Chapter 08

2442 Words
CHRISTINE Habang nanonood ako ng t.v dito sa loob ng opisina ni Mark biglang pumasok ang kanyang sekretarya. "Ma'am Christine, baka gusto mo munang mag-lunch? Ano po ang gusto mo para makapagpa-deliver ako?" tanong niya sa akin. "E, mag-ala-una y medya na po kasi at hindi pa nakakabalik si Sir Mark. Baka kako gutom ka na," dagdag niya pa. Hindi ko namalayan ang oras. Nawili ako sa aking panonood ng Kdrama. "Miss Gallego, 'wag mo na akong tawaging 'Ma'am'. Tin na lang, nakakahiya naman sa iyo." "Baka magalit si Sir," nahihiya niyang sabi habang nakayuko ang kanyang ulo. Sa tingin ko'y mabait naman siya at mahiyain. "Okay lang 'yun. At saka huwag ka nang magpa-deliver, pupunta na lang ako sa canteen, sabay na lang tayo. Nakakalungkot naman kasi ditong mag-isa," sambit ko. "Siya nga pala, ano'ng pangalan mo Miss Gallego?" pagkuwan ay tanong ko. Medyo magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Feeling ko'y magkakasundo kami nito. Hindi kasi kanina sinabi ni Mark kung ano ang pangalan ng kanyang sekretarya kaya tatanungin ko na lang. "Ana Gallego, Ma'am," sagot niya naman sa nahihiya pa ring tinig. "Sige, Tin na lang ang itawag mo sa akin at Ana naman ang itatawag ko sa'yo. Deal?" tanong ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Tinanggap niya naman ang kamay ko at may nahihiyang ngiti ang pumaskil sa kanyang labi. "Kaya, let's go na. Medyo nagugutom na rin ako e!" "Sige tara na!" sang-ayon niya naman sa akin. Naglalakad kami patungong canteen nang magsalita si Ana. "Ahm, baka tumuloy na lang si sir Mark sa meeting niya kay Miss Kate. Kasi 1pm ang meeting nila," imporma niya. Nagtaka lang ako kung bakit kahit text hindi man lang niya ginawa sa akin. Sabi niya sabay kaming kakain ng lunch. Nakasama lang niya si Kate, nakalimutan na ako ng hudyo! Nakaramdam ng kirot ang dibdib ko sa isiping sabay silang nag-lunch. Habang ako dito ay hindi man lang naalala i-text o tawagan man lang na hindi siya makakabalik agad. Paasa. Bwisit siya! Ang sakit isipin na ang babaeng kasama niya ngayon ay ang ex niya at ang pinakamamahal niya noon. O baka nga hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito! Bakit parang ang sakit-sakit sa pakiramdam? Hayts! Malalim akong napabuntonghininga. "Tin, nandito na tayo," untag ni Ana sa malalim kong pag-iisip. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa loob ng canteen dahil sa kakaisip ko sa hudyong iyon. 'Humanda ka mamaya.' Pagbabanta sa isip ko. Nakapila na kami para mag-order ng kakainin namin nang may narinig akong bulung-bulungan na hindi ko sana papansinin. Ngunit biglang kumirot ang puso ko sa aking narinig. May mga nagkukumpulan na mga kababaihan na akala mo' kung sinong mayayaman at magaganda na parang tipaklong naman at tikbalang. Nag-uusap sila malapit kung saan kami nakapila at parang pinaparinig talaga sa akin ang kanilang pag-uusap. "Siya pala ang kasama ni sir Mark. Girlfriend ba talaga 'yan ni Sir!? Parang probinsiyana naman 'yan, kita mo ang suot malayong-malayo kay engineer Kate!" ani ng isang babae. Naka-simpleng dress lang kasi ako at flat shoes. Hindi talaga kasi ako mahilig mag-ayos. Pero ang sabi ng mga kaibigan ko, kahit anong suot ko'y bagay naman sa akin dahil maputi, matangkad at maganda naman daw ako. "Hay naku girl, alam naman natin lahat na mahal na mahal ni sir Mark si Miss Kate dati. 'Di ba nagtangka pa ngang magpakamatay si sir Mark dati at hanggang ngayon never pa ulit si sir nagka-girlfriend. Kaya hindi ako naniniwala na girlfriend talaga 'yan ni sir," segunda pa ng isa. "At ito pa. Alam n'yo bang magkasama ngayon si sir Mark at Miss Kate sa isang restaurant? Sabay silang nagla-lunch. Malay natin nagkakabalikan na sila," hirit pa ng isa. "Huwag mo nang pansinin ang mga bruhang 'yan, Tin. Mga marites lang mga 'yan. Palibhasa mga kaibigan 'yan ni Kate," bulong at pagpapakalma ni Ana sa akin. I'm just smile at her, para sabihing okay lang ako. "'Di ba nga si Miss Kate ang kinuha ni Madam Claire para maging interior designer sa Marky's Mall? Dahil botong-boto talaga 'yan si Madam sa kanila. Sana, talagang magkabalikan na sila," pagpapatuloy nila sa pagtsi-tsismisan. "Hoy Chen, Ley! Mga wala ba kayong magawa sa buhay at puro pakikipag-tsismisan na lang ang inyong ginagawa? Para sa kaalaman ninyong lahat, meeting lang ang dahilan ni sir Mark at Miss Kate kung bakit sila magkasama," awat ni Ana sa dalawang babae. 'Heto oh!" sabay turo ni Ana sa akin. "...siya si Miss Christine Alonzo, girlfriend ni sir Mark!" Lahat ng tao sa canteen ay napatingin sa aming direksyon dahil sa sinabi ni Ana. Ang iba ay ngumiti sa akin at bumati. Pero ang iba naman ay parang 'di makapaniwala, lalong lalo na ang grupo ni Chen at Ley, rinig ko kanina sa pagtawag ni Ana sa kanilang mga pangalan. "Gusto n'yo bang malaman ito ni sir na ang girlfriend niya ang pinaparinggan niyo ng kung ano-anong tsismis?" pagtataray ni Ana na may kasamang banta sa dalawang babae. Bumakas naman sa mukha nila ang takot sa sinabi ni Ana kaya bigla silang tumahimik. "Kita mo 'yung mukha ni Chen? Parang tikbalang, pero kung makapagsalita akala niya maganda," bulong ni Ana sa akin. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa ni Ana kaya napangiti ako sa kanya. "Samahan pa ni Ley na mukhang tipaklong, kung makapaglait akala mo siya ang pinakamaganda," dagdag niya pa sabay tirik ng kanyang mga mata. "Halika ka na, Tin, huwag mo na silang pansinin. Masisira lang ang feslak mo sa kanila, pahibhasa kulang sa ligo," patuloy pa rin sa pagsasalita si Ana na ikinatuwa ko naman. Medyo makirot ang aking ulo. Pero mas makirot at masakit ang aking puso sa mga narinig ko sa kanilang usapan kanina. Kaya nagpasya na lang akong lumabas sa canteen. "Ana, pwede bang dalhan mo na lang ako ng pagkain sa opisina ni Mark? Medyo nahihilo kasi ako," pagdadahilan ko na lang, para makaiwas sa kung ano pa ang kanilang pag-uusapan. "Ayos ka lang ba, Tin? Halika ihatid na muna kita. Medyo maputla ka. Ano ba nararamdaman mo? Masakit ba ulo mo?" sunod-sunod na tanong ni Ana na may kasamang pag-aalala. "Okay lang ako. Huwag mo na akong ihatid. Kaya ko pa naman. Huwag ka na ring mag-alala. Baka epekto lang ito sa sugat ko sa ulo. Hintayin na lang kita 'don sa opisina," sambit ko sa kanya. Pero wala na akong planong bumalik pa sa opisina ni Mark. Gusto ko na lamang umuwi at mapag-isa. Habang nasa loob ako ng elevator, hindi ko talaga mapigilan isipin kung bakit si Mark lang ang tanging hindi ko maalala at kung bakit ayaw niyang ikwento sa akin kung bakit ako nabaril. Sumasakit na talaga ang ulo ko kakaisip. Bigla na lang akong napaluha na hindi ko mapipigilan ang aking nararamdaman. Ang sakit na kahit hindi ko siya maalala pero ang puso ko ang bilis ng t***k kapag kasama ko siya at parang may punyal na tumatama sa aking dibdib tuwing naiisip ko na ang ex niya ang babaeng pinakamamahal niya. Panay pa rin ang tulo ng aking mga luha kahit na tumunog na ang elevator hudyat na nandito na ako sa ground floor. Nakayuko ako at hindi ko pinapansin ang mga tao sa aking paligid. Hindi ko namalayan na may isang taong nakatayo na pala sa aking harapan. "Babe!" Bigla napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang kanyang boses. Ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas ng kanyang buliding. "BABE!" muli niyang tawag, at ngayon ay mas malakas na ang kanyang boses. "Wait!" habol niya sa akin. Dali-dali akong pumara ng taxi para makaalis. Kita-kita ko pa kung paano niya kalampagin ang sinasakyan kong taxi. "Babe, please mag-usap tayo. Lumabas ka diyan. Sabay na tayong uuwi." Basa ko sa kanyang labj ang kanyang sinasabi. Pero wala akong pakialam, basta masama ang loob ko sa kanya at sa mga narinig ko kanina. Panay pa rin ang hikbi ko habang nasa loob ako ng taxi. Ewan ko ba sa mga luha kong ito kung bakit ayaw magsitigil sa pagtulo. "Iiyak mo lang 'yan, hija. Mga kabataan ngayon mag-LQ, tapos konting lambing, okay na naman," pabirong sabi ni manong driver. "Hayaan mo muna ako manong. Panira ka naman. Alam mong nag-e-emote ako, sambit ko sabay hikbi ngunit may kasamang ngiti. Medyo gumaan kasi ang aking pakiramdam sa aming pagkukwentuhan ni manong driver. Maya-maya ay muli siyang nagsalita. "Nandito na tayo, hija. Pag-usapan n'yo na lang 'yan ng asawa mo kung ano man ang hindi n'yo pagkaka-intindihan," payo niya pa. "Salamat, manong. Pero hindi ko po siya asawa, boyfriend pa lang meron ako baka. Pero mamaya wala na," pabirong sabi ko kay manong driver. "Sige, salamat ulit, manong, ingat ho sa byahe." Inayos ko muna ang aking sarili bago naisipang lumabas sa taxi at pumasok sa bahay. Hindi pa man ako nakakapasok ay isang malakas na busina na ang aking narinig mula sa aking likuran. Pero wala na akong balak lingunin kung sino iyon dahil alam ko naman na si Mark lang iyon. Ang bilis niyang sumunod samantalang kanina ni hindi man lang niya ako naalalang tawagan o i-text dahil kasama niya ang ex niya. Mabilis ang ginawa kong mga hakbang dahil ayaw ko muna siyang kausapin. Naabutan ko pa si nanay Belen sa hagdan na pababa. May pagkataka sa kanyang mga mata nang makita niya ako. Kaya inunahan ko na siya sa pagsasalita bago pa magtanong. "Hello po, 'Nay. Akyat na muna ako sa kwarto ko. Kailangan ko na pong magpalit. May tagos kasi ako, 'Nay. Hindi ko alam at bigla na lang akong nadatnan," pagdadahilan ko. Pero parang hindi naniniwala si nanay Belen sa aking alibi dahil kita niya si Mark na may pagmamadaling sumusunod sa akin at tinatawag ang aking pangalan. "Sige, 'Nay, maiwan na muna kita. Kailangan ko na talagang magpalit ang lagkit na kasi." Mabilis akong umakyat at pumasok ng kwarto bago pa ako maabutan ni Mark. "Babe! Christine! Please open the door!" Dinig ko sa labas ang tawag ni Mark na puno ng pagsusumamo. Pero hindi ko pa rin pinapansin. Ewan ko ba, basta naiinis talaga ako sa kanya. Feeling ko, niloko niya ako at pinaasa. Bahala siya sa buhay niya. Magsama sila ng ex niya, o baka nga nagkabalikan na sila. Nasa ganoon akong pag-iisip hanggang sa hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Naalimpungatan ako dahil sa may nararamdaman akong parang may humahaplos sa aking pisnge. "Babe." Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at mukha ni Mark ang aking nabungaran. May pag-alala sa kanyang mukha. Nakaramdam tuloy ako ng konsensya. Ngunit bigla kong naisip kung bakit naiinis ako sa kanya kaya hindi ko siya pinansin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Pipikit ko na sana ulit ang mga mata ko nang bigla niya na lang akong hinalikan sa aking mga labi. Nabigla ako kaya napanganga na lang ako. Kaya naman malaya niyang naipasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. Mas pinalalim niya pa ang paghalik sa aking mga labi na may pag-iingat. Hindi na rin ako natiis at ginantihan ko na rin ang kanyang paghalik. Kahit hindi ako marunong humalik. Maya-maya lang ay naghiwalay na ang labi naming dalawa at parehong kinakapos kami ng hangin. Nag-init ang aking mukha. Feeling ko kasing pula na ito ng kamatis. Naalala ko pang hindi pa pala ako nakapag-toothbrush. 'Shocks! Baka mabaho ang hininga ko, sheyt ka Christine! Kanina pa walk out -walk out ka pang nalalaman. Tapos ngayon isang halik lang nagpadala ka na kaagad? Ang rupok mo girl!' kausap ko sa aking sarili. Kaya naman mabilis akong bumangon para sana pumunta ng cr para maghilamos at mag-toothbrush. Pero hinawakan ako ni Mark sa aking kamay, kaya napatingin ako sa kanya. "A-Ah, pasok muna ako sa cr. Kailangan kong mag-toothbrush," ani ko sabay takip sa aking bibig. 'Nakakahiya talaga!' "Babe, kahit na hindi ka mag-toothbrush ng isang linggo. Mabango at masarap pa rin ang mga labi mo," malambing niyang sabi at hinalikan niya pa ulit ng mabilisan ang labi ko at may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. "Kaya halika na. Hindi ka raw kumain sabi ni Miss Gallego. Hindi ka nakapag-lunch kanina kaya dinalhan na lang kita dito," aniya. Kumirot naman ang aking dibdib ng maalala ko na naman kung bakit umalis ako sa kanyang opisina at umuwi. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Mag-alas siete na pala ng gabi. Ang haba pala ng tulog ko. Kaya pala medyo nakaramdam na ako ng gutom. "Come, babe," tawag niya sa akin, kaya bumalik na lang ako sa aking kama. Kukunin ko na sana ang pagkain sa tray nang magsalita si Mark. "Ako na. Susubuan kita. Alam kong gutom ka. Para maka-inom ka rin ng gamot," pigil niya. "Ang hirap mo pala magtampo. Pati gamot, nakalimutan mong inumin. Paano mapapabilis ang paggaling mo?" sermon niya habang patuloy pa rin siya sa pagsubo ng pagkain sa akin. "About what happen earlier. I'm sorry, babe," aniya sa malamyos na tinig. "Nakalimutan ko ang cellphone ko sa sasakyan. Paalis na sana kami sa restaurant nang biglang pumasok si Kate. Hahil sa magkaibigan naman sila ni Vincent, kaya sinabay na lang namin siya at pinag-usapan na rin namin ang tungkol sa gagawing extension sa aming resto bar. Dahil siya rin ang kinuha ni mommy, to construct the buiding," paliwanag niya. "Mark, who's Kate?" tanong ko. "I mean... sa buhay mo?" dagdag ko. "She's an engineer sa lahat ng building na pinatayo ko. And shes one of the best engineer not only here in the Philippines, but also in abroad," sagot niya. Habang nagsasalita siya ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili. Sobrang mahal niya talaga ang ex niya. Nakaramdam ako ang konting kirot sa aking puso. Hindi niya man maamin sa akin na ex niya ito, pero nakikita ko sa mukha niya na may nararamdaman pa rin siya kay Kate. Nagtaka at kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. Nagtaka siguro kung bakit natanong ko ang bagay na iyon sa kanya. Pero pinagsawalang bahala ko na lang. Ayaw ko na munang mag-isip. "Sige, Mark, medyo nahihilo na ako. Salamat sa dinner. Magpapahinga na muna ako," ani ko, pero ang totoo'y gusto ko na munang mapag-isa. Napabuntonghininga na lamang siya at niligpit ang aking pinagkainan. Hindi na siya nagsalita pa. Ngunit akmang lalabas na sana siya sa aking kwarto nang magsalita ako. "Goodnight. And, thank you, Mark!" Nilingon niya ako. "Goodnight, babe. Pahinga ka na," tanging sagot niya sa akin. "Sorry ulit sa nangyari kanina. Mag-usap na lang tayo kung okay ka na," dagdag niya, bago siya tuluyang lumabas ng aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD