"THANK you," taus-puso niyang bigkas sa litrato ni Sean habang titig na titig sa guwapong mukha nito. "Nang dahil sa'yo ay naging mapayapa ang dalawang buwan ng buhay ko. Pasensya ka na kung na-extend ng isang buwan ang pagpapanggap kasi hindi ko naman akalain na tatagal sina Mirna rito sa Pilipinas ng gano'n katagal." Nginitian niya iyon. "Pero ngayong tapos na ang problema ko ay tatapusi---"
Naputol ang pagmo-monologue niya nang sunod-sunod na katok ang pumukaw sa kanyang atensyon. “Sino ‘yan?” tanong niya. Nang walang sumagot ay tamad na tumayo siya mula sa pagkakadapa sa kanyang couch at tinungo ang pinto. "Ano--" Nabitin sa ere ang anumang sasabihin niya nang ang seryosong mukha ni Sean ang kanyang mabungaran. Waring natigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa nakikitang ekspresyon nito. Galit ba ito? Kanino?
Akala niya ay nasa misyon ito? Nang dalhan niya kasi ng ulam ay walang tao sa bahay nito. Ang sabi ng kapitbahay nito ay may misyon daw kaya ibinilin ang bahay.
"Ey, hi!" Napapalunok siyang ngumiti rito. "Long time no see. What brought you here?"
Matagal siya nitong tinitigan bago nagsalita. "I'm here to see my wife."
She felt like her breath knocked out of her as soon as his statement was pronounced. Her heart started to beat uncontrollably while she stared at his stern face, unblinking. Parang nawalan siya nang kakayahang magsalita.
"Did it surprise you?" he asked with a mocking tone in his voice.
Siyet! Magkukunwari ba siya? Ano'ng sasabihin niya? O isara na lang niya ang pinto at never na itong kakausapin?
"Ah... Eh... Ano... Kasi...” s**t! Paano nito nalaman? “Hindi naman---" She gasped when he swiftly went inside her house, shutting the door behind him, locking it.
Doon siya lalong kinabahan. Ano'ng balak nitong gawin sa kanya? Hindi puwede! Hindi siya nitong puwedeng makorner!
Sumandal ito sa katawan ng pinto saka humalukipkip habang nanatiling nakatitig sa kanya. "Someone called me.” He stressed out the word ‘someone’. Pusang gala! Si Mirna kaya ‘yun? “She’s asking weird questions about you and me. Nasa misyon ako dapat ngayon pero mas inuna ko ang pagpunta rito dahil gusto kong maliwanagan.”
She let out a nervous laugh. “Hindi ko ala---Uy, akin ‘yan!” angal niya nang kuhanin nito ang kamay niya at walang ingat na tinanggal ang suot niyang singsing. Anak ng patay na pating! Ba’t suot pa niya ‘yun? Patay na! Goodbye freedom and hello kulungan! Nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi nang suriin nito ang singsing.
Napapalatak ito nang makita ang pangalan sa ilalim niyon. Disappointment was in his eyes. "And you really made an effort, huh? Hindi tama ang gumamit ka ng pangalan ng iba para sa kapakanan mo. Alam mo naman yun siguro, ano?” Sinuri nito ang itsura niya. “You don’t look dumb to me.”
Napaawang ang mga labi niya sa binitiwan nitong salita. Inagaw niya ang hawak nitong singsing. “I can explain, okay?”
Humalukipkip muli ito. “Sige. Bibigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag bago kita kasuhan. Galingan mo. Kapag hindi ako natuwa sa idadahilan mo ay sisiguraduhin kong sa kulungan ka na magpapalipas ng gabi.”
She gritted her teeth. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Is it because things are getting out of hand just when she thinks everything’s okay? Wala talagang kuwenta ang Mirna na yun! Hahanap at hahanap talaga ng paraan para sirain siya! Punyeta!
Huminga muna siya nang malalim bago magsimulang magpaliwanag. Ngunit wala pa man din siyang nasasabi ay hinila siya nito hanggang sa labas ng kanyang bahay. “Ano ba! Akala ko ba ay magpapaliwanag muna ako?” angal niya sa pag-aakalang nagbago ang isip nito. Sa kulungan na ba ang punta nila? Hindi puwede! Hindi siya papaya! “Teka nga! Aray!”
Wala itong sinabi at patuloy lang siyang hinila hanggang sa makarating sila sa loob ng bahay nito. Her eyes went wide when he locked his door. Shocks! May balak ba itong masama sa kanya? Dito na ba siya mamamatay? Binitiwan nito ang kanyang braso at sinenyasan siyang ituloy ang naudlot na paliwanag.
“B-bakit nandito tayo?”
His living room was so plain. Isang plasma tv, sala set at kusina ang makikita. Basic lang. Parang sa hotel. It doesn’t feel like home. Ay, tanga! Inisip mo pa talaga ‘yan, eh mamamatay ka na nga? isang maliit na boses ang sumita sa kanya sa sariling utak.
Katulad ng puwesto nila kanina sa bahay niya, nakasandal ito sa pinto habang nakaharap naman siya rito. And because they’re standing, she had to tilt up he head to be able to look at him in the face. Kaunti lang ang inilampas ng ulo niya sa balikat nito.
“Dito ka magpaliwanag,” utos nito.
“Bakit kailangang dito?”
Kumunot ang noo nito. “Dahil sinabi ko. Now, explain.”
Kumibot-kibot ang kanyang labi. Aaminin ba niya sa isa siyang talunan kaya ginawa niya ang bagay na ‘yun? Magpapaawa ba siya? Gusto niyang magpapapadyak sa inis. Bakit kasi ngayon pa na sabaw na sabaw ang utak niya?
“I don’t have all day to wait your explaination, Ira. Kung wala kang maisip na palusot sa kalokohan mo ay mabuti pang---“
“Oo na! Guilty na ako!” medyo naiiyak na saad niya. Nahihiya siya sa kagagahan. “Nagawa ko lang naman yun sa sobrang inis ko sa ahas na yun, eh! Si Mirna ‘yong tumawag sa’yo. Kaibigan ko siya no’ng kolehiyo kami.” Suminghot siya. Naiiyak talaga siya sa pagkainis. “At oo, katulad ng mga nakakasawang istorya ng magkaibigan, nagmahal kami ng iisang lalaki. Inahas niya ako at ngayon ay mag-asawa na sila. Ayokong tawanan niya, okay? Ayokong sabihin niya na hanggang ngayon ay talunan pa rin ako! Na hindi pa rin ako nakakalimot!” Nakatingin siya sa pader ng bahay nito habang nagsasalita dahil ayaw niyang makita nito ang pait sa kanyang mga mata.
“Pero hindi sapat na dahilan ‘yan,” wika nito na parang isang napakalaking krimen ang kanyang nagawa. “Hindi kailangang madamay ang pangalan ko sa away ninyo.” Umiling-iling ito.
Punyeta! Wala ba itong pakiramdam? Hindi ba ito naawa sa kanya?
“Paano kung kumalat ‘yan at umabot sa pamilya ko? Lalong gugulo ang sitwasyon. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na mamili ng mapapangasawa ko,” dagdag nito. “You took away my freedom in an instant.”
She hadn’t thought about that. But it is possible. Muli niyang ibinaling ang ulo rito. Hindi niya mabasa ang iniisip nito dahil blangko ang ekspresyon nito. “A-ano ang gusto mong gawin ko para hindi ako kasuhan? May mga magulang akong nangangailangan ng maintenance na gamot at may mga kapatid akong pinag-aaral,” pangongonsensya niya para hindi na umabot sa abogado ang lahat. Kailangan niyang magtipid dahil sa ipinambili ng mga singsing.
Tumaas ang kilay nito. “Sana ay naisip mo ang mga ‘yan bago ka nagdesisyon na gamitin ako sa sarili mong kaligayahan.”
Napangiwi siya sa ginamit nitong termino. Ginamit siya sa kanyang pansariling kaligayahan? Siyet! Bakit ang halay naman yata?
“Sige,” simula nito. He pushed himself against the door. “Ikakansela ko ang pagsampa ko ng kaso sa isang kondisyon.”
Napalunok siyang tumango. “Thank---“
“Don’t thank me yet,” putol nito. “My condition will be…” Tila nag-isip ito. “You will be my housemaid for as long as I want. Matatapos lang ang kasunduan kapag sinabi kong tapos na. No matter what you are doing, kapag tumawag ako, drop everything and be where I am. Walang excuses. Kapag may sakit ka, I’ll be needing a medical certificate. Is that clear?”
NO! sigaw ng utak niya. Siya? Isa nang consultant ng iba’t-ibang kompanya tapos gagawin siya nitong katulong s***h alalay? Hell no! Wala pa lang puso ang isang ‘to! Binabawi na niya lahat ng papuring naibigay rito.
Kinagat niya ang loob ng kanyang bibig para pigilin ang sariling makapagreklamo. On the bright side, mas mabuti na ito kaysa maghimas siya ng rehas. Mas masisira ang reputasyon niya. Nagbuga siya nang marahas na hangin. “Okay. Kailan ako magsisimula?”
His upper lip tugged up. She also saw amusement flashed in those dark soul caging eyes. “Today. You’ll start at this very moment.”
Ugh!