Merjie’s Point of View Mabigat ang mga paa ko na lumakad palabas ng Davao Airport. Nakikita ko sa paligid ang mga pamilya na masaya sa pagkikita. Mga pamilyang nag-iiyakan dahil sa paghihiwalay. Mga magkasintahan na nagyayakapan, nagpapaalam sa isa’t isa. Bumalik ako sa lugar pero hindi sa panahon. Saan ko nga ba nabasa ‘yon? Same pa rin ang Davao, pero bakit parang ang daming nag-iba? Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa hotel na tutuluyan ko pansamantala. Malungkot akong tumawag sa flower shop para magpa-deliver ng isang bouquet ng peonies sa hotel. Hanggang sa bulaklak na lang at kandila ang mabibigay ko kay Monty. At dahil alam kong umaga pumupunta sila Daddy at Mommy sa cementery, hapon na ako pupunta. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Dati, mga what ifs ang mga naiisip k

