Redgie’s Point of View “Bakit na kay Baste ang phone mo?” I asked her. Napakunot ang noo nito at napahinto sa pagsubo ng cupcake. Hindi ako mahilig sa matamis kaya hindi ko ginalaw ang cupcake. “Sinagot niya lang. Unknown number kasi. Malay ko ba kung stalker,” sagot nito. “Kapal mo naman. Stalker agad. Nag-text ako sayo, hindi ka nagreply.” “Malay ko ba. Nagpakilala ka ba?” Mataray na tanong nito. “Malay ko bang wala kang number ko.” “Bakit naman ako magkakaroon ng number mo? Napaka-conceited mo. Feeling mo regalo ka ni God sa mga babae.” “Hindi ba?” I asked. She made face. “As if. Bakit nandito ka?” “Naka-check in ako.” Tinuro ko ang Grace Hotel. She made face again. “Sinong malas na babae na naman ang kasama mo?” “Hindi ba pwedeng ako lang mag-isa? Bakit ang sama ng tingin mo s

