CHAPTER 2 - THE RIVALS

1628 Words
SAIDDIE'S POV After my convo with Karl, I can't stop thinking. Though I am sure to my decision na talagang may isa sa kanilang nagpapatibok ng puso ko, hindi ko pa din maiwasang mag alala. Both of them are okey. Well, their personally is totally different. Paano ko ba sila nakilala? Well, so totoo lang Karl Ramirez was just a jerk. Hahahaha yes totally jerk. Magkaaway kami niyan lagi. Suplado kasi ang personality niya. Yung pagiging malambing ko, hindi umubra yun sa kanya. Bibihira di umubra ang alas ko. Pasimple kung bumanat yang lalaki na yan. He always mimic ng voice lalo na pag nakikipagkwentuhan ako sa mga classmates naming boys. I remember one time, our classmate, Mico approach me. Nagpaturo kasi siya sa akin sa Math. Palabas na kami ni Mico sa library ng makasalubong namin si Karl, nginitian ko lang siya. "Saids tara sa canteen, I'll treat you tinuruan mo ko sa Math eh" "Baliw oks lang no. Nagda diet ako hahahaha!" Hindi makakaligtas sa pandinig ko ang sinasabi ni Karl. He's mimicking my voice again. "Oi Karl papansin ka! Ginagaya mo na nman ako. Di naman kita inaano dyan ahh" kakainis talaga pag inaasar niya ako madali akong mairita. Nagtataka na nga din ako sa sarili ko kasi pag yung iba naman ang gumagawa ng ginagawa niya tinatawanan ko lang pero pag si Karl... Hay naku nakulo dugo ko. "Pare talaga, si Saids na naman nakita mo hehehe! Gusto mo na naman habulin ka na naman niyan sa buong campus.. Tsk tsk inaaway na nga yan ng mga chicks mo." napapakamot sa ulong sabi ni Mico. What he said is true. Yung mga tropang chunget na 4th year inaaway ako. May time na inaabangan nila ako para lang sabihin na hindi ako maganda kaya wag magpacute sa Karl na to. Lumalayo na nga ako eh kaya siguro nainit dugo ko lagi kay Karl sa simpleng pang aasar niya. "Ha?? Totoo ba yun Ayesha? Sino yung mga umaaway sayo? Di ko alam na may ganyang ganap. Wag ka mag alala pagsasabihan ko sila" "Naku wala naman yun di naman talaga ako maganda hehe pero di naman kita type doon sila nagkamali. Kala kasi ata deads na deads ako sayo. Duh! Halika na nga Mico, Ham sandwich with Rootbeer ha" hinila ko na siya para makalayo na kay Karl. Pagkatapos ng insidente na yon ay wala ng mga chunget na naharang sa akin. End of flashback. Karl is still the same. He used to mimic my voice pero unlike before habang tumatagal nababawasan na ang pagiging suplado niya sa akin. I can't say na we are close friends pero parang friends na kami. Natuto na siyang makisama sa mga circle of friends ko until he joined our tropa that's when Thom enters my attention. Close silang dalawa dahil their parents are family friends. Napasama sa tropa si Thom. Unlike Karl, super cool siya kaso masyado siyang tahimik. Pag di mo siya kinausap di ka din niya kakausapin. I remember nagkasama kami sa isang group ng 2nd year kami. Our class divided into 2 groups at nakasama ko nga si Thom. Kailangan namin gumawa ng isang short film about bible. We chose the story of Moises. My role is maging anak ng Pharaoh. And the Pharaoh is Thom. It is because bagay sa kanya ang role. Matangkad siya at maputi. At ako naman ay maliit at kayang kaya niyang buhatin. Ang role ko naman ipapakita lang sa last part na when God punished the Egyptian. Pinarusahan ang buong Egypt sa pamamagitan ng pag patay sa mga panganay na anak. Nagpractice kami for 1 week para sa script at play at ang location kina Thom. That's when I became close to his family. Mabait mama niya at mga kapatid. Last practice na namin araw ng Linggo noon at bukas na ang play. Nagluto ang mama ni Thom ng Pasta. Hindi ako mahilig sa pasta pero ng matikman ko ang spag ni Tita Charie, parang nagbago ang panlasa ko sa pasta. "Grabe Tita sobrang sarap ng spaghetti mo po! Hindi po ako mahilig sa ganito pero mukhang may bago na akong paborito ngayon" "Bolera ka ding bata ka ha. Siya sige kumain ka ng kumain at sa susunod ipagluluto ulit kita. Ipapadala ko dyan kay Thom." Nakakatuwa kasi naging close kami ng mama ni Thom. At yun nga ang naging start ng pagiging at east namin sa isa't isa ni Thom. There are times na may dala dala siyang food na niluto ni Tita Charie para daw sa akin. Kaya minsan tinutukso na ako kay Thom kasi feeling daw nila sinasabi lang ni Thom na Mama niya nagpapabigay pero ang totoo pinapaluto daw yun ni Thom para may maibigay sa amin. May gusto daw sa akin si Thom. Daming alam ng mga kaklase ko. Lumipas ang mga araw at taon at ng nasa 3rd year na kami lalo kaming naging close nila Thom at Karl. Silang dalawa ang naging pinaka close kong kaibigang lalaki. Si Karl ang alaskador at si Thom ang taga saway sa pang aalaska niya. Malaki ang pinagbago nilang dalawa, si Karl, hindi na masyado suplado at parang naging palangiti na at nadadala na sa paglalambing ko. While Thom, kahit na ang personality niya ay may pagka neirdy look, naging palakwento na siya. Kusa na siyang nag oopen ng kwento. 3rd year is a tough one, mag CAT na kami. Pero thankful that due to the revised law na pinalabas dito sa Pilipinas, hindi na nirerequired ang mga bata na mag CAT though yung teacher in charge sa amin ay dating Officer ng CAT kaya the school decided to revised it pinaghalong CAT-Scouting na ang concept. Unang araw palang ng pasukan, usap usapan na ang pag pili nga magiging Platoon Leader para sa taong ito dahil imbes na sa 4th year mag mumula ay sa 3rd year daw pipili since graduating na ang mga 4th year ngayon. Mamaya after flag ceremony daw ang announcement. "Welcome again mga Laverians, welcome to school year 2013 - 2014. Due to revised memo from DepEd, may mga changes tayong mararanasan ngayong school year na ito. Later your adviser will discuss to you ok? For now, I have here the list of names na maaring makuha bilang Platoon Leader. All the name listed ay may 1 week para patunayan ang mga sarili nila." Karl Ramirez Thomas Mojica Joseph Mercado Kathy Kate Reyes Rouge Kirstein Pinili " Sa limang nabanggit, please proceed to the Auditorium muna the rest can now go to your respective rooms" "Yehey magkaklase uli ang mga magaganda!!! Oi Saiddie lalo kang umitim ano ba yan? Kaya walang nanliligaw sayo" nakairap pang sabi ni Claude sakin Napataas pa kilay ko sa sinabi niya, "Hoy! Claudina wag mo sabihing may nanliligaw na sayo? Isusumbong kita sa Papa mo! " Aba maganda nga di ba. Sayang naman ang ganda kung walang manliligaw!" Sabat naman ni Fritz na napilantik pa ang pilik mata " What?? Ako lang talaga ang walang manliligaw??" nakakaloka sila ako nga lang ata. "Ehem! Di ka nag iisa ano kaba?" oo nga naman pala dalawa kami ni Kathy, unlike me, si Kathy ay may pagkamaton. Kaya di na ako magtataka. "Nga pala Kathy kamusta ang pagiging candidate sa Platoon Leader? Di na natin nakakasama si Karl at Thom ah?" "Uu nga busy sila at ikaw ay hindi?" "Alam ninyo ba na parang di naman talaga kami kasaling tatlo sa candidates? At yang dalawang yan? Para silang ibang tao. Masyado silang nagcocompete ayaw magpatalo ng isat isa. Para na nga silang hindi tropa. Lagi silang nagtatalo at laging may gulo. Mukhang may hindi magandang epekto ang ginawang pagbabago sa CAT. " napapailing na sabi ni Kathy." Alam naman nating lahat di ba? Pareho nilang gusto maging Platoon Leader" "OMG! Ano na mangyayari sa friendship nila?" di din maipinta mukha ni Claude. The long wait is over. As per our Teacher-in-charge na si Sir Ramos, today will be the announcement ofcthe chosen Platoon Leader. Till now di pa din namin nakakausap yung dalawa. Masyado silang busy sa pagpapasikat para napiling Platoon Leader. "Attention every one, lahat ba ng 3rd year ay nandito na?" Lahat naman ay sumagot. Parang excited ang lahat sa magiging announcement. "As we all know, today is the day for the announcement of our New Platoon Leader para sa CAT. Sa mga nakaraang araw, tatlo sa mga candidates ay nagback out na at only 2 remained. Please come in front Karl and Thom." While they are walking, napansin kong lalo nagiging cute ang dalawang ito. Ang gwapo nila sa gupit nila na parang mga sundalo. Nang sila ay nasa harap na, mas napako ang tingin ko kay Karl. Mas gusto ko ang porma niya ngayon parang lumaki ang katawan niya. Nag gym ba siya?? Ilang weeks lang naman kaming di nagkita. Hala siya nakatingin siya sa akin. Ayy bongga ngumiti pa. Ang lola mo naman ginantihan din ng matamis na ngiti ang gwapong lalaki sa unahan. Ayy ang landi ko. Tropa yan Saiddie umayos ka. "Karl and Thom you are both deserving to be the next platoon leader. Pinakita ninyo naman ang inyong sariling kakayahan para mapili. So the admin and principal decided to choose..." OMG ang tagal pa magsalita ni sir, "Since madami ang nag enrol ngayong school year, we chose the two of you to be the Platoon Leaders." "What? | What?" sabay pa nilang nasabi. "But sir? You need to choose one only po" Karl said "I agree Sir, dapat po isa lang ang piliin" dagdag ni Thom. "The decision is final. Here's the list of names ng mapapabiliang sa Platoon A at Platoon B. Goodluck galingan ninyo sa pag lead mga Cadet Commander! Congratulations." At doon na nagsimula ang rivalry between Karl and Thom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD