CHAPTER 1 - Where it all started
SAIDDIE's POV
“Ganda mo naman girl! Dala-dalawa pa naghahatid sayo” panunukso ng mga kaklase ko. Kasalukuyan kaming naglalakad mula sa Laverne Academy pauwi ng bahay. Ilang Linggo na akong nauwi ng may naghahatid. Actually, me, together with my friends, Fritz, Claude and Kathy used to walk from school hanggang sa kanto kung saan kami nasakay ng tricycle. Naging hobby na namin at bonding ang paglalakad. Pero dahil sa dalawang nasa tabi ko, naging malungkot na ang pag-uwi ko. Kahit anong sabi ko na tigilan nila ako ay di sila nakikinig sa akin. Infairness may mga itsura naman ang mga lalaking ito. Sikat pa sa school.
Ako nga pala si Saiddie Ayesha Mendoza. I'm turning 17 this kaming weekend. Sabi nga ng mga bashers ko, hindi naman ako maganda. Bukod sa medyo maitim ako, ay payatot pa. Nabibilang din daw ako sa mga lahi ng Minions dahil hindi din ako matangkad. Yung tipong pag pipila na sa flag ceremony, laging nasa unahan. O kaya naman laging nakikipag palit ng upuan sa classroom pag may kinokopya sa blackboard. In other words, hindi ako maganda period. Siguro dahil kwela lang talaga ako. Yung tipong madaling pakisamahan dahil daming dalang mga banat. Kahit noong Elementary days ko naman madai nagkakagusto sa akin. Lagi may tinutukso yung mga ganung bagay.
Back to my suitors, eto na naman sila. Nakakainis na nga eh lagi tuloy akong tinutukso ng mga kaklase ko. Wala na din akong time sa tropa. Looking at my back, ang mga loka ang sasaya.Ang lalakas pa ng tawa. Siguro may pinagtitripan na naman sila. Samantalang ako, eto, nganga, di man lang ako makasali sa usapa nila. Eto namang dalawag lalaking to, ewan ko ba di nman nagsasalita, kung magsasalita naman ay laking magkakontra. Paano ba naman, sila lang namang dalawa ang Cadet Commander sa dalawang Platoon ng CAT sa school namin.
They used to be friends before, nung nasa 1st and 2nd year kami. Tropa nga sila kaya lang nung 3rd year na kami doon na lumayo ang loob nila sa isa't isa. Naging magka compete sila sa pagiging Cadet Officer. Both of them are good. May katikasan ang katawan at buong buo ang boses pag nag cocommand. Dahil nga sa kanila kaya nagbago ang set up ng CAT namin. Imbes na isang Platoon lang ay nahati ito sa dalawa.
Sino ba naman hindi nakakakilala sa kanilang dalawa. Yung tipong pag araw ng Thursday at Friday ay kinakatakutan ng lahat. Well for everybody's info, that's the worst day for me but at the same time one of my favorite. Ang gulo no - worst kasi ang hirap ng CAT, lagi na lang akong may punishment. I also hate the drill dahil siguro maliit ako at ako ang laging huli sa bilang . Kaya lagi akong may patisipasyon sa pagbilang. "HULING BILANG NA PO PINUNO!" That's always may last word hayst. Knowing na ang liit at ang tinis ng boses ko.
"O pano ba yan Karl, Thom, dito na lang po. Bye bye na po ha. Need to ride the tricycle na. See you tomorrow" paalis na sana ako eh.. Tinawag pa ako ni Karl..
" Call you later, may sasabihin lang ako. Bye ingat kayo ha! Claude, Fritz, Kathy, ingatan ninyo tong si Saiddie ha! alam nio naman kahit maliit yan, may malaking part yan sa puso ko" kumindat pa sa mga friends ko.
"Corny! whahahaha, sige na sige na sumbong kita sa Kuya niyan. Bye na! natatawa pang sabi ni Fritz, sila kasi ang mas close.
KARL's POV
RING!! RING!! RING!!
" Hello, Ayie, What's up? Kumain ka na ba?", You heard it right, I used to call her Ayie. Kakaproud dahil ako lang ang tumatawag noon sa kanya. Para na ding course of endearment ko yun sa kanya. I got that nickname from her second name, Ayesha. Mas maganda yung name na yon para sa akin.
" Hi Karl, oo tapos na kami kumain, buti nga tumawag ka na. Ang sakit na ng kamay ko kakabuhat nung mga items ni kuya. Ginawa pa akong model sa binebenta niang kung ano ano"
"Hehehe, may nagustuhan nga ako doon sa binebenta niya, punta nga ako dyan one time. On hand daw eh"
"Sige lang matutuwa yun pag bumili ka. Nga pala ano yung sasabihin mo? Earlier kasi sabi mo my sasabihin ka sa akin? What is that about?"
Narinig ko na bumuntunghininga muna siya bago siya sumagot," You know Ayie its been a year when I asked permission na ligawan kita, I was just wondering kung meron ka nang desisyon? Don't get me wrong po, if you have no decision yet no worries. I'm still willing to wait. Maybe because you also have Thom na nagliligaw sayo."
I stopped talking and waiting for her response. I thinked it many times bago ko siya tanungin. I am really worried that Thom will win over me. The truth is that I can feel na Ayie likes me too. Ewan ko lang kung dahil I am assuming or something. Pero sana nga. I know in my heart na mahal ko siya last year pa. Siya lang ang nagpalambot sa suplado kong personality.
Natigil ang pag mumuni muni ko ng bigla siyang sumagot. "Actually, I have my decision na. Please wait until my birthday this coming Sunday? Are you free that day? Fritz already talked to tito Larry na doon tayo mag celebrate?"
OMG why do I have this feeling na ako ang pinipili niya. Minsan lang ako magkamali sa hinala ko. Kailangan ko paghandaan ang special na araw na iyon. I still have 2 days to prepare.