Redgie’s Point of View Nag-message sa akin si Merjie bago sila umalis. Wala pa sila. Hindi ko naman siya matawagan dahil baka siya ang nagmamaneho. “Hello.” “Nasa labas na kami. Sorry ang traffic, saka ang hirap ng parking.” “Saan kayong banda? Papapuntahan ko kayo kay Mang Sammy.” “Sa Starbucks na lang kami magkita. Ang daming tao dito sa labas.” “Okay sige. Ipapasundo ko kayo.” Nakiusap ako kay Mang Sammy na sunduin sila Merjie sa Starbucks sa gilid ng Araneta Center. Binilin kong naka Red silang tatlo. Sana makilala siya ni Mang Sammy. Nasa locker kami at naghintay ng oras. Nakaugalian na namin magdasal bago ang game. Bumalik si Mang Sammy nang nakangiti. “Nasa loob na sila. Siya ba si Merjie? Iyong nabato ng bote last game niyo?” tanong ni Mang Sammy. “Opo.” “Akala ko ay tomb

