Chapter 1

1980 Words
Allison’s POV “Are you okay babe?” tanong ko kay Anthony sa kabilang linya nang marinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Ramdam ko ‘yung pagod niya kahit hindi niya sabihin. Sobrang tipid niyang magsalita and he’s not usually like this. Nagsimula na ang taping nila para sa kanyang bagong afternoon drama. Iniisip ko kung pagod lang ba siya dahil dito o may iba pang dahilan kaya siya ganito ngayon. Gusto ko pa naman sana siyang i-congratulate dahil akala ko masaya ang magiging bungad niya sa phone dahil sa bago niyang project. Alam ko matagal niya rin itong hinintay. Pero mukhang wala siya sa mood. I’m not the type of girlfriend who overthinks and fight over petty things. Gusto ko lang malaman kung anong problema niya dahil baka makatulong ako kahit papaano. “Wala babe. Pagod lang ako.” “Do you want me to come over?” I was hoping he’d say yes – like usual. “Hindi na kailangan. Ayos lang ako. Ipapahinga ko lang ‘to.” “Okay babe. Rest well. I love you.” And the call ended. Napatingin ako sa screen ng phone ko at nakitang wala pang 5 minutes ang paguusap namin. Malayong-malayo ito sa tatlo hanggang apat na oras na paguusap namin lagi noong nagsisimula pa lang kami. “Alli bumaba ka na, kumain na tayo!” narinig ko si Kuya Mark kaya naman bumaba na rin ako para saluhan siya sa pagkain ng hapunan. Ayaw ko nang mag-isip pa dahil baka saan lang ako dalhin nito. Tahimik akong naupo sa lamesa habang inaayos ni Kuya Mark ang binili niyang buttered chicken. Wala na rin kasi kaming oras para magluto dahil pareho kaming busy sa pagma-manage ng family business dito sa Pinas. I even have my own freelance jobs on Saturdays and Sundays kaya hindi ko alam kung saan ko pa maisisingit ang mga gawaing bahay. Mahirap rin kasing kumuha ng kasambahay. Kaming dalawa lang ni Kuya Mark ang magkasama rito sa Pilipinas dahil ang buong pamilya namin nasa Amerika. Lima kaming magkakapatid. Si Kuya Mark ang panganay at ako naman ang bunso. Ang pamilya Fernandez ay kilala sa paggawa ng kape hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Humahango pa kami ng mga ingredients sa Amerika. This is our family business that’s being carried over for generations. Pero wala lang siguro talaga rito ang puso ko kaya ang dami kong hindi sinunod sa gusto ng pamilya ko. “Is there a problem with Anthony again?” Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay nakaupo na sa harapan ko. Natulala pala ako nang hindi ko napapansin at nagiintay siyang magsimula ako sa pagkain. “Kaya nga sabi ko sa ‘yo noon pa lang makipag-break ka na sa kanya. Ayan pinatagal mo pa.” “No kuya, naalala ko lang sina mama at papa,” I replied. Natawa na lang ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi niyang hindi siya naniniwala sa akin. Paano ba naman kasi ay saksi siya noon sa pag-iyak ko gabi-gabi dahil kay Anthony. Sa loob ng tatlong taong relasyon namin ni Anthony, ilang beses ko na siyang iniyakan. Siguro dahil mahal na mahal ko siya. Siya kasi ang first love ko. Kuya Mark already warned me about his teammates but I didn’t listen and fell in love with Anthony. Naging crush ko siya ng mahigit sa apat na taon kaya sobrang saya ko nang siya na mismo ang gumawa ng paraan para magkalapit kami noong nasa America pa ako. Isa si Anthony sa mga rason kung bakit ako bumalik ng Pilipinas pagkatapos ko magkolehiyo sa Amerika. Bukod pa ito sa hilig ko sa photography. Parehong hindi pinapaburan ng pamilya ko si Anthony at ang pagiging photographer ko. Ayaw nila kay Anthony dahil wala itong stable na trabaho. Ang pagiging artista raw kasi ay maaring mawalang parang bula. Magulo rin ang showbiz at ayaw nilang pumasok ako sa mundong ito. Ayaw din nila sa pagiging photographer ko dahil sa mas mahalaga para sa kanila ang pagtulong ko sa business ng pamilya. Ito raw kasi ang pang long-term career para sa akin. Para pumayag sila sa pagbalik ko sa Pilipinas, kinailangan kong maging manager ng branch namin dito sa Manila. Kailangan ko ring tumira kasama si Kuya Mark. Pumayag naman ako sa kanilang kundisyon. What they want for me is a Fernandez life. They even want me to finish Business Management like them and the rest of my relatives. Pero hindi ako sumunod sa kagustuhan nila. I have my own dreams to follow and coffee is not one of them. Pagkatapos naming maghapunan ni Kuya ay agad akong bumalik sa kwarto ko. I saw messages from Sav at natawa naman ako. Kahit may asawa na, hindi pa rin talaga nagbabago ang bestfriend ko. Nag-ring ang phone ko nang ma-seen ko ang sunod-sunod niyang chat. I accepted her video call and saw her in her underwear! “Alli alam mo ba kung – s**t!” Nagulat ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko lalo na sa pagmumura ni Kuya Mark. Natawa na lang ako dahil nakita niyang naka-underwear sa phone ko si Sav kaya tuloy binabaan ako ni Sav at itong si Kuya malakas na sinarado ang pinto. That’s why I told him the importance of knocking! Parang kailan lang nung super crush ni Sav si Kuya Mark. Sigurado akong clueless pa rin si Kuya rito hanggang ngayon dahil ganuon siya kamanhid. He’s actually too busy to fall in love. Hanga nga ako kay kuya dahil sobrang career-oriented niya. Sabagay ay siya ang nakatakdang magmana ng business namin. Wala nga akong makitang mali sa pagkatao niya. Probably he’s the ideal man of every woman out there. Ako na ang tumawag kay Sav at medyo natagalan bago niya sinagot ‘yung video call ko. Pagtawa ang naging bungad ko sa kanya. Nakita kong nakabihis na siya kaya mas natawa ako. “Wow ang funny nun beh,” she sarcastically said while rolling her eyes and I couldn’t help but laugh at her even more. Pulang-pula kasi ang kanyang mukha ngayon kaya ang sarap niyang asarin. “Sorry na Sav! Anyway, ayun nga. As I was saying sa chat, I can be your photographer at a discounted price like before,” nag-usap na kami tungkol sa trabaho. Si Savannah ang may-ari ng SF Company, publishing company kung saan ginagawa ang Sweet Fashion Magazine. Nakukuha lamang akong photographer tuwing Saturday at Sunday. Minsan kapag kailangan talaga ako, takas muna sa coffee shop. Maaasahan ko naman si Cindy, assistant manager ng branch namin sa Manila. Ako kasi ang kinukuha ni Sav kapag importanteng tao ang pipicturan gaya na lang ngayon. Pero pa-suspense siya lagi at ayaw niyang sabihin kung sino ang subject niya. She loves seeing me flustered. “Okay see you this Sunday beh! Salamat!” sabi nito bago natapos ang tawag. Dahil hindi pa ako makatulog, nag-browse muna ako online. May isang video lang ako na-click at nagtuloy-tuloy na ang panunuod ko ng kung anu-ano. Nakita kong muli ang teaser ng bagong palabas ni Anthony. Siya ang lead role at romantic comedy ang genre nito. Natatawa pa rin ako sa tuwing napapanuod ko ito kahit ilang ulit na. He had several projects before. Bukod sa pelikula at drama, marami rin siyang endorsements. Nasa tabi niya ako habang nangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Proud na proud ako sa kung ano mang narating niya dahil alam kong deserve niya ‘to. He’s a very hardworking person. Kung kaya ko lang ibigay ang buong mundo sa kanya ay ginawa ko na. That’s how much I love him. But our relationship is a secret to the public. Si Kuya Mark lang ang may alam ng relasyon namin at ang buong pamilya ko. Hindi ko gustong makasira ako sa career niya lalo na at kailangang niyang maiparehas sa iba’t ibang babae. Being in love teams can help his career so much and I wouldn’t stole that opportunity from him. Sunod na na-play kong video ay isa pang teaser. Kung tama ako ng pagkakaalala, ito ‘yung palabas sa kabilang channel. Kasabay ito ng kay Anthony. I got curious and so I watched it. It’s a family drama that speaks about life and love. Hindi pa man ay naluluha na ako dahil sa hirap na pagdadaanan ng bidang lalaki. Mukhang maganda rin ang palabas na ito. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit kahit may bagong project si Anthony ay hindi siya okay? Baka nape-pressure siya? I tried researching about this drama from another TV network and saw the names of cast. Justin Kyler Dominguez ang pangalan ng bidang lalaki. Nang tingnan ko ang kanyang profile, nalaman kong ito pala ang una niyang project at lead role agad siya. Kaya pala pamilyar ako sa kanya dahil sa marami siyang endorsements. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit madali niyang nakuha ang project na ‘to. O baka naman may koneksyon siya sa loob. He has the Asian looks and body just like Anthony. Pero mas matangkad si Justin kaya bagay magmodelo kung hindi siya artista ngayon. Tumatak sa akin ang makapal niyang kilay at medyo kulot na buhok dahil bagay sa pagiging pangahan niya. Hindi naman sila sisikat kung wala silang star factor pareho. Pero kung ako si Anthoy ay mate-threaten din talaga ko dahil sa mabilis na pagsikat ni Justin. Maybe he’s worried about it? Ito na ako at nagsisimulang mag overthink. Minsan tuloy pakiramdam ko ako ang manager ng boyfriend ko. Biglang nag-chat si Sav sa akin. Akala ko tulog na siya kanina pa. SAVANNAH: Do you think a woman can change a man? Bakit naman kaya ito natanong ng kaibigan ko? Napaisip tuloy ako. If it’s like Anthony, an actor, it would be quite hard. Lalo na at alam ng mga artista kung ano ang dapat at hindi dapat nilang gawin. Being publicly involved with a woman is not part of their to-do-list. That’s actually a suicide to their career. ALLISON: If the man loves the woman, I think she can change him. Why? SAVANNAH: Wala lang beh. Random question. Haha. One more question. naniniwala ka bang kayang magpakatanga ng isang tao dahil sa love? ALLISON: Is this for real or just a survey for one of your articles? Loka ka. Anong meron? May prob ba kayo ng hubby mo? SAVANNAH: Sagot ka na lang beh dami mong hanash! Hahaha ALLISON: Well hindi ko alam kung pagiging tanga ‘yung tamang term eh. Pero pag mahal mo kasi ang isang tao, mas pinapagana mo ‘yung puso mo imbes na isip. Kaya kahit gaano ka pa katalino, you’re willing to cross burning bridges for the person you love. Kaya siguro naiisip ng marami na pagpapakatanga ‘yun. SAVANNAH: Okay beh sige. Salamuch! Hahaha. Weird. Pero hinayaan ko na lang na matapos ang convo namin tungkol dito. Napaisip din tuloy ako. Falling in love involves the word falling – anything that falls could be broken if not properly caught. Napatingin ako sa picture frame na nasa ibabaw ng drawer ko. It’s Anthony’s photo that I took when we were in high school. And he looks even more striking today. Agad nagbalik sa isip ko ang napakaraming alaala… Kung noon ay napakarami nang babae ang nagkakandarapa sa kanya, lalo na ngayong halos araw-araw siyang lumalabas sa TV. Humiga ako sa kama at inakap ang aking sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit may lungkot sa loob ko these past few days. Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko ito kaagad bago tuluyang makatulog. From: Anthony Babe, can you do me a favor?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD