IRA continue to stare at Sean whose drumming his fingers on the table and staring at her with that blank expression on his face. Hindi niya mahulaan ang iniisip nito. He is really hard to read. Nakaupo sila ngayon dito sa loob ng restaurant na pag-aari raw ng kaibigan nito. Nasa isang kuwarto sila. He said they’re safe in there. Hindi na muli pang bumalik sa bahay nito o sa village dahil hindi na raw kailangan. Napataas ang kilay niya nang may tinawagan ito para ibili siya ng damit. She wrinkled her nose. “So, what happens now?” hindi nakatiis na tanong niya.
He sighed, running a hand on to his face. “You’re into this.”
Kumunot ang kanyang noo. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“They already know that I have a wife. You see…” He leaned against his seat, looking problematic. “I am no ordinary man. Marami akong kaaway. And since you’ve associated yourself to my name, you are now my responsibility.” He displayed disappointment on his facial features. “I am not just a military man, Ira. I am a secret agent.”
Bumukas-sara ang kanyang mga bibig sa narinig. She’s not dumb. Kahit hindi nito sabihin ay naiintindihan niya. If he’s a secret agent and dealing with illegal drugs, murders, different killings etc., he is absolutely not just an ordinary guy. Did she carelessly get herself in to her own drastic death? She bit her lip from the thought. Tumungo siya.
“You’ll live with me from now on.”
Her head whipped back at him with her eyes wide. “A-ano?”
Tumalim ang mga mata nito na animo’y hindi rin gusto ang mga nangyayari. Well, who would? Sino ba naman ang matinong secret agent na magkaro’n ng extra baggage? Wala. Magiging panggulo lang siya. “Hindi normal ang mundong ginagalawan ko. Don’t worry because they still don’t have our faces. My codename ‘Wade’ is what the only know. Everything’s under control for now.” Tumingin ito sa kanyang mga mata. “Pero hindi tayo puwedeng magtiwala. Kailangang maging sigurado. At dahil ikaw na rin ang naglapit ng ‘yong sarili sa mundo ko. Magtiis ka. Kung nasaan ako ay naro’n ka.” He then leaned to the table, hindi pa rin siya hinihiwalayan ng tingin. “Besides, you’re still my maid. Hindi ka pa bayad sa kasalanan mo.”
Napalunok siya. In just a snap of a hand, her life changes into something she did not imagine all her life. Ito na nga yata ang totoo niyang karma sa kagustuhang maghiganti. “P-paano ang trabaho ko?” tanong niya.
“Quit it.”
“Hindi puwede! Kailangan ko ‘yon! My family needs—“
“Ako na ang bahala ro’n,” putol nito na ikinagulat niya. “Kailangan kong matapos ang misyon ko nang walang abala.”
Ouch! Ang lagay niyan eh, siya pa ngayon ang magkakaroon ng karagdagang utang na loob dito? She studied him, puzzled. There is something about him that she cannot fathom. She knew that secret agents know a lot of connections but, he seems to be more than that. Ano pa kaya ang itinatago nito?
“Hey, man.” A tall man approached them in his three piece business suit. Guwapo rin ito at halatang may sinasabi sa buhay. Umupo ito sa isa pang bakanteng upuan. He regarded her by nodding his head. “Hellish this time?” tanong nito kay Sean.
Tumango ang binata. “I need a place to crash, Trevor. I’ve been tracked down.”
The other man’s expression was dead serious. Ipinatong nito sa lamesa ang susing hawak nito. “The house is located at the other end of the forest. It is more remote in that area. Walang kuryente. Bring flashlights with you,” tuloy-tuloy na saad nito saka siya sinulyapan. “You can go there at any time.” Tumayo na ito at tinapik si Sean sa balikat. “Take care, dude.” Then he walked away, leaving them on their own again.
Dinampot nito ang susi at tumayo na rin. “Kailangan na nating umalis.”
Hindi na siya nagsalita at maamong sumunod dito. Her mind is still busy processing everything that happened. Dumaan din sila sa backdoor exit ng restaurant. She felt like a movie star as she trailed behind him. Wala ang kaibigan nitong nagmamay-ari niyon dahil nasa ibang bansa raw ito. Pero dahil magkaibigan ang mga ito, labas-masok ito sa nasabing restaurant.
Tahimik pa rin siya habang nasa daan patungo sa lugar kung saan muna sila mamalagi. She still cannot wrap her mind about anything that is happening and or anything that is about to happen. But nevertheless, she feels safe with him. Tumingin siya sa gawi nito habang seryosong nagda-drive. She wanted to say sorry but she just couldn’t open her mouth to do so. Maybe because of her stubbornness. Aalipinin naman siya nito eh, so bakit pa siya hihingi ng tawad? Besides, buhay na rin niya ang nakataya. Huminga siya ng malalim.
“Stop sighing,” masungit na puna nito.
“Ano’ng problema mo sa paghinga ko?” inis din niyang sambit.
His hands on the steering wheel tightened. “It irritates the crap out of me. Hindi ako makapag-isip ng maiigi sa kakabuntong-hininga mo. Hindi ikaw ang problemado rito. Ako.”
Aba’t! Hah! Inikot niya ang mga mata saka humalukipkip na ibinaling sa labas ng bintana ang tingin. See? Paano siya magso-sorry rito? Ang sungit nito! Hindi na talaga ito guwapo sa paningin niya! Right, sexy na lang. At hunk. At---Ira shook her head. Nope. Hindi niya dapat pinagpapatansiyahan ito.
“Bakit hindi mo na lang sana kasi ako iniwan? Ang sabi mo nga ay hindi naman nila ako kilala. They don’t know my face,” bulong niya.
“Kargado pa ng konsensya ko kung namatay ka. Why, do you wanna die young now? Akala ko ba ayaw mo?”
She gasped and trained her gaze on him again. “No! Sino namang baliw ang gugustuhing mamatay ng maaga?”
Those brooding dark eyes eyed her. “Exactly my point.”
She huffed an air. Hindi dapat siya umaakto ng ganito sa delikadong sitwasyon niya ngayon. This is partly her fault. Pero naiinis siya dahil pinapabilis nito ang t***k ng kanyang puso sa loob ng dibdib. She is aware how good looking this man is but the timing is really really bad. Kung lalandi man siya ay hindi sa panahong alanganin at hindi sa lalaking laging nakikipaghabulan kay kamatayan.
Really? Eh, ginawa mo nga siyang asawa, ‘diba? panunuya naman ng maliit na boses sa kanyang isip. She inwardly cursed at her other self.
“Saan tayo ngayon pupunta?” sumusukong pang-iiba niya ng usapan.
“Somewhere.”
She rolled her eyes again at his curt response and didn’t say anything. Ipinikit na lamang niya ang mga mata at nagdesisyong itulog na lang muna. Baka sakaling paggising niya ay balik sa normal na ang lahat. Hay sana…
“WOW, welcome to the wilderness, Iralyn! This is where your new life begins,” bati niya sa kanyang sarili nang mabungaran ang matatayog at malalaking puno sa kapaligiran. Ginising siya ng binata nang makarating sila sa kanilang destinasyon. In the middle of endless tall trees is a one storey house, or more like a cabin. Ito na ba ang tutuluyan nila pansamantala?
Nangingiting tinapunan niya ng tingin si Sean habang abala ito sa pagbaba ng mga iba’t-ibang klaseng bag mula sa sasakyan nito. “Hindi ako magsisinungaling, ang ganda naman dito. I’m not much of a nature person but I like it here.” Nilanghap niya ang preskong hangin. “Peaceful and quiet.”
Binuhat nito ang dalawang malalaking bag. “Hindi tayo nandito para mag-enjoy. Hindi ito bakasyon,” saad nito saka siya walang anumang nilampasan at diretso sa bahay upang buksan ‘yun.
She made a face on his back as she walked behind him. Pinandilatan siya nito nang makita siya. “Get your things in there,” lingon nito sa natirang bag sa tabi ng SUV. “Huwag kang maging pabigat. Tumulong ka,” dagdag pa nito.
Umawang ang mga labi niya saka nanalim ang mga mata bago ito tinalikuran. Binalikan niya ang iba pang gamit. May mga supot pang naroon na ang laman ay puro grocery items. Kailan pa nagkaro’n ng grocery items doon? At saka ano kaya ang pinagbibili ng inutusan nito na mga damit para sa kanya? In fairness, marami yata itong datung.
She took the things she could carry and made her way to the house. Iginala niya ang buong paningin sa loob niyon. Basic necessities lang ang nakikita niyang gamit. A four setter wooden sala set. Iyon lang. Kita na rin ang kusina mula sa sala. Only two doors are inside. Sa tingin niya ay parehong kuwarto ang mga ‘yon. Bukas ang pinto ng isang kuwarto at nasisilip niya si Sean habang nag-aayos ng mga gamit. Wala ba itong balak ipasok muna ang lahat ng mga gamit? Lumapit siya at lantarang pinanood ang ginagawa nito. But when he took notice of her presence, he closed the door right into her face.
Napailing na lang siya bago tinungo ang isa pang kuwarto. She dropped the duffle bag on the bed and quickly went again outside. Siya na lang magkukusang magbuhat ng mga grocery items. Baka ipagdikdikan na naman nito ang pagiging yaya niya. Inilagay niya ang mga ‘yon sa kusina bago muling pumasok sa silid.
Maliligo muna siya. Heck! Pati ang pagligo ay muntik na niyang makalimutan.