Chapter 80 Justin's POV Akala ko noong mawala ang nanay ko, iyon na ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa akin. Pero sa nalaman kong sakit ni Allison, nalaman kong may mas sasakit pa pala rito. She’s still young to suffer this much. Noong una’y nagalit ako sa Diyos dahil sa nangyayari sa akin at sa mga mahal ko sa buhay pero pinagsisihan ko rin pagkatapos ang galit na naramdaman ko. Pilit kong inisip na may dahilan ang lahat. And all I can do right now is to love Allison with every piece of me even if it hurts. “Which one do you like?” tanong ko kay Allison pagkatapos kong ipila sa harapan niya ang mga wig na nabili ko. Inutusan niya kasi akong bumili nito para sa kanya dahil sa ayaw niyang humarap sa mga tao na wala siyang buhok. Kahit na hindi pa man nagsisimulang malagas ang

