Chapter 79 Allison's POV Noong nalaman kong may malala akong sakit, natakot ako. Buong akala ko’y ulcer lang ito pero dahil sa pagpapabaya ko ay umabot ito sa puntong hindi na lang gagaling sa pamamagitan ng pag inom ng gamot at pagkain ng tama. Alam kong huli na ang lahat. After series of tests, the doctor said I have stage 3 gastric cancer. I can undergo chemotheraphy but it won’t guarantee my survival. Mahirap para sa akin malaman na bilang na lang ang mga araw ko. Nang malaman ko ito, mas lalong lumala ang pakiramdam ko. Siguro nga nagbabayad na ako ngayon para sa mga kasalanang nagawa ko. Pagkatapos ng premiere night, umuwi agad ako sa bahay para makapagpahinga. Sinermonan ako ni Kuya Mark nang makitang halos gumapang na ako papunta sa kwarto ko. Kaya naman hindi na niya ako

