Chapter 2

2286 Words
Justin’s POV “CUT! Good job Justin!” I could see the satisfaction in the face of our director because we finished the taping earlier than expected. Kailangan ko rin kasing dumiretso sa guesting na na-book ni Ate Max para sa akin. Minsan naiisip kong mas siya pa ang manager ko kaysa kay Charles dahil sobrang hands on ng kapatid ko sa career ko. Nagsimula nang magpack-up ang mga tao at dumiretso naman ako sa dressing room ko. Tinulungan ako ni Hanna sa pagliligpit at pagbitbit ng gamit ko. “Ako na rito-” “Hindi, ako na po,” Hanna couldn’t look at me in the eyes. Lagi lang siya nakayuko o ‘di kaya sa ibang direksyon nakatingin. I’m used to girls being like this but this shouldn’t be the case with her. Lalo na at personal assistant ko siya. Kinuha ni Hanna sa akin ang dapat sana’y bibitbitin ko. Hinayaan ko na lang dahil mapilit siya. Kaka-assign lang sa kanya ni Charles bilang PA ko kaya siguro ganito at mahiyain pa. Sa tuwing kinakausap ko kasi siya ay halos mangamatis na ang kanyang mukha. Wala pa siyang isang linggo dahil hindi ko naman talaga sana gustong magkaroon ng PA. Mapilit lang talaga ang ate ko. Habang abala ako sa pagpapalit ng damit, pinagintay ko muna si Hanna sa labas ng kwarto. “Hanna ano bang ginagawa mo’t nakaganyan ka dyan?” Nagtaka ako sa sinabi ni Charles at napatingin sa nakaawang na pinto. Napabuntong hininga ako. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas. Sumunod na rin sila sa akin.   It wasn’t a long drive going to our next location. Magaling talaga si Manong John magmaneho dahil nakaiwas kami sa traffic. First guesting ko sa “Showbiz Stars” at gusto kong maging maayos ito. Dito ay sabay na ini-interview ang mga artista mula sa iba’t ibang TV networks para mas kilalanin. Aside sa host. sa dulong parte ay binibigyan nila ng pagkakataon ang isa galing sa audience para magtanong sa mga artista. Syempre ay parte rin ng guesting ko ang pagpromote ng mga projects ko. Sa parking lot, nakita kong may mga security nang nakaabang sa amin. Unang bumaba si Charles kasunod ni Hanna. Huli akong bumaba at gaya ng inaasahan ay bumungad sa akin ang tili ng mga fans na masipag na nagaabang sa akin palagi. Nakaharang naman ang mga security kaya hindi ko na sila nagawa pang makamayan lahat. I just waved and smiled at them. Excited na akong mas makasama pa sila dahil malapit na ang kauna-unahang FanCon ko. To be honest, I didn’t know it’s possible to be famous in an instant. Pero nangyari ito sa akin kaya naman malaki ang pasasalamat ko. Bonus na lang ito dahil gusto ko ang ginagawa ko. Receiving these blessings are really unexpected and I’m not going to waste them. Pagkarating namin sa loob ng studio, maging ang mga staff ay nagaabang sa akin. Abot tainga ang ngiti nila. “Hi Justin! I’m Jessica, I’ll be your host for Showbiz Stars!” A woman in all white, probably on her late 20s, introduced herself to us. Nakipagbeso siya sa akin at sa manager ko. “Charles Santos, manager ni Justin.” “Oh hi Charles! We’ll lead you to your holding area. Then usap muna tayo Charles after,” She added. Gaya ng sabi niya, nagpunta na kami sa magiging holding area namin. Bago pa man buksan ang pinto, nakita ko na kung sino ang makakasama ko dahil sa nakadikit na papel sa labas ng pinto. Justin Kyler Dominguez Anthony Cristobal Kilala ko si Anthony dahil sikat na sikat siyang artista sa kabilang network. A lot of good articles came out about him even when I was staying abroad. Hanga ako sa dedikasyon niya sa trabaho. Kaya kung minsan ay nakakainis ang pagkukumpara sa amin. Kahit pareho lang kami ng edad, mas nauna naman siya sa industriyang ito kaya hindi kami dapat kinukumpara ng mga tao. Three years in the entertainment industry is a big deal. Lalo na nakaiwas siya sa mga issue at nagawa niyang manatiling sikat kahit na kung tutuusin ay napakahirap nito. Pagkapasok, nakita ko ang ibang staff at nandito na rin si Anthony na kasalukuyang inaayusan. “Hello,” simpleng bati ko sa lahat bago naupo sa bakanteng upuan kaharap ng salamin. Inilabas ko ang phone ko at tahimik na nagbrowse online. Si Charles naman ay sumama kay Jessica para makipagusap. Nakita ko namang patapos na ang inhouse hair and make-up artist sa pagaayos kay Anthony kaya agad din silang lumapit sa akin. Sa peripheral vision ko ay kita ko na mataman akong tinitingnan ni Anthony. Ano bang problema niya? “Anong sikreto ng bigla mong pagsikat? Para kang pigsang sumulpot na lang bigla,” He said. What a comparison. Hindi ko siya sinagot at pumikit na lang para malagyan ng make-up. We’re not even close for him to talk to me this way. Mukhang gusto pa niyang makipagaway. Narinig kong bumukas ang pinto kaya hindi na siya nakapagsalita pa. “Kapag ready na kayo, pwede na kayong lumabas. We’ll start in 5 minutes.” Tumayo na si Anthony at naglakad palabas.   ***   I sat on the blue couch beside Anthony. Nakita ko ang mga fans ko sa isang area ng bleachers na may hawak na mga banners at posters. ‘Yung iba may LED lights pa para sa initials ng pangalan ko J.K.D. Nakakatuwa at nag-effort pa talaga sila. They’re not getting anything out of this I know but they’re doing this for me that’s why I’m really thankful. Syempre ay marami ring fans si Anthony at gaya ng mga fans ko, may mga dala rin silang gamit pang suporta. Narinig ko ang pagbilang ng director ng show bago umilaw ang paligid at umusok sa harapan bilang opening. We were briefed that this episode is happening live – hindi lang sa TV kung hindi pati online. “What a great afternoon everyone! Ready na ba kayong makilala ang bisita nating mas magpapainit ng hapon niyo?! Ngayon pa lang pinagpapawisan na ako!” Nagsigawan ang mga fans at hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil dito. “Hindi ko na nga papatagalin at mukhang hindi na kayo makapaghintay! Coming from different TV networks, we were given this rare opportunity to interview them together. Pinapainit nila ang hapon natin ngayon dahil sa pareho nilang palabas! Kasama natin sa studio si Anthony Cristobal and Justin Kyler Dominguez!” And the crowd went wild. Panay palakpakan, tili at sigaw ang narinig sa studio kaya may staff na nagpatahimik na sa mga fans. I still smiled at them for being so supportive. “Hello po sa inyong lahat!” bati ni Anthony. “Hi guys!” I managed to speak as well while having eye contact to my fans. “To start, I wanna ask both of you with the same question since ito talaga ang number one question ng marami, didiretsuhin ko na ah! May girlfriend na ba kayo?” Agad nag-ingay ang mga fans. Natawa naman ako dahil dito. Ito talaga ang laging tanong ng mga tao. May mga nagme-message pa nga sa akin online. Is it really a big deal for actors if they have a girlfriend or not? “I never had a girlfriend because I know my priorities. Right now, I want to focus on my fans. I love you guys,” I answered. “I LOVE YOU MORE!” sigaw nung isang fan ko pabalik at tumawa na lang kami ni Jessica. “Sa edad na 24 sure kang ‘di ka pa nagkaka-girlfriend? Tuwang-tuwa tuloy ‘tong mga fans mo lalo! Ano bang pinagkakaabalahan mo bago ka nagartista? Since you’re only one year in the industry,” Jessica asked as a follow up question. “I actually worked as a model in the States while working as a manager in a coffee shop,” sagot ko naman. “Wow may model s***h manager s***h artista pala tayo rito ngayon! Ikaw naman Anthony? For sure marami ka nang pinaiyak na babae!” “Hindi ako magmamalinis sa inyo. Syempre naman may mga naka-fling na ako noon. Lalaki lang syempre natutukso. Pero ngayon wala akong girlfriend. Open for public!” At ang mga fans naman niya ang nagsigawan. “Nakailang girlfriend ka na ba?” tanong ni Jessica. Natahimik si Anthony at nagbilang sa daliri. Medyo natagalan kaya nagsalitang muli si Jessica “Grabe siya! Hindi na mabilang sa kamay!” Nagtawanan na lang sila. “We’ll ask more question when Showbiz Stars return!” sabi ni Jessica at nag-commercial break muna. Jessica stood up and went to the audience area. Hindi ko alam para saan pero tumigil siya sa harapan ng isang babaeng panay ang tili. May hawak siyang printed photo ko at panay ang taas niya nito bago pa magsimula ang show. She’s wearing blue shirt and white pants. She looks so simple with her loose hair. Nakakatuwa siya kaya kahit nakasalamin, maraming pimples at sira ang ilang ngipin niya ay agaw pansin siya. She actually has a unique character. Interesting. The show resumed after a couple of minutes. “And we’re back! Okay sige, ikaw naman ang mauna ngayon Anthony. Anong masasabi mo sa usap-usapang may tensyon sa pagitan ninyo ni Justin dahil pareho na kayong sikat ngayon sa magkabilang estasyon? Pati palabas niyo pareho pala ng timeslot.” “Para sa akin, confident naman ako sa sarili ko kaya walang tensyon para sa akin. Marami naman na akong napatunayan sa industriyang ito. At hindi madaling sundan ang mga dinaanan ko.” Jessica looked at me for my response as well. “Magkakaroon lang naman ng tensyon kung may inggitan. In my part, I’ve never been jealous of anyone’s success. Tyaka hindi naman kailangang sundan ang dinaanan ng ibang tao. I’m just following my own path.” “So hindi naman kayo nate-threaten sa isa’t isa? I mean given the same timeslot of your current shows? It’s basically competing with each other.” “Maganda naman ‘yung palabas namin. Kaya hindi ako natatakot,” sagot ni Anthony. “I think our shows have different stories to tell so it’s really up to the viewers,” I also answered. “Very well said guys! Alam ko bukod sa tv shows may mga pelikula rin kayo para sa upcoming Manila Film Fest? Share niyo naman samin! You first Justin.” “I’m part of the movie “Hunter”. You should watch it because I’m definitely sure you guys would love it if you’re up for action and drama. It has great direction because of Sir Joseph Castro, our director.” “Panuorin niyo rin ang pelikulang pinagbibidahan ko. “Down the Road” directed by Mr. Christoffer Marquez. Horror siya kaya magandang manuod ng may kasama!” Nagpalakpakan ang lahat. Muling nagcommercial break at ‘yung babae kanina kinausap na ng ibang staff. Pagkasimula ng show, doon ko lang nalaman kung bakit. Pinatayo na kami at inalis na ang mga couch. “Last question. Kuha tayo from our audience ng lucky girl!” Tumayo si Jessica at lahat ng malapitan niya tumitili. She stopped infront of the girl in blue and white. Pre-selected pala ito kaya kaninang break pa lang kinakausap na nila. “Ikaw sige halika rito, ingatan mo ‘yang ngipin mo at baka mabawasan pa!” biro ni Jessica at tumawa lang ‘yung babae imbes na mapikon. Panay talon kasi ito.Natawa rin ako dahil dito. Inilapit niya ito sa amin ni Anthony. “Anong pangalan mo ate girl?” tanong ni Jessica. “Ahhh-” “’Di maalala? Nagka-amnesia agad-agad ganern? ‘Tong isang ‘to nakalimutan ang pangalan nakita lang ng malapitan si Justin!” I just grinned. “Ano po ah, Ana!” “Okay sige Ana, anong tanong mo para sa mga pogi nating bisita?” She laughed but her hands was shaking. Mukhang kinakabahan siya ng sobra at hindi kinikilig sa mga oras na ‘to. Now I wonder why. “Hmm . . . pwede ko po bang malaman kung ano ang ideal girl ninyo?” Anthony spoke first. “Para sa akin? Bukod sa maganda. Gusto ko ‘yung kakaiba. ‘Yung lagi kong mahahanapan ng bago.” “For me… Gusto ko lang simple siya. Yung babaeng nauunawaan ako. Yung magpapangiti sakin at magpapatawa-” “Edi humanap ka ng clown,” singit ni Anthony, tumawa ang lahat. Nagfocus na lang ako sa mga mata ni Ana imbes na mainis sa komento ni Anthony. “Basta in other words, I just to fall in love with someone who I know I can share my whole life with. Someone I can trust with all my heart.” Muling nag-ingay ang audience. “As usual. Both of you must give this lucky girl a hug!” Nanlaki naman ang mga mata nung babae imbes na matuwa gaya ng kanina pa niya ginagawa. She doesn’t look pleased. Ako ang unang lumapit sa kanya dahil sa nakita kong mabigat ang kanyang paghinga. I just had the urge to hug her in an instant. Medyo tinagalan ko rin para mawala kahit papaano ang kaba niya. Si Anthony ang sunod na yumakap sa kanya. I’m not sure if I just saw flicker of sadness in her eyes.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD