Chapter 6

2141 Words
“IPAPALABA mo talaga ang lahat ng ‘yan?” nanlalaki ang mga mata niya habang nakamata sa tatlong basket ng labahin sa kanyang harapan. Nabigla siya nang bigla na lang itong magtanggal ng kurtina, bed sheets at mga punda ng unan. “Wala ka naman yatang awa. Ni wala ka ngang washing machine. Ano’ng tingin mo sa mga kamay ko, gawa sa bakal?” Tumaas lang ang kilay nito. “Hindi ka pa man din nagsisimula ay puno ka ng reklamo. Ano, magkita na lang tayo sa korte?” Napamura siya sa isip. Oo nga pala! Dapat tikum ang bibig niya sa pagrereklamo. Isa nga pala siyang katulong nito. Hay, buhay! Ano ba itong gulong pinasukan niya? “Oo na. Gagamitin ko na lang ang washing machine ko sa bahay,” wika niya. “Hindi puwede.” Napamulagat siya. “Are you serious?” Parang mas gusto na lang niyang makipagsuntukan dito. Sean is about to say a thing when he knotted his forehead. Something has caught his attention outside his window. “Stay here,” sabi nito bago tinungo ang bintana at sumilip doon. Nagtaka siya nang isang maanghang na salita ang lumabas sa mga bibig nito nang harapin siya. “Dumapa ka,” utos nito. Ano raw? Bakit ako dadapa? Mapang-akusa niya itong tinapunan ng tingin. “Adik ka ba?” Napatili na lang siya nang dambahin siya nito at kubabawan kasabay ng sunod-sunod at hindi mabilang na putok ng mga baril. Napapikit siya ng mariin habang tinakpan ang mga tainga. Iba’t-ibang klaseng tunog ang sumabay sa ingay ng mga nagpuputukang baril sa loob ng bahay nito. May nababasag, natutumba at kung ano-ano pa. She’s just scared as hell to open up her eyes and see her life flashing in front of her. “Mamamatay na ako! Mamamatay na ako! Mamamatay na ako! Punyeta!” paulit-ulit niyang sambit. “Mamamatay na ako! Mamama—“ Napamulat siya ng mga mata nang isang malaking kamay ang tumakip sa mga bibig niya. Sean’s serious face came into view. Nakadagan ito sa kanya at magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha. His warm minty breath fanned her face. “You are not dead yet. But don’t scream. Hayaan natin silang isipin na patay na tayo,” kalmanteng saad nito. Bakit? Paano ito nananatiling kalmante gayong mamamatay na sila? Nakaunawa lang siya nang unti-unting humina at kuma-unti ang mga putok hanggang sa mawala. Ilang ugong ng mabibilis na sasakyan ang narinig bago naging tahimik ang paligid. Sa sobrang tahimik ay tanging ang malakas na kabog ng kanyang dibdib ang umaalingawngaw sa kanyang mga tainga. He motioned her to stay put when he went near his ruined window, moving like 007. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Nang balikan siya nito ay hinagip nito agad ang kanyang braso at itinayo. “Come on, we need to get out of here.” Despite her wobbly knees, she tried to keep up with him. Hindi nila binigyang pansin ang nagsilabasang mga kapitbahay nang makalabas sila. Pinasakay siya nito sa sasakyan nito. Walang salitang pinaandar nito yun bago pinaharurot. Naikabit niya ng wala sa oras ang kanyang seat belt. “What the hell was that?” untag niya nang makabawi. She is still as nervous as heck! “Later,” sulyap nito sa kanya. Gumagalaw ang panga nito na animo ay pinipigil ang sariling magalit. Nakakatakot ang hitsura nitong ‘yon kaya hindi na siya nagpumilit. Napalunok siya. “S-saan tayo pupunta?” “Sa headquarters. Stop crying.” Napasinghot siya. Umiiyak na pala siya nang hindi namamalayan. Marahil ay dahil sa takot at iba’t-ibang bugso ng damdamin. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga pisngi. “Eh kasi naman!” palahaw niya. “Marami pa akong gusting ma-achieve sa buhay. Hindi pa ako nakakapunta sa Spain! Marami pa akong babarahing mga malalanding higad! Magtatapos pa ang mga kapatid ko! At…at…” Suminghot uli siya. “Makikilala ko pa ang lalaking dadalhin ako sa altar. Paano mangyayari ang mga ‘yon kung ngayon pa lang ay matitigok na ako?” She looked at him with teary eyes. “Hindi puwede ‘yon, Sean! I don’t want to die in vain!” Maybe it’s weird to say those things to him but who the heck cares? Walang pakialam ang sinuman! Sasabihin niya lahat ng gusto niya dahil natatakot siya! She’s never been afraid of her entire life until today! May karapatan siyang magwala, umiyak at magreklamo! “Ira, you are fine. You didn’t die. Hindi na ito mauulit. I promise,” sulyap nitong muli sa kanya. His words and calm features don’t calm her. Parang batang pinagpupunas niya ang mga luha at pinilit pinigil ang pag-iyak. She’s still busy gathering her thoughts when the car stopped in front of a tower building. Ano’ng ginagawa nila sa isang security agency? Ito na ba ang headquarters nila? Umibis ito ng sasakyan saka pinalabas din siya. Pumasok sila at sumakay sa elevator. Dahil magkatapat sila ay nakikita niya ng maigi ito. He’s looking at her like he is figuring something out. Mayamaya ay huminga ito ng malalim pero hindi nagsalita. Guwapo talaga ito, maganda ang tindig at lalaking lalaki ang dating. Ang ganda ng mga kilay, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Kung tutuusin ay nakakapanghinayang na panganib ang laging sinusuong nito. He really looks like a half breed. He’s really blessed with good looks. Pinaghaharian na talaga ang Pilipinas ng dugong dayuhan. Not that she’s complaining or anything. Kung gan’to ba namang kaguwapo ang kalalabasan eh, aba, gora na. Gawa pa! “Okay ka na?” wika nito pagkaraan ng ilang sandal. Pinamulahan siya ng mukha. Shet! Bakit ba ang tagal nilang makarating---Her eyes whipped back at him. Pinakiramdaman ang sarili. “Bakit tayo pababa? Where the hell are we going?” “We’re going underground,” walang anuman nitong saad. Na parang normal lang ito para sa kanya. Her eyes automatically went wide. “Underground? Ano’ng gagawin natin sa hukay?” Naihilamos nito ang kamay sa mukha. He suddenly looked stressed. Na-stress ba ito sa kanya? Kasalanan ba niya? Hindi na nito nagawang sumagot dahil tumunog na ang elevator, hudyat na nakarating na sila. Bumukas ‘yun at nauna na itong lumabas. Simangot na sumunod siya, hindi alintana ang paligid. Typical lang naman ang office style ang nabungaran niya. Except that it is more organized and high-tech. Okay. Hindi ito typical lang. It is way more than just the typical. Everyone glanced their direction, particularly at her. Kung tingnan siya ng lahat ay parang isa siyang duming naglalakad. “Sean?” A man approached Sean. Puno ng pagtataka ang mukha nito. “What are you still doing here man?” Sumilip ito sa likuran ni Sean ng makalapit ito. Nangunot ang noo. “Who’s she?” Gusto niyang sakalin ito! Kung inguso siya ay parang siya na ang pinaka-common sa lahat ng commoner sa buong mundo. Porke nakapambahay lang siya? Duh! Maganda siya kahit ano ang suot niya, ano! Mga mapang-husgang nilalang! Oh, how she hates them! Sandali siyang nilingon ni Sean. “My wife,” walang pag-aalinlangan nitong wika na halos ikaluwa ng mata niya. Ano’ng ginagawa nito? Bakit ito na mismo ang nagkakalat ng kalokohan niya? Pinapalala lang nito ang sitwasyon! Sa inis niya ay tinawanan lang ito ng kausap. She looked at him straight to his face. That’s right. Ipapakita niya sa mapang-husgang lalaking ito na hindi siya natitinag. When nobody joined his laughing, he stopped. “No s**t,” komento nito pagkatapos. Tumingin uli ito sa kanya saka nailing. “Are you kidding me? Kailan pa? I don’t believe this.” Aba’t! Gusto na niyang supalpalin ito nang akbayan siya ni Sean. Gulat na tiningala niya ito ngunit wala sa kanya ang pansin nito. “She’s really my wife, John,” kumbinsi nito sa kausap. Pero nakakaasar dahil sa pandinig niya ay labas sa ilong ‘yon. But nonetheless, she’s still surprised, dahil pinapatotoo nito ang kasinungalingan niya. She smirked at the man in front of them. A stunned expression is on his face which is giving her the satisfaction. She knew she’s being a b***h but she cannot help it. Nauna itong nanlait at minaliit siya. John shook his head, clicking his tongue. “Pero bakit mo siya dinala rito? You know very that it is strictly prohibited.” Maldito talaga ang isang ‘to! “I know but something happened,” hayag ni Sean. Nagbago naman agad ang demure ng huli. Naging seryoso ito at maikling tumango. Nauna na rin ito at pumasok sa isang pinto. Sean dropped his arm on his side, looking over her. Tapos na ang pagpapanggap! Itinuro nito ang isang bakanteng upuan. “Umupo ka muna rito. May kakausapin lang ako.” Naupo siya saka inilibot ang buong tingin sa paligid. The people who were giving her glares are still looking her way. Sinundan ni Sean ang tingin niya. And just like that. Everyone is back on whatever they were originally doing. Napabuga siya ng hangin. “Okay. Go ahead,” taboy niya rito. “Don’t do anything stupid,” bilin pa nito bago siya iwan. Gago lang! Tanga talaga ang tingin nito sa kanya. Hmp! “HI.” Nag-angat siya nang ulo upang tingnan ang lalaking nagsalita. Bagot na bagot na siya sa kakahintay kay Sean. Aba eh, dalawang oras na siyang nag-iisa sa isang sulok. Nagmumukha na siyang kawawa sa mata ng mga tao ro’n. She looked at the man who had the balls to approach her. Nakangiti ito at may hawak na dalawang tasa ng kape. “Coffee?” alok nito. She discreetly looked around, people are giving the man weird glances. Seriously, ano ba’ng problema ng mga tao sa opisinang ‘yun? Mga abnormal! Tinanggap niya ang kapeng hawak nito. “Thanks.” “Don’t mind them. Unang beses lang kasi nilang makakita ng outsider dito,” komento nito saka hinila ang isa pag bakanteng upuan. Naupo ito sa harap niya. “I’m Thunder. You are?” tanong nito habang humihigop ng kape. “Ira…” Tumango-tango ito. “I heard that you’re Cadeliña’s wife?” Napataas ang kilay niya. Nilapitan lang ba siya nito para tsumismis? She doesn’t trust him but, he seems to be harmless. Nagkibit siya ng mga balikat. “Yes.” Napailing ito. “Damn. I thought he was just bluffing as always. You seem to be honest about it.” She sipped on her cup of coffee. “I am honest about it.” “Why?” The way he threw the question made her knit her forehead. “What do you mean?” He studied her. “Kilala mo ba ang asawa mo? Do you know his whereabouts? Na---“ “Yes, he’s a soldier,” putol niya. Curiosity is slowly getting in on her as he kept on staring at her with that astonished expression. “No. Not that.” “Huh?” “Don’t you know where you at?” “Ahm, headquarters?” balik-tanong niya. “Headquarters ng alin?” Shit! Ano nga ba? Hindi siya nakasagot. Wala siyang maisip na isagot. Nasaan na kasi ang lalaking ‘yon? Pinasadahan nito ng tingin ang suot niya. “And you are still in your pajamas. Sigurado ka bang asawa ka ni Sean?” Tumango siya. “Kung gano’n, he’s not doing a very good job. Mukha kang napabayaan.” Napakurap siya sa sinabi nito. Honest din kasi ito kung manlait kagaya no’ng John na yun. Tiningnan niya ang suot. Magkukuwento ba siya nang nangyari kanina? Ugh! Gusto na niyang umalis! “Something happened,” maikling wika niya. She’s not telling anymore. Kahit binigyan pa siya nito ng kape. His eyes lit up. “What happened?” Ibinuka niya ang mga bibig upang magsalita nang siyang pagbalik ni Sean. Nakahinga siya ng maluwag. “Hoy, kulog, layuan mo ang asawa ko,” seryoso nitong saad saka kinuha sa kanya ang tasa. Ininum nito ‘yon. Hindi man lang ba ito nainitan? Ibang klase! Thunder stood on his full height, facing her husband. “I am just entertaining your wife.” Hindi nakaligtas sa kanyang matalas na pandinig ang duda sa boses nito. “Iniwan mo na lang siya nang basta. Look at her…” Sinulyapan siya nito. “Hindi mo man lang sinabihang magsuklay,” nailing pang turan nito. “Ano’ng klase kang asawa?” Sean’s piercing gaze trained to her, narrowing his eyes after. s**t! Ang pangit ba talaga niya ngayon? The he groaned, gulping the remaining coffee before handing the mug to Thunder. Hinawakan nito ang kanyang braso at iginiya sa elevator. “Let’s go,” matigas na turan nito. “You can do better than this, Cadeliña!” narinig niyang pahabol ni Thunder bago sila lumulan sa elevator. “Gago!” sagot naman ng binata. Hah! Men! Will she ever understand them?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD