kanyang sinabi. I silently cursed. Planado talaga ang nangyari. I have no idea what’s going on in the outside world right now because my sister told me not to check on anyt

