Chapter 31 Allison’s POV Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko ngayong kasama ko si Justin. Bakit ba pati sarili ko ay nagagawa kong lokohin? Pinuntahan ko siya hindi para isauli ang jacket niya. I know it’s a very lame excuse. Ginamit ko lang ito para magkaroon ng dahilan para puntahan siya - so that I wouldn’t feel guilty about wanting to see him. Kung bakit ako nagkakaganito ngayon ay hindi ko rin alam. Dahil ba kapag kasama ko si Justin, pakiramdam ko hindi ako nagiisa? Noong una naging mahirap sa akin makasama siya dahil kailangan kong magpanggap. Kaya lang unti-unti kong inalis ang maskara ko nang hindi niya nalalaman. At sa pagdaan ng panahon na nakakasama ko siya, alam kong hindi na si Kim ang kaharap niya kung hindi ako bilang si Allison. Masakit sa akin na nakikita siy

