"HEL---"
"Great morning! I am sorry if I called you this early, Ira. Excited lang talaga ako sa double date natin mamaya kasama ang mga asawa natin."
Mariing naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha at mahinang nagmura. Umagang-umaga ay ang pangit na boses ni Mirna ang maririnig niya. Kairita!
"It's fine," bagot niyang sagot.
"And I've texted you the venue, Karl and I already made a reservation. Ahm, kita-kita na lang tayo roon mamaya."
Gusto na naman niyang magmura dahil wala pa siyang naiisip na dialogue mamaya kung bakit hindi makakarating ang kanyang asawa.
"Yes, okay."
Mukha namang nakahalata na ito na wala siyang balak patagalin ang kanilang pag-uusap kaya laking pasasalamat niya nang magpaalam na ito. Agad niyang ibinaon ang mukha sa malambot na unan pagkababa ng telepono.
"Kasuka," sambit niya ngunit bumangon na at nagsimulang maghanda para sa kanilang muling pagkikita.
"Kaya mo 'to, Iralyn! Hindi ka puwedeng mahalata sa pagpapanggap mo! You can do this!" Iyon ang kanina pa niyang binubulong sa sarili habang papalapit sa lamesa kung saan nakaupo ang mag-asawang Mirna at Karl. Today is their supposed to be double date with their husbands. At dahil wala naman talaga siyang asawa ay mag-isa niyang dadating.
A sweet wide smile appeared across her lips when Mirna noticed her arrival. Agad nitong hinanap ang asawa niya nang makalapit siya sa kinaroroonan ng mga ito.
"Great morning again, Iralyn!" she chirped. "Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang asawa mo?"
Pinanatili niya ang matamis na ngiti sa mga labi kahit na gusto na niyang iikot ang mga mata rito. Sinulyapan niya ang dalawa bago nagsalita. "Pasensya na dahil hindi makakarating ang asawa ko dahil may misyon siya ngayon. He's a military doctor so yeah, he's kind of busy." She wanted to laugh her ass of when she saw Mirna's eyes widened.
Alam niyang napansin din nito ang suot niyang singsing. To take more emphasis of it, sadya niyang pinagsalikop ang dalawang palad sa ibabaw ng mesa. Sinigurado niyang susundan nito ng tingin ang kanyang ginawa. She could see jealousy in those eyes. Hah! Got you, girl! Mamatay ka ngayon sa inggit!
Their silent battle broke when Karl cleared his throat. Agad namang ngumiti ng matamis si Mirna saka umangkla sa braso ng asawa.
"There will always a next time," Karl said, picking up his fork and spoon. "Let's just eat the food, shall we?" Tipid itong ngumiti bago nagsimulang kumain.
Mirna shook her shoulders. "Okay. So, kailan pa kayo ikinasal?"
Muntik nang maibuga ni Ira ang kinakain sa tanong nitong 'yon. She rehearsed and prepared answers to those basic questions but why so soon? She composed herself and looked at the expectant face of her old friend. Si Karl naman ay tanging sulyap lang ang iginawad sa kanya.
She swallowed the lump that's beginning to form in her throat before speaking. "Ahm, Sean and I are married for eight months now."
"How is it to be married with a doctor? A military doctor at that?"
Lumipad ang tingin niya kay Karl. She did not expect that he would ask her that. Pati yata ang asawa nito ay hindi inaasahan ang tanong nitong 'yon. Bahagya kasing naningkit ang mga mata nito.
"Great. It is just so great," she informed with the smile coming back on her lips. "I couldn't ask for more."
"Really?" saad ni Mirna. "What's his name?"
Naasar man sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi niya ipinahalata bagkus ay kaswal siyang tumango. "My husband's name is Sean Maxi...min Cade...liña..." Unti-unting humina ang boses niya pagbanggit sa pangalan nito dahil sa nahagip niya ang binata sa lamesang malapit sa kanila.
Crap! What is he doing here?
Napalunok siya nang wala sa oras lalo na nang bahagya itong luminga sa paligid na waring narinig ang pagbanggit niya ng pangalan nito. Naitakip niya ang isang palad sa mukha nang sa direksyon niya ito mapatingin. Please po, sana wala siyang narinig, tahimik niyang panalangin.
He just got distracted by his companion. At mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Hindi niya tuloy maiwasang pagmasdan ito. Hinuli niya lahat ng pagbuka ng bibig nito, ang pagkumpas ng mga kamay, ang pagkunot ng noo at pag-iling ng ulo, ultimo ang pagkamot nito ng kilay ay hindi niya pinalampas. He is just so handsome in his own way.
"Sean what?"
Sa malakas na tanong na iyon ni Mirna nagising ang kanyang diwa. Ngalingali niyang takpan ang bibig nito sa lakas ng boses. "It's Sean Maximin Cadeliña."
"Ba't ka bumubulong?" taas ang kilay na sita nito.
Buwisit ka talagang snake ka!
Umayos siya nang pagkaka-upo saka pekeng ngumiti. "Wala naman." Time to return the questions b***h! "Marami na tayong napag-usapan tungkol sa akin. Why don't we talk about you two?" She gave out her best fake smile this time. At mukha namang bumenta sa dalawa. "How long have you been married? No kids yet?"
As soon as the last question left her mouth, napansin niya ang paninigas ng dalawa. Did she hit a nerve in there?
Ilang segundo ring natahimik ang dalawa bago nagawang sumagot ni Karl. "We've been together for five years and no, we do not have kids yet."
"Oh," ang tangi niya lang naging reaksyon. She did not pry any further because she saw pain in his eyes. Kahit ang bruhilda niyang dating kaibigan ay nanatiling walang imik. Maybe that's her queue to take her leave. "Well anyway, it is very nice to see you guys. Pero kailangan ko na ring umalis dahil may mga gagawin pa ako. Pasensya na uli at hindi nakarating ang asawa ko, hindi bale at nagbilin naman siya na sa susunod nating pagkikita ay sisiguraduhin niyang makakasama na siya." She smiled once again to them before turning her back. "Take care guys."
Madali siyang lumabas sa loob ng restaurant at sumakay sa kanyang kotse. s**t! Why is she feeling guilty all of a sudden? Are they having issues with having kids? Marahas niyang ipinilig ang ulo. Nope! Hindi siya dapat makonsensya. It was an innocent question. Agad na iwinaklit ang isiping iyon sa utak at pinaandar ang kotse. Magpapahangin muna siya.
"AISH! Kapag minamalas ka nga naman!" inis na bulalas niya pagkatapos masaktan nang kanyang sipain ang gulong ng tumirik na kotse. "Bakit ngayon pa, ha?" himutok niya habang nililinga ang paligid. Nasa isang shortcut road siya at iilang sasakyan lang ang dumadaan doon, ang masaklap ay ang lalayo ng mga bahay.
"Bakit ko ba kasi naisipang dito dumaan?" ani na naman niya saka humalukipkip at tinitigan ang sasakyang nasa gilid ng daan. It just did not want to re-start. May gasulina naman siya. Ito na ba ang karma niya?
Inilabas niya ang cellphone mula sa bag at napamura nang walang signal na naka-rehistro sa screen. Pambihirang pagkakataon! Nagpapapadyak siyang isinandal ang sarili sa hood ng kotse. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang maghintay ng sasakyang dadaan doon upang makahingi ng tulong.
Tagaktak na siya ng pawis dahil sa sikat ng araw nang sa wakas ay paparating na isang kulay silver gray na suv. Agad siyang kumaway at hiniling na sana ay tumigil iyun.
And it did. Halos magtatatalon siya sa tuwa. But her world went upside down when a very masculine Sean Maximin emerged from the driver's seat of the car. Halos mapanganga siya nang lapitan siya nito.
She needs to compose herself, and she needed to do it fast!
"What happened?" he asked, looking at her sweaty face.
"My car won't start," she replied, shielding her eyes from the direct sunlight. Bakit ba naman ang init-init sa Pilipinas! "Hindi ko alam kung paano ayusin so---Ahm, h-hindi mo na kailangang gawin iyan," pigil niya rito nang buksan nito ang hood ng sasakyan.
"Nah, I just need to check on something," he said, dismissing her protest and focused his gaze on those wires and whatnot.
As usual, natulala na naman siya sa kakisigan nito. He really is handsome. At hindi siya magsasawang paulit-ulit sasabihin iyon. He really is.
"Iralyn, right?"
"H-ha?" Nautal siya nang marinig ang mababang boses nito.
"I think I fixed the problem," sabi nito bago ibinaba ang hood. "Subukan mong paandarin."
Agad siyang tumalima at pumasok sa loob ng kotse. Nang pindutin ang ignition ay agad iyong tumunog at umandar. She quickly went out from the car and thanked him. "Wow, that was fast," hindi niya napigilang komento. Nginitian niya ito ng matamis. Ang landiii! "Thank you, Sean."
Tango lang ang naging sagot nito bago pumasok sa sariling sasakyan ngunit bago paandarin ay nagsalita ito. "Huwag ka nang dumaan sa kalsadang ito. This isn't safe for women drivers like you," bilin nito saka pinasibad nang tuluyan ang sasakyan nito. Naiwan siyang kunot ang noo ngunit hangang-hangang dito. Kung sino man ang mapapangasawa nito ay wala nang kasing suwerte dahil isa na itong complete package. Napailing na lang siya. Too bad that she is using his name to her own benefit. Paano kaya kapag nalaman nito ang pinaggagagawa niya?
Sana ay hindi siya makarma.