Merjie’s Point of View Naunang bumalik ng Manila si Redgie. Alam kong may practice sila. Pero disappointed pa rin ako kung bakit hindi kami magkasabay bumalik. Tinanong niya ako kung anong oras ang flight ko pabalik. Sabi ko mga hapon na. Pagbaba ko sa airport, medyo kinilig naman ako at nando’n siya. “Bakit ang dami mong dala?” tanong nito. Marami akong dalang suha. Kasi naman, ang mura lang sa Davao. “Pampasalubong ko ‘yan. Bakit nandito ka?” tanong ko sa kanya. “Obvious ba na hinihintay kita? Sakay na, traffic ngayon. Gagabihin ka.” Nilagay ni Redgie ang mga gamit ko sa compartment ng kotse niya. Ilang kotse kaya mayroon ‘to? Alam kong mayroon siyang 4x4 truck. Tapos itong SUV na ‘to. “Kamusta ang practice?” I asked him. “Pagod,” he replied. “Manonood ka ba bukas?” tanong nito. “H

